Special Chapter Beatriz Salvador-Graysun Tinatapik ko ang mga anak kong natutulog sa kama. Sa gitna namin si Briella at sa dulo naman namin si Kelvin, may yakap itong unan sa pagitan ng kanyang mga binti at mahimbing nang natutulog. I hummed, at patuloy silang salitang tinatapik sa kanilang mga hita. Maging ako, napapapikit na rin sa labis na antok at pagod. Straight flight kami mula Manila. Hindi ako naka-iglip kahit kaunti man lang sa buong biyahe. Inaasikaso ko ang kambal namin na mag-aapat na taon pa lamang sa kanilang mga kakailanganin. Nilalaro ko rin sila para hindi mainip. Iniiwasan ang pagka-aburido nila sa buong biyahe. As I was about to sleep, naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan. Lumabas si Kiel mula sa banyo. Hawak ang kanyang telepono na nasa kanyang tenga. “Do all the

