Ep.14 paghihinala

950 Words
PRIMO'S POV  naihatid ko na si bailey sa kanilang bahay . Hindi ko alam kung tama pa ba ang nangyayare . Hindi ko alam kung ano ba talagang pumasuk sa kokote ko at nangyayare sa akin to .  Oo . Attracted ako kay bailey . Lalo ako nag ka interest sa kanya ng yayain nya ko ng kabaliwan nya . Pero habang tumatagal ay nagkakapuwang sya sa puso ko . Parang ayoko na matapos ang bagay na meron kame . Pero pano ? Commited na ko . At di ko kayang iwan si sandra .  Nagvibrate ang aking cellphone . Si andre Andrei : par . Musta yung lakad nyo ni bailey ? Primo : okay lang par . Nahatid ko na sya sa kanila . Andrei : okay naman ba ? Primo : siraulo . Oo ayos lang naman . Tara kita tayo Andrei : sige par . Sa tambayan . Im on my way  At tumuloy na nga ako sa tambayan .. Nauna ako kay andrei . Nag order na ko ng isang beer . Saktong dating naman ni andrei. "Par . Akala ko ba okay yung nagyare ? Bat naglalasing ka . Aga aga pa ah ."  Bungad nito saken "Oo . Ayos naman . Pero naguguluhan ang isip ko."  Tinungga ko ang beer at napatingin sa labas. "Ano ba napagusapan nyo ?"  Seryosong tanung ni andrei . At umorder na din ito ng alak . "Inamin ko na sa kanya lahat ."  Napatingin ako sa kanya. "As in lahat ?"  Nagulat pa na tanung ni andrei . "Oo . Wala akong tinago . "  Uminom ako ulit . "So . Hiwalay na kayo ?"  Nanghuhula na tanung ni andrei saken . Napatingin ako sa kanya na halatang naghihintay ng sagot.. "Hindi pre . "  Nasamid ito sa iniinom  "Anong hindi !!!"  Gulat na gulat ito  "akala ko ba nasabi mo na lahat ? Bakit di pa kayo hiwalay?"  "Ayaw nya par . "  Napatingin ako sa bote .. "at ayaw ko din " "Ay sows nayare na !"  Napatapik nalang si andrei ng noo sa narinig .   Nakauwi na ko . Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako . Nandun na si sandra . "San ka galing ?"  Seryosong mukha nito . Lumapit ako para humalik ngunit umiwas ito . "Galing ako kina andrei . Sabi mo kasi di ka uuwi kaya dun ako nakitulog . Ayoko naman na umuwi dito ng walang kasama "  paiwas na paliwanag ko .  "Kumain ka na ba ?"  Ibang tanung ko . "Wala akong gana . Wala pa kong tulog kakahintay sayo . Magpapahinga muna ko"  at nagtuloy na nga ito sa kwarto . Kinabahan ako sa mga tinginan ni sandra pero sana wala syang napansin . Nagmamadali akong nagshower at nagpwesto na sa tabi nito upang magpahinga . Napagod din tlaga ako sa magdamag na ksama ko si bailey . Ang sarap sa pakiramdam . Ngunit nakakakonsensya . Lalo na pag natititigan ko si sandra . At sa ganitong pagiisip ako nakatulog .   "Hala . Gabi na pala . " Pupungas pungas ako na hinanap si sandra . Lumabas ako ng kwarto at hinanap ito . "Hon ?"  Tawag ko dito .    ",Bakit ? Eto ba hinahanap mo ? "  Inangat nito ang cellphone ko . Kinabahan ako bigla . Ano kaya ang mga nabasa nya di ako nagbubura .  "Hindi ah .. ikaw ang hinahanap ko nawala ka sa tabi ko . "  Kunwari deadma ako sa pansitan .   " Si bailey ?? Sya ba ??"  Lumapit ito at inilapag ang aking telepono sa lamesa . Nakita ko na nakaopen ang conversation namen ni andrei .. hala ! Patay na . " Anong sinasabi mo ? "  Patay malisya ako kunwari. "Ayusin mo primo ! Napapansin na kita ! Hindi ka ganyan ! Subukan mo lang mambabae . Iiwanan kita dito at uuwi ako sa probinsya !"  Galit na sigaw nito saken     Magdamag hindi umuwi si sandra sa bahay . Nag aalala ako . Hindi ko na din namamalayan na di ko pala nakokontak si bailey maghapon . Siguro naman ay naiintindihan nya ko . Pero si sandra . Nasan na ba yun . 12midnight  Bumukas ang pinto .  " Uwi pa ba ng babae to ? "  Naiinis na tanung ko sa dumating  "At bakit ? Ikaw lang ba may karapatan umuwi ng anong oras mo gusto ?"  Galit pa din sya "Sandra ano bang problema ? Wala ka naman dapat iganyan "  lumapit ako at yumakap . "Nako primo . Alam ko na yang ganyan . Ilang taon na tayo . Alam ko na kung may gnagawa ka "  pumigals ito at pumsuk sa kwarto ..  Mahirap na sitwasyon to primo . Ginusto mo to e .  KINABUKASAN  " Papasuk na ko hon . "  Paalam ko kay sandra . Nakahiga pa din ito . Hahalik sana ako ngunit nagtalukbong ito . " Maaga nalang ako uuwi hon . Pagluluto kita ng pagkain "  paalam ko ulit . "Mahal kita hon "  at isinara ko na ang pinto . Ano ba tong pinasok ko . Ayoko na ganito kame ni sandra pero ayoko matapos un samen ni bailey . Nakakabaliw na sitwasyon . Bakit ko kasi sinubukan yung ganito ang hirap hirap mag adjust. Wala silang kasalanan pareho . Pero sila ang naaargrabyado . Biiibbbbb Nagvibrate ang cp ko  Sandra :  wag mo itigil ang ginagawa mo primo . Di ko man malaman ngayon yan lalabas din yang kalokohan na ginagawa mo at pag yan napatunayan ko sinasabi ko sayo maghihiwalay tayo agad agad . Di ako manghihinayang sa ilang taon ng dahil lang sa kapusukan mo .  Eto na nga ang sinasabi ko .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD