GABI na nang makauwi si Jaden sa mismong bahay niya. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanilang mag-ama. Napagdesisyonan ko na umakyat na dahil wala naman akong dahilan para sa living area. Umakyat na ako saka dumeretso sa kwarto namin, dito niya kasi gusto na matulog kami. Naghubad ako ng damit at short. Humiga na ako kahit nakapanty lang ako. Kampante naman ako dahil matutulog ang anak ko sa kwarto niya. Pumikit na ako kahit hindi ko pa nararamdaman ang antok. Narinig ko na lang na bumukas ang pintuan, hindi ko na kailangan tignan dahil siya lang naman yan. Lumalim ng konti ang kama ibig sabihin humiga na siya. Hindi ako humarap sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ang sama ng loob ko dahil hindi niya man lang ako makuhang pagkatiwalaan. Pinatagal ko pa ng ilan sandali bago ako buman

