NANG maramdaman at marinig ni Alana ang pagbukas ng pinto ng kuwarto, napapabuntong-hininga na bumangon siya. Hindi siya sigurado kung gaano katagal na siya sa ganoong posisyon. Ang sigurado lang niya, hindi siya “kumokonekta” sa kanyang katawan kahit ano ang gawin niya. Umalis siya ng kama at hindi tumingin sa katawan na walang pagbabago. Napakaraming beses na niyang sinubukang “bumalik” sa kanyang katawan. Noong unang beses niyang ginawa iyon, lumusot siya sa kama. Kailangan niyang isaisip ang pakiramdam na mahiga sa isang kama para hindi na lumusot uli. Kahit gaano katagal siyang mahiga sa kanyang katawan, hindi niya magawang “bumalik” o “kumonekta.” Hindi man sigurado sa mga ginagawa, umaasa siyang may mapapala kahit paano. Umaasa siyang handa na ang kanyang katawan para sa kanyang es

