BAILEY'S POV "Bailey . Anong ginagawa mo ?". Gaya ng inaasahan ko ay susunod si andrei saken sa baba inabot ako nito na umiinom ng wine . Lumingon lingon ito sa paligid . "Ikaw ang naglinis sa bahay ni primo . Sa laki nito ibig sabihin kagabi ka pa dito ." Lumingon ako dito at inilapag ang baso sa lamesa . Nagsindi ng yosi at inalok ito . Tumanggi ito . "Oo . Nagpunta ako dito kagabi pa . Naalibadbaran ako sa amoy at sa kalat kaya ng makatulog si primo ay nilinis ko na . ". Patay malisya kong paliwanag . "Bakit bailey ???". Takang taka ang mukha nito . " Andrei ! Ano ba ? Kakampi ba ko o kaaway ? Parang allergy na allergy ka na dumikit ako ay primo ! Ganun ba ko kasama? ". May pagdaramdam sa aking tinig . "Hindi naman bailey . Pero alam mo naman diba ?"

