HINDI naghintay nang matagal si Alana kay Andres. Mabilis na nakarating sa bahay ng mga Tolentino ang binata. Nagpasalamat siyang hindi na nagpakita sa kanya sina Blu at Trutty. Totoong umaasa siya na magiging masaya ang dalawa sa piling isa’t isa. Masyadong mahalaga si Blu para totoong magalit o magtampo man lang siya. Hindi niya maiwasang itanong kung saan na siya patungo ngayon. Parang walang pakialam si Andres sa mga taong nakapaligid kay Alana. Nakatuon lang sa kanya ang paningin ng binata. Nilapitan siya nito at marahang sinapo ng dalawang kamay ang kanyang mukha. Sinalubong nito ang kanyang mga mata. Parang may kung anong humaplos sa kanyang puso nang makita ang pag-aalala sa mga mata nito. He cared for her. Hindi na pinigilan ni Alana ang kagustuhang ipaloob ang sarili sa mga bra

