VICTORIA
3 years later..
NARAMDAMAN ko lang na may humahaplos sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mata at nakayuko si Jared saka nakatingin sa akin.
Nakangiti ito, ngumiti ako palabik sa kaniya. "M–mama." Tawag nito.
"Good morning, Baby." Bati ko.
"Moning." Bati nito. Natawa ako dahil sa pagbati nito. Bulol pa ito, tatlong taon palang naman ito at matututo din itong magsalita ng tuwid.
Bumangon na ako at pinaupo si Jared sa hita ko. Hinaplos ko ang bagsak na buhok niya.
Naalala ko tuloy ang daddy ng anak ko. Magkabuhok sila, sobrang bagsak ang buhok. Samantalang si Tito Jacob, may pagkakulot ang bubok.
Tumingala sa akin si Jared. "Mama, gutom."
"Punta tayo sa kitchen."
Tumayo ako habang bubat-buhat si Jared. Pagkalabas namin, dumeretso kaagad kami sa kitchen area.
Pinagtimpla ko siya ng gatas at binigay sa kaniya na nakabote. Wala pa kasi akong maisip na ipapakain sa anak ko, walang malambot na tinapay na pwede kay Jared.
Narinig ko na lang na tumunog ang phone ko na nasa kitchen counter lang. Dito ko lang pala nalagay ang phone ko.
Si Yoona ang tumatawag. "Hello Vic."
"Hi Yoona. How are you?"
"I'm fine. How about you? Where's my pamangkin?"
"I'm fine. About Jared, his here." Sabi ko at napatingin kay Jared na nakatingin pala sa akin, mukhang tapos na ito.
"Say hi from me. Nga pala, Victoria. Kailan uwi mo?"
Napabugtong hininga ako. "I don't know, Yoona. You know I can't." Pagdadahilan ko.
"If you not ready because of Kuya Jaden, his not here. He went to Canada for his medical seminar."
"How about his w–wife?" Tanong ko na halos hindi ko na mabigkas ang salitang asawa.
"Oh, si Terria? Matagal na daw silang hiwalay according to Kuya, naikwento niya ng malaman ni Dad at Mom. Alam mo na nagalit sila kay Kuya dahil masyado daw itong malihim at sumama ang dating asawa ni Kuya sa dati mong nobyo." Kwento nito.
Nagsama pala silang dalawa. 3 years na ang nakalipas at wala na sa akin iyon. Nandito naman ang anak ko para pasayahin ako.
Hindi na ako nagsalita. "So, kailangan ka uuwi dito? May 5 days ka pa na magstay dito habang wala si Kuya."
"Wala na akong bahay dyan, matagal ko ng ipinagbili iyon.
"Edi kay Mommy La ka muna magstay, nasa same village lang ang mga walton." Sabi nito.
Mukhang wala akong mailulusot na dahilan sa kaniya. "Fine, uuwi ako bukas dyan for 2 months. Magiimpake lang ako ng gamit namin ni Jared and I need to tell my parents about this."
"Great, I need to hung up now. Nandito na ang sakit sa ulo na si Aldrich." Paalam nito bago ibinaba ang linya.
Lumapit ako kay Jared at binuhat siya. May tumutulo pang laway mula sa bibig niya.
Natawa ako habang pinunasan ang laway niya saka pumasok sa kwarto.
Ibinaba ko muna si Jared sa kama at kinuha ang laptop ko para makapagpabook ng flight.
Nang matapos ako, nag-ayos na ako ng gamit namin dalawa ng anak ko at nilagay sa malaking maleta.
Lumapit ako kay Jared na ngayon ay nakadapa. Dumapa din ako at tumingin sa anak ko, napatingin ito sa akin. "M–mama."
Hinalikan ko siya sa pingi. Inayos ko ang pagkakadapa niya at humiga ako ng matuwid habang tahimik na nagmamasid sa kaniya.