Chapter 42 Beatriz POV Sumasakit na ang lalamunan ko kakasigaw sa pintuang nakasarado. Walang bintana ang kwartong ito at ito lang din ang way para makalabas. Isinandal ko ang kalahating katawan ko sa pinto, umusad pababa. Nanghihina kong hinahampas ang makapal na kahoy na pinto. “Tulong!” sigaw ko sa hindi ko na mabilang na beses. “Buksan niyo ito. . .” nangingiyak ‘kong sigaw. Umusog sa pinakasulok at niyakap ang mga tuhod ko. Itinago ko ang ulo ko doon at umiyak sa kawalan ng pag-asa. Hindi ko na alam kung ilang oras na ang nakakaraan simula nang makuha ako ng mga kidnapper. It was a set-up. Someone set up this kind of kidnapping of me . . . kung sino, I have no idea. Mula kanina paggising ko, walang taong nagpakita sa akin. Walang ano mang bakas ng mga iyon dito. Inilibot ko ang

