"Allyzza naman bilisan mo ma le late na tayo..."Bakit naman kasi hinintay mo pa ako!"Ayaw kong kasabay iyong Hazel noh,tssk.."Kesa dalawa tayong mapagalitan..Wala pa nga akong tulog eh,ayaw ko nga sanang pumasok ngayon.."Hala s'ya e alam mo namang my meeting tayo with our new ceo..."Alam ko naman iyon,pero naawa ako sa pinsan kong inaanak ko alam mo naman na...Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may biglang sumingit na nagsalita sa likuran namin ni Rale..
"Bilisan ninyo at late na kayo!"Si Seb na kakarating lang din at nakasunod sa dalawa..."Bakit miss Allyzza nag-undertime ka kahapon at muntikan ka nanamang ma late ngayon?Bakit anong nangyari sa anak mo?..Hindi sumagot si Allyzza nakatingin lamang ito kay Rafael at ngumingiti lang din si Rale sa kanya.."Tss..ngayon ko lang nalaman pepe ka pala at bingi pa..
Nilagpasan ko na ang dalawa,nakita ko naman parang namumula si Allyzza na nakatingin kay Rafael sa kaibigan niyang binabae.Saktong pagpasok ko ng kumpanya ng makita ko ang dalawa na nagmamadali..Agad ko naman silang sinundan at nasa likuran nila ako ng marinig ko ang sinabi ni Allyzza na anak..Hindi ako magkamali anak nga niya ang batang babae na karga karga niya kahapon.Pero bakit single siya sa resume niya?Disgrasyada ba s'ya?inanakan?tss...wala na akong paki -alam sa kanya.Empleyado lamang siya at bakit ko nga ba s'ya iniisip?Pagdating ko sa loob ng opisina ay nakita ko si Lucas na nakaupo sa swivel chair ko."Bagay sayo.!..nasabi ko at agad naman itong tumingin sa akin.."Ow Seb you're 3 mins.late.."Boss ako kaya wala kang paki-alam!iyan,iyang dalawang iyan ang late..."Hi sir,good morning!!Nagulat ako ng may magsalita sa ilalim ng table ko.."Ahm si Hazel pala ang ating Q A supervisor.."What?at ano ang ginagawa niya dyan?Wala may nilalaro lang,tumayo kana dyan baby baka maabutan ka nila Allyzza.."My gosh naman Lucas pati dito sa opisina ko?kumuha kayo ng ho. ..Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pumasok na sila Allyzza at Rafael,haabang inaayos naman ni Lucas ang zipper nito..Bilib talaga ako sa pinsan kong ito.."Seb start na tayo at kumpleto na oh..."Tiningnan ko ng masama si Lucas,inumpisahan ko na agad ang meeting.."Kayong tatlo ay ipapadala ko sa Ilocos sasabay kayo kay Lucas pagbalik niya doon ngayon..I will give you 3 hours para makuha ang mga gamit ninyo sa bahay ninyo at bumalik agad kayo dito sa opisina dahil dito ang pick up point ninyo going to Ilocos..Huwag kayong mag alala pagnatapos ang export products doon na ipapadala sa ibang bansa,makabalik agad kayo dito.."Excuse me sir,bakit kami po ang napili ninyo?"Dahil gusto ko at nakitaan ko kayo ng magandang record na makakatulong doon sa branch nitong kumpanya.."Pero sir marami namang Q.A dito na magagaling..."Bakit miss Allyzza ayaw mo ba?..."Hindi sa ayaw sir kasi..."My decissions is final!Nakita kong yumuko na lamang si Allyzza at alam kong ayaw niya dahil siguro sa anak niya na walang ama..Pagkatapos kong sabihin sa kanila ang dapat gawin ay nag instruction pa ako na bawal ang maglihim sa loob ng kumpanya.Nakita kong nakatingin sa akin si Allyzza natamaan yata..Ikaw ba naman nilagay sa resume niya na single siya,hindi nilagay na may anak na s'ya at kahit sa dependents niya ay hindi nilagay ang anak niya..N/A ang nakasulat doon,saan ang mga magulang niya?pwede naman niya itong gamitin pang dependents kahit na yong anak niya...Naudlot ako sa pag-iisip ng magsalita si Lucas..."Be prepare guys at hintayin ko na lamang kayo dito sa kumpanya,ah Seb tapos na po ba?"Tapos na pwede na kayong lumabas.."Agad namang lumabas ang tatlo,naiwan kami ni Lucas sa loob."Bakit parang ang init ng ulo mo?"Ako mainit ang ulo?"Seb magkababata tayo at sabay lumaki,hindi man tayo close masyado kilala na kita pinsan..."Tss...wala ka namang ibang alam kundi ang mambabae.."Tss.. insan sama ka maya magbar tayo..."Magbar ka d'yan ayusin mo ang trabaho mo sa Ilocos at iyong tatlong tauhan bantayan mo,hindi iyong si Hazel lang ang atupagin mo!"Insan wala iyon,patay na patay lang talaga sa akin iyon kaya pinagbigyan ko lang kanina..Eh hindi ko naman kasalanan na gwapo ang lahi natin saka habulin ng checks.."Lumabas kana nga at may gagawin ako!"Insan ano kaya kung sumama ka sa Ilocos kahit ngayong weekend lang..Friday na ngayon bukas at sa sunday walang pasok sama kana,kahit samahan na lang kita dito pabalik sa monday ng madaling araw.."Lumabas kana Lucas at marami pa akong trabaho!"Oo na sungit mo madali kang tatanda niyan!Hindi na ako umimik pa at napag-isipan ko naman ang sinabi ni Lucas bago siya makalabas ng opisina ko..Sige sasama ako para mabisita ko din ang branch doon."Iyon,sige insan para naman may kausap ako sa byahe at may papalit magmaneho sa akin kung gusto ko magpahinga.Lumabas na si Lucas kaya minamadali ko na din ang trabaho ko.
Umuwe na agad si Allyzza upang kumuha ng gamit,isang maleta ang dala niya para hindi agad maubos ang mga damit niya sa pang araw-araw kahit na may uniform sila e ayaw kasi niyang maglaba sa hindi niya bahay.Sakto namang pumasok ang tita niya kasama si Shyrel.."Mag ingat ka doon pamangkin ha.."Opo tita,saglit lang naman kami doon pagnatapos ang pang export na produkto babalik din kami agad."A...ate matagal k..ka po mawawala?"Hindi Shy baka isang buwan lang si ate doon..be good girl po ha mamimiss ka ni ate Ally..."Ma..mi..miss din po kita ate.."Oh sya sige na baka ma late ka pa at maghintay ng matagal ang boss mo.."Sige tita,mag ingat din po kayo dito..Kiniss ko si Shy at nagbeso ako kay tita,close kami ni tita dahil to do support ito sa akin kahit noong nag aaral pa ako.Kaya tuloy hindi ako maka alis alis sa bahay nila kahit kaya ko namang bumukod.Nainis ako na iiwanan ko sila kahit sabihin na saglit lang pero hindi naman alam kung kailan kami doon.Pasakay na ako ng traysikel palabas ng subd.ng makita kong may honda na puti papunta sa amin 7 seaters ito,nagtaka ako baka may bisita lang si tito kasi dati naman ng nagtatrabaho pa ito ay pumupunta dito ang mga katrabaho niyang mga mayayaman.Nagulat na lamang ako ng dumungaw si Rafael.."Best sakay na..sorry sinundo kana namin,sabi kasi ni Sir Lucas sunduin ka nalang kasi sa Laspiπas naman ang daan natin,e naisip ko may way naman dito papunta doon para hindi kana mahirapan.."Salamat,sorry sir Lucas naabala pa kayo.."Tss..sakay na at para hindi tayo gabihin sa byahe!.Nagulat ako ng magsalita si Sir Seb sa tabi ni sir Lucas akala ko hindi ito sasama.Tumingin ako sa may bakuran namin,nandoon si tita at Shy nagbabye sa akin,kaya bumalik ako at hinalikan sa lips ang pinsan ko..At nagmano kay tita...Nakatingin lamang sila sa akin at pati si Hazel na nakasimangot,iba talaga ugali ng babaeng ito.."Best dito kana sa tabi ko..Hindi kami tumabi kay Hazel,sa likuran kami ni Rale.Habang nasa byahe ay panay ang kanta ni Rale sinasabayan ang music na nagmula sa stereo,nakatingin lang sa labas si sir Seb at nakatuon lang sa pagmaneho si sir Lucas.Sumandal ako sa balikat ni Rale at pumikit para makatulog.Wala akong paki sa ingay ng boses ng bestfriend ko.