VICTORIA
Nakatingin lang ako kay Jaden na papalayo sa amin. Napabugtong hininga na lang ako, hindi man lang niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
Idudugtong ko sana na anak niya si Jared, baka kasi akong isipin niya.
Tumingin ako kay Yoona na nakangiting nakatingin sa amin.
"Tiyak na iba ang iniisip ni Kuya, susunod na ako sa kaniya. Babalik na lang ako bukas dito." Sabi nito.
Tumango ako, lumapit sa amin si Yoona at niyakap ako. Pinantayan naman niya ang pamangkin niya saka hinalikan kahit nakayakap ito sa binti ko.
Nang makalabas si Yoona, pumantay ako kay Jared. "Why did you do that, Baby?" Tanong ko.
"I don't like that, Mama. Saka lalake siya. Ako lang yakap sayo." Possessive na sabi niya at yumakap na naman sa akin.
Natawa ako. "Yes baby, ikaw lang yayakap sakin." Sagot ko at niyakap din siya.
Pansin ko na tumataba si Jared, ang taba ng pisngi niya. Hindi siya yung tulad ng ibang bata na ang payat, baka pag nagbinata na ang anak ko ay doon siya papayat. O baka pag nasa 6 years old siya doon siya pumayat.
Ang cute niya tuloy tignan.
Humiwalay ito sa akin. "Gutom, Mama."
Humiwalay ako sa kaniya at tumayo bago hinawakan ang maliit niyang kamay.
Binabaan ko ang sarili ko habang naglalakad kami dahil kasama ko si Jared. Pagkababa namin dumeretso kami sa Kitchen Area, nadatnan namin doon si Mommy La na nagluluto ng dinner.
Napatingin ito sa gawi namin, ngumiti ito. Ngumiti ako pabalik.
"Gutom na ba kayo?" Tanong nito.
Umiling ako bilang sagot. "Hindi po ako, Mommy La. Ang anak ko na si Jared gutom na."
"Gusto mo bang ipakain ay sabaw ng bulalo at ipartner mo na lang sa kanin saka patatas?"
Tumango ako. "Okay na po iyon." Sagot ko.
Tahimik lang akong nakamasid kay Mommy La na naghahanda ng makakain ni Jared. Ilan minuto lang ay inabot niya sa akin yung mangkok na may kanin at sabaw.
"Thank you po."
"Welcome, sige pumunta na kayo sa Dinning Area para mapakain mo na ang anak mo." Wika nito.
Tumakbo si Jared, napasinghap ako ng madapa siya. "Jared!" Dali-dali akong lumapit sa kinaroroonan niya, nilagay ko muna sa mesa yung mangkok at tinayo siya.
"Are you okay?" Nag-aalala na tanong ko.
Ngumiti ito. "O–okay po, Mama."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinagot niya, tuwing nadadapa kasi ito ay iiyak na lang siya basta.
Hinalikan ko siya sa pisngi bago pinaupo, umupo ako sa tabi niya at pinakain siya.
Namalayan ko na lang na nasa tabi na namin si Mommy La. Nakamasid ito sa amin.
"Victoria, right?"
Tumango ako. "Bakit po, Mommy La?"
"Kamukha siya ni Jaden noong bata pa siya, anak siya ni Jaden di ba?"
Napakurap ako dahil doon sa sinabi ni Mommy La.
"O–po, anak ni Jaden si Jared."
Ngumiti ito. "Similar to his name, I see."
"Why Jaden didn't know that he has a son from you?"
"Mahabang storya po, Mommy La." Natatawang wika ko.
Magsasalita na sana siya ng may tumawag sa kaniya dahilan para mapatingin kami sa gawing iyon.
"Wife!" Tawag nung lalake na hindi naglalayo sa edad ni Mommy La.
Lumapit siya kay Mommy La at napadako ang tingin niya sa amin, lalo na kay Jared na pinaglalaruan yung kutchara.
"H–he look like Jaden." Gulat na sabi nito.
Ngumiti ito. "Yes he is, Hubby." Nakangiting sabi ni Mommy La.
Dumako ang tingin nito sa akin at ngumiti. "I'm Landon Eli, Jaden's Grand father." Pagpapakilala nito at niyakap ako.
Yumakap ako pabalik. "It's nice too meet you po, Lolo-Daddy."
Natawa ito dahil sa pag tawag ko sa kaniya na mukhang gusto niya.
Kumalas ito sa akin at ibinalik ang tingin kay Jared.
"Pwede ba namin siyang makatabing matulog? Tanong ni Lolo-Daddy.
"Okay lang po." Sagot ko.
Bubuhatin na sana ni Lolo-Daddy si Jared ng bigla itong umiyak kaya hindi na niya binuhat si Jared.
"Shh. It's okay, Baby. It's your Lolo Eli, gusto ka niyang makasamang matulog kasama si Mommy La." Pagpapatahan ko sa anak ko.
Tumigil naman itong umiyak at namamasa ang mata niya na tumingin sa akin. Ngumiti ako at pinunasan ang luha niya.
"Hindi ka alis, Mama?" Tanong nito.
Umiling ako. "No, Baby. Nasa dating room naman tayo, but you have with your lolo."
Tumango ito. "I love you, Mama."
"I love you too, Baby." Malambing na sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
Binuhat ko siya at ipinasa kay Lolo Eli niya. Ngumiti ako lalo ng kusa na itong sumama.
"Maiwan ka na muna namin, Victoria. Maglalaro pa kami ng apo ko." Paalam ni Lolo-Daddy na kasama din si Mommy La
Ngumiti na tumango ako. Napagdesisyonan ko na din na umakyat papunta sa kwarto ko tutal wala naman akong balak kumain.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, humiga na ako at tumingin sa bintana na sobrang dilim na.
Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Jaden. I miss you, Jaden.