Chapter 13 Red POV Nasa loob ako ngayon ng isang bar na pagmamay-ari ng isa kong kaibigan. Nag-aya siyang mag-inuman kahit pareho kaming abala sa kanya-kanyang responsibilidad sa buhay. Habang nagkukuwentuhan kami ay hindi na namin namalayang nalasing na pala kami. Kahit medyo nahihirapan na akong maglakad at maaninag ang daan, nagpumilit pa rin akong umalis. Pasuray-suray akong naglakad palabas, halos hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Buti na lang at nakita ako ng driver kong si Mike at agad niya akong sinalubong. Pagkarating sa isa sa mga hotel na pagmamay-ari ko, inalok niya akong alalayan. “K-kaya ko na, Mike. H-hindi pa ako lasing… hek!” sabay tawa ko. Napakamot na lang siya ng batok habang sinusundan ako. Kahit hirap na akong maglakad, tumanggi pa rin akong magpatulong sa

