❝Dadalhin kita sa magagandang lugar na gusto mong puntahan, La. Lilibutin natin ang buong mundo habang naalala mo pa ako.❞ Hindi naman ako naiiyak kanina ngunit sa sinabi ko habang nakatingin sa kan'ya, biglang nang-init ang sulok ng mata ko. It was the most truthful words I said today. Lola stared at me with unmeasurable love. Ang kamay naming magkahawak ay hinatak niya upang abutin ako at yakapin. "Hindi kita makakalimutan, aking mahal na apo. Hinding-hindi ka makakalimutan ni Lola." Hindi ko naibuka ang labi. Automatikong umakyat ang kamay ko sa likuran niya upang gumanti at wala mang salita sa pagitan namin ng ilang minuto, sapat na ang init ng aming yakap sa isa't-isa upang iparamdam kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Action is bitter than words ika nga nila. And movement is

