❝May bumabagabag ba sa 'yo, Apo?❞ Automatiko kong ibinaba ang pagsandal sa baba at hinarap si Lola. Suot ang paborito niyang gloves, inilapag niya ang sprinkler sa counter at naupo sa isa sa high chair at hinarap ako. Ngumiti ako at umiling. "Wala naman, La. Naburyo lang po." Sagot ko at inabot ang kamay niya upang hubarin ang madumi niyang gloves. Ni-transfer na kase niya ang mga tanim na rose sa riser na pinagawa niya kahapon sa carpentero. Sa harap iyon ng bahay, sa mismong gate namin. "Tahimik ka kase mula pa kaninang umaga. Sumama ka sa akin at samahan mo akong magdilig ng mga halaman sa labas." Aniya. Tumayo ako at pinaandar ang gripo upang nilisan ang mga gloves. Pagkatapos ay tinuyo ko iyon at inilagay mo na sa container para sa equipment upang matuyo lalo iyon at mamaya na il

