❝My partner will arrive 30 minutes from now. I'd like to order her the same.❞ He's with his wife again. Ewan ko pero inantok ulit ako at bumagsak ang balikat. "Okay," pati boses ko nawalan na ng lakas. "20 minutes, your order will be ready, Sir." I said and turned my back from him and went to the kitchen. Hindi ko siya nilingon ngunit ramdam ko ang titig niya sa likuran ko. Pagkapasok sa kitchen, para akong nakawala sa sakal at nakahinga ng maluwag. Naabutan ko si Keigher na nagb-bake, si Ate Al na nagluluto ng meals at si Kuya Ronan na abala sa paggawa ng kape. Lumapit ako sa kan'ya at inilapag ang order sa granited counter floor. "Ito pa, kuya." Ani ko at tumalikod din. Hindi na ako naghintay ng sagot at bumalik muli sa counter. Wala na roon si Prudence. Nahanap ko siya sa table ku

