CHAPTER 3

1169 Words
“ANO NGA pala ang gagawin mo bukas, Zia?” tanong ni Kai habang kumakain sila. “May taekwondo lesson ako.” “You’re taking taekwondo lessons?  Since when?” “Since college?  When you started going out with my female instructors?” “Who?” “Nevermind.”  Grabe talaga ang pagiging playboy nito. Hindi na nga siya magtataka kung isang araw e mabalitaan na lang niyang biktima na pala ito ng salvaging.  Kunsabagay, no one would ever dare touch a Montezor.  Especially the only heir to one of the biggest finacial corporation in the country.  At ang tulad ni Kai na alam kung paano ima-manipulate ang lahat ng assets nito para masiguro ang kaligtasan nito, hindi ito basta-basta makakanti ng sinoman.  Lalo na ngayon na naging miyembro pa ito ng pinaka-exclusive na riding club sa bansa, na sa pagkakaalam niya ay puro rin mga bigating tao ang miyembro. Kai had surrounded himself with everything he needed, which unfortunately, also made him a spoiled man that can get away with anything.  Especially with women.  Lagi kasing may sumasagip dito.  Tulad niya.  And she wanted out. Kai picked up the lonely flower on the vase that decorated their table.  Natigil siya sa pagsubo nang hawakan nito ang kamay niya at binigyan siya ng tingin na batid niyang kinabaliwan na ng napakaraming babae. “Nasabi ko na bang napakaganda mo kanina, Zia?” “Oo,” tinamatad niyang sagot.   “But I still think that you were more beautiful when you’re just yourself.”  He dramatically offered her the flower.  “Gaya ngayon.” “Kai.” “Yes?” “Ilang beses ko na bang sinabi sa iyong hindi na iyan tatalab sa akin?” Ngumiti lang ito.  The jerk was really cute.  “I know.  But I like praising you.  Baka sakaling matunaw ng mga salita at kaguwapuhan ko ang pagiging lalaki mo.” Malakas itong napasinghap nang sipain niya ito sa ilalim ng kanilang mesa.  Buong sarkasmo lang niya itong nginitian.  Tinapik nito ang sariling dibdib. “I’m the king of the world!” sambit nito.  “Napangiti ko ang batong si Alizia Marie Rivero!  Puwede na akong kunin ni Lord!” “Mabuti pa nga.” “On second thought, next time na lang.”  Ipinatong nito ang siko sa mesa at nagpangalumbaba sa harap niya.  “Gusto ko pang makita nang paulit-ulit ang mga ngiti mo—aw!” Sinipa niya itong muli sa ilalim ng mesa bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.  Subalit nakakailang subo pa lang siya nang muli siyang matigilan.  Napansin kasi niyang nakamasid lang sa kanya ang binata. “Ano na naman ang problema mo?” “Ang hilig mo talaga sa isda, ano?  ‘Buti hindi ka pa nagkakahasang.”  Gamit ang kutsara at tinidor, maselan nitong hinimay ang isda.  Maingat na inihiwalay ang mga tinik bago inilipat sa plato niya ang mga laman.  “Let’s just continue like this, Zia.  Paano na ako kapag nawala ka sa buhay ko?  I’m used to having you with me, you know.” Napatitig siya rito.  What the heck was he talking about?  And why was it that his words suddenly seemed to reached her heart?  Ginagamitan na naman ba siya ng ibang taktika ng lalaking ito para maakit siya at makuha nito ang gusto nito?  Oo, iyon nga marahil iyon.  Inaakit lang siya nito para makuha nito ang gusto nito.  Na patuloy siyang maging tagapagligtas nito sa mga babae nito.  Pero hindi na siya papayag na manipulahin nito.  She had enough of his womanizing.   On the other hand, she also couldn’t help but wonder why she somehow felt warm that he doesn’t want to lose her.  Ipinagpatuloy na niya ang pagkain.  Nang muli siyang magsalita ay naging malumanay na ang boses niya. “Mahigit sampung taon na tayong magkasama, Kai.  Hindi ka pa nagsasawa?” “Hindi.  Kahit kailan, hinding-hindi ako magsasawa na makasama ka.  You’re the apple of my eye, mango of my pie, calcium on my kalansay, cure to my ‘aray’, the center of my buhay…”  Napansin yata nitong masama na ang tingin niya rito kaya umayos na ito ng upo.  “At!  Ikaw ang tagapaligtas ko.  Paano na ako kung mawawala ka na?” Nadurog niya nang wala sa oras ang ulo ng pobreng isda sa kanyang plato.  Sabi na nga ba.  Bakit ba siya naniwalang magbabago ang isang tulad nito?  He only wanted her because he needed her to dodged off his women.   “Kung ayaw mong mapahamak, tigilan mo na iyang pagpapa-cute mo sa mga babae,” padabog niyang wika.  “Matanda ka na.  Hindi na bagay sa iyo ang magpa-cute.” “Bagay iyon sa akin.  In fact, lahat ng babae ay cute ang tawag sa akin.  Guwapo naman talaga ako.  At hindi ko sila makayang balewalain.  Alam mo iyan.  Mahina ang puso ko sa mga babaeng nagkakagusto sa akin.” “Akala mo lang may gusto sila sa iyo.  Masyado lang talagang malakas ang imahinasyon mo kaya iniisip mong lagi na ang lahat ng babae, may gusto na sa iyo.  Pero kung hindi mo sila lalapitan, hindi rin naman sila maghahabol.” “That’s not true.  Hahabulin nila ako kahit hindi ko sila lapitan.  I’m simply irresistable.” “You’re simply an idiot.”  Sa hindi niya malamang kadahilanan, umiinit na ang kanyang ulo.  Kaya tinapik na niya ng sariling kutsara ang gamit nitong kubyertos sa paghihimay sa ulam niya.  “Hanggat hindi mo tinitigilan iyang pagpapanggap mong kalahi ka ni Don Juan de Marco, hinding-hindi ka matatahimik.  And I’m tired of getting you off the hook everytime.  I’ve had enough.” “What should I do to make you stay?” “First of all, we’re not together so there’s no reason for me to stay at all.  And second, wala ka ng magagawa pa para magbago ang isip ko.  Kilala mo ako, Kai.  Kapag sinabi ko, gagawin ko.” “Paano kapag napikot ako?” “Then marry her.” “You’re the tiyanak incarnate.  I’m not going to marry.  Anyone.” Sa tono ng boses nito, mukhang malabo pa nga ang posiblidad na i-consider nito ang pag-aasawa.  Napaka-selfish talaga nito.  Pero hindi rin naman puwedeng ito lang ang sisihin sa pagiging playboy nito.  Mas malaki ang katangahan ng mga babaeng nakikipaglaro rito. “Ewan,” aniya nang hindi ito binabalingan.  “Bahala ka na nga.” “Zia.” “Yeah?” “You’re really pretty.” Natigilan siya sa pagkain at napilitang lingunin ito.  Napansin kasi niya ang kalungkutan sa tinig nito.  Which was very unusual of him.  Lalo na nang makitang nakangiti man ito sa kanya, tila hindi naman umabot ang ngiting iyon sa mga mata nito.  That even with that smile on his face, he seemed altogether…sad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD