PRIMO'S POV
"Pare . " Napatingin ako sa taong nakatayo sa aking harapan . Napukaw neto ang malalim kong pagiisip .
"Pre . Pasensya na kung di ako nakapunta sa party mo . " Ngiting bati at paumanhin ko kay andrei .
"Walang problema pre . Alam ko naman kung bakit . " Umupo ito sa ahrap ng aking mesa . Tumingin sa likod bagi muling nagsalita .
"Pre . Wala ka pa bang plano magtapat sa kanya ? " Tumingin ito sa gawi ni Bailey na kasalukuyang busy sa kanyang mga ginagawa .
"Hindi ko alam pre . Nahihirapan na din ako sa sitwasyon . Hindi ko alam na aabot sa ganito . " Napatingin ako sa litratong nasa ilalim ng aking mesa .
Tinitigan ko ito
Kinuha .
At ibinalik sa loob ng aking drawer .
"Hindi ko alam ang gagawin pare . " Napatingin ako sa aking kausap na para bang nanghihingi ako ng tulong.
"Mahal mo ba si bailey ?" Balik tanung neto .
"Hindi ko alam pre . Naguguluhan na din ako sa sitwasyon na to . " Napayuko nalang akong muli .
"Kung wala kang nararamdaman sa tao . Pakawalan mo na . " Sagot nito sa akin .
"Paano kung meron ?" Balik tanung ko .
"Bumawi ka pare . " At tumayo na ito upang bumalik sa kanyang desk ..
Napatingin akong muli sa gawi ni Bailey . Sa totoo lang hindi ko din maintindihan ang aking sarili . Si bailey ang klase ng babaeng hindi ko magugustuhan . Maliban sa pisikal na anyo . Oo at panalo talaga pag sa ganung larangan ngunit hindi sa ugali at nakagisnan . Ngunit aking napapansin na habang tumatagal ay nagbabago sya . Dahil ba ito sa akin ?
Uwian na masyadong nabusy si bailey sa araw na to . Hindi kame nakapagusap ng maayos .
" Bailey . " Sinabayan ko sya palabas ng building .
" Uhm ? Bakit ?" Tanung nito saakin .
" Labas tayo . " Yaya ko sa kanya.. Natigilan ito sa kanyang narinig.
"Anong nakain mo ?" Natatawang sagot nito sa akin .
" Ayaw mo ba ? Bumabawi lang ako sa mga araw na wala ako sa tabi mo." Seryoson sagot ko.
" Okay . " Nakangiting sagot nito.. sabay hawak sa aking kamay .
"Bukas . After work. Para kinabukasan walang pasuk makakapagpahinga ka pa . " Napatigil ako ng biglang mag ring ang aking telepono.
Sanda ...
Napatingin ako kay andrei at halatng naintindihan nya ang aking tingin . Tinawag neto si bailey para maiba ang atensyon . Kaya dali dali ko din sinagot ang aking telepono
"Hello hon ! Nasa mall ako malapit sa work mo . Gusto mo daanan na kita dyan sa trabaho mo? Sabi ng nasa kabilang linya .
" Wag na . Ako nalang ang pupunta dyan sa mall . Nasa labas na din naman ako dyan na ko didiretso" nagaalangan ako na sumagot.
"Okay sige . See you hon . I love you . " Sagot ng babae sa kabilang linya
"Okay . See you . I love you too . " Pahina ng pahina ang aking boses . Iwas na marinig ng mga taong kasama ko . Lumapit ako sa kanila at hinila si bailey .
"Bailey . Mauuna na ko at may emergency ako . Okay lang ba ?" Nanunuyo na tanung ko sa kanya .
"Oo . Sige . Wala naman problema . Bukas nalang . " Sagot neto . Mukha naman wala syang idea sa nakausap ko na ipinagpapasalamat ko din . Pagkapayag neto ay humalik ako sa ulo nia at niyakap sya . Nagmamadali ako na sumakay sa motor pagtapos ko bulungan si andrei kung saan ako paroroon .
Sa MALL
"hooonn " isang babae ang sumasalubong saken at kumakaway .
"Anong ginagawa mo dito sa mall ?" Paglapit ko sa kanya . Humalik ito sa aking labi at yumakap .
"Naggrocery ako syempre wala na tayong stock sa bahay ." Kinuha ko ang kanyang mga dala .
"Halika na umuwi na tayo" yaya ko pagkakuha ko ng kanyang mga dala .
"Kumain muna tayo, nandito na rin naman tayo e . Para di na tayo magrepare sa bahay." Pangungulit nito . Tumango nalang ako at hinayaan sya na humanap ng kakainan . Isang pastfood sa mall ang kanyang pinasukan . Umorder . At naghintay . Nagkukwento ito ng kanyang buong araw ng bigla kame natigilan pareho sa pag tunog ng aking telepono
Andrei ? Bakit kaya ?
" Hello ? " Nakatingin ako kay sandra habang kausap si andrei.
"Par . Nasan kayo ? Nandito kame sa mall nagyaya bigla si bailey na kumain dito . Baka magkita tayo !" Natataranta man ay pigil ang boses nito malamang para maiwasang marinig ng mga kasama .
"Nasan kayo ? Pauwi na din kame ni sandra . " Seryoso ang aking mukha . May kabang kahalo sa aking ekspresyon . "Sandra . Umuwi na tayo ." Baling ko sa aking kasama .
Nagtataka ito na sumagot . "Hindi pa tayo nakakakain hon . Anong problema ? Sinong kausap mo?"
Hindi na ko nakasagot sa kanya . Nang mapatingin ako sa babaeng nakatayo sa harap ng katapat nameng lamesa . Gulat na gulat ang kanyang mukha . Para syang itinulos na kandila sa kanyang kinatatayuan . Ganun din ako . Para akong sinemento sa aking upuan .
"Bailey" pabulong ko nalang na nasabi .
Napalingon si sandra sa aking mga tinitignan . Napangiti ito at tumayo . Sumalubong sa lalaking kasama nila .
"Andreiii " lumapit ito sa aking katrabaho . Na hawak pa din ang telepono at halatang pinagpapawisan din sa mga pangyayare . Yumakap dito si sandra . Ganun din si andrei .
"Sandra .. nandito pala kayo . " Natatarantang sagot nito . Di alam kung kanino titingin .
Napatingin ito sa mga kasama ni andrei at mukhang naghihintay ng pakilala .lumapit ako dahan dahan ngunit hindi inaalis ang tingin sa babaeng kitang kita ko ang sakit sa mga mata .
"Sandra . Si khai . Katrabaho namen ni andrei .. saka si bailey ....." Hindi ko alam ang aking sasabihin . Hindi ko alam pano itutuloy ang aking sasabihin .
"Hi . Bailey nga pala . Girlfriend ni andrei .. " nakipakamay ito kay sandra .
"Hello . Sandra .. asawa ni primo . " Nakangiti ito . At humawak sa aking braso .
Hindi ko na alam ang mga sumunod na usapan nila .. basta ang alam ko nalang ay nagpasya sila na kuamin sa iisang mesa .. hindi ko alam kung paano ako nakakatagal sa sitwasyon na ito . Hanggang sa nagpaalam si bailey na magbabanyo . Kasalukuyang kausap ni sandra si andrei kaya naglubos na ko na sundan si bailey . Inabot ko ito na papasuk ng banyo . Umiiyak ba ito ?
" Bailey " niyakap ko ito . Mahigpit . Kahit nakatalikod sya ay ramdam ko na umiiyak sya.
"Bitiwan mo ko primo . Baka sumunod si sandra sayo ." Kumakawala ito sa pagkakayakap ko .
"Ayoko bailey . Patawarin mo ko . " Lalo kong hinigpitan ang aking yakap .
Pumiglas ito at humarap saakin .
"Bukas tayo maguusap primo . Hindi ngayon . " At iniwan na ko nitong nakatayo sa labas ng restroom .
Hanggang sa pag uwi ay wala na kong naintindihan sa mga nangyayare .
Ano ba tong gulo na pinasuk mo primo .