Hindi muna ako pumasok sa kwarto nila tito dahil narinig ko ang pinag-usapan nilang mag-asawa.Nanatili muna ako sa labas habang naka-awang ang pinto."Paano na pagnalaman ni Allyzza Edna?"Huwag kang mag-alala hindi niya malalaman ang totoo.Ako ang bahala sa pamangkin mo.Sa atin siya lumaki at tayo ang nag-alaga sa kanya,Edu lahat ginagawa ko para mabuti ang pakitungo ko sa pamangkin mo.Kahit na dati ay nahihirapan tayo ng nag-aaral pa lang s'ya.Ngayon pa ba na nakakatulong na siya sa atin?"Iyan din ang iniisip ko dahil sa kanya tayo umaasa ngayon,bago palang ako sa trabaho ko ngayon,tanging sahod lang ni Allyza ang bumubuhay sa atin,lalo na't nag-aaral pa ang dalawang bata."Ako na ang bahala ok huwag kana mag isip muna d'yan."Sige at tawagan ko si Sr.Sebastian tungkol dito,hindi pwedeng malaman ni Ally na ako ang driver ng truck ma iyon,ako ang dahilan kung bakit namatay si kuya at ate."Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang lahat,hindi ako makakilos.Bakit nagawa sa akin ng tito ito,ibig sabihin kunyari lang sila noon na naghahanap ng hustisya para sa magulang ko.Hindi ito totoo,hindi maari.Lahat ng tao sa paligid ko ay niloloko lang ako.Agad akong tumakbo sa kwarto ko at nilagay ang gamit ko sa maleta ng may kumatok.Pilit kong pinagaan ang sarili ko para hindi umiyak ng pumasok ang tita ko."Gising kana pala iha,oh bakit nilagay mo ang mga damit mo sa maleta?saan ang punta mo?"Pupunta ako sa kaibigan ko kay Rafael,sasama ako sa kanila sa Cebu one week lang naman po.Pagdadahilan ko.."Ganun ba,O sige mag-ingat ka doon ha.Huwag ka na lamang muna magpaalam kay tito mo baka hindi ka payagan noon.Ako na bahala magpaliwanag sa kanya."Sige po tita salamat.."Kumain ka muna bago umalis,hindi ba sa Batangas pa iyon si Rafael?"Oho sa Batangas,huwag na tita busog pa naman ako.Ito pala 10,000 panggastos n'yo dito sa bahay."Naku,salamat dito iha at bayaran na ng kuryente bukas.Sige na baka gabihin ka pa..
Umalis na nga ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta,tinawagan ko si Rale para dumiretso na sa kanila ngunit out of reach ito.Naisipan kong mag overnight nalang sa hotel para makapag- isip.Hindi pwedeng ganito na parang iniisahan ako.Mismo kamag anak ko pa.Kailangan mong mag-isip Allyzza.
Nakacheck-in na ako sa hotel ng magring ang phone ko,tumatawag si tito Edmundo."Hello,tito?"Ally kumusta kana?.."Tito...Hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak na kanina ko pa dapat pinakawalan."What's wrong?Why are you crying baby?Si tito Edmundo ang bunso nilang kapatid ni papa at tio Edu.Nakapag-asawa ito ng American citizen at doon na sila nanirahan sa Canada dahil nurse na din ang dalawang pinsan ko doon."Tito may sasabihin po sana ako sainyo.."Ano yon iha,may problema ba?tumawag ako sayo ngayon dahil magbubukas kami ng cosmetic company dito sa U.S at balak ko ikaw ang kukunin kong tagapamahala dahil nakatapos ka naman diyan ng business administration and management.At saka may experience kana din sa mga cosmetics.Ok lang ba sayo na magresign d'yan sa trabaho mo ngayon?"Yes tito,sa katunayan bukas na bukas magpapasa na ako ng resignation."Good iha,matutuwa si Alona at Aldrin nito.Miss kana ng dalawang pinsan mo."Sige tito,asikasuhin ko po agad ang mga papeles ko dito."Sige iha,salamat at pumayag ka,by the way ano yong sinabi mo kanina na may sasabihin ka sa akin?"Pagdating ko nalang diyan tito,hindi po tama na sa telepono ko sasabihin."Sige iha,ayusin mo na agad ang papers mo d'yan,mag iingat ka."Sige po bye..
Tama siguro ang pasya ko na lumayo nalang dito sa Pilipinas.Kung wala talaga akong swerte dito.Ang makukuha ko sa kumpanya nila si Seb ay pwede kong pangpuhunan sa naisip kong negosyo sa Amerika habang nagtatrabaho ako kina tito Edmund.Pinikit ko na ang aking mga mata para makatulog at magkapagpahinga.Hindi pa sapat ang mayroon ako ngayon para gumanti..Gagantihan ko sila Sr.Sebastian at lahat ng taong may kasalanan sa akin,mga taong naglihim at pinaglaruan ako.Damay pati kayo tita at tito Edu,ginamit nyo lang ako.Ginamit ninyo ang kahinaan ko,niloloko sa ilang taon na paninirahan ko sa inyo.
Seb pov
"Hindi ko na nakikita si Allyzza tatlong buwan na ang nakaraan mula ng magpasa ito ng resignation sa akin.Pauwe si daddy galing Amerika at naayos na ang dapat ayusin doon.Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Lucas.Nakita ko naman si Rafael sa production na may kausap,nilakasan ko ang volume ng cctv camera upang marinig ko kung sino ang kausap niya.Dahil may hinala akong si Allyzza at hindi nga ako nagkamali.Kinamusta nito ang babae at nasa America na pala ito.Bagsak ang balikat kong nakaupo sa swivel chair ko at denial ang numero ni Lucas.Ang loko hindi ako sinasagot kaya lumabas ako ng opisina at pinuntahan si Rafael,gusto ko siyang tanungin tungkol kay Allyzza."Rafael!"Sir Seb nakakagulat ka naman?"Bakit may nagawa ka ba na ikinagugulat mo?"Wa-wala po.."Raf last week i asked you where's Allyzza,sabi mo hindi mo alam.Pero narinig ko kanina sa audio ng cctv ko sa office,Allyzza is in the U.S right now."Ah sir,kasi..Bakit nandoon s'ya?.."Trabaho sir,kinuha na kasi s'ya ng tito niya doon."Akala ko ba lalaban siya at kakasuhan ako,bakit nandoon s'ya ang duwag naman pala n'ya.Pero buti na din baka naisipan niyang talo siya at walang pangbayad sa abogado na kukunin niya!"Ah sir Seb,huwag naman po kayo magsalita ng ganyan,kung tutuusin po ang laki ng kasalanan ninyo sa best friend ko.Nanahimik na po siya doon eh."Sabihin mo doon na lang siya at huwag ng umuwe pa dito!"Makakarating sir,sasabihin ko agad mamaya."Tss...kamo duwag siya!Sabay talikod ko kay Rafael at pumasok ulit sa opisina.Hindi ko alam kong anong nangyayari sa akin at nagwala ako sa loob ng opisina ko,naabutan ako ni daddy na naghahagis ng mga gamit sa loob."My God Sebastian Alexander ano itong ginagawa mo?Bakit sinisira mo ang mga gamit dito,kung gusto mo palitan na ang mga kagamitan dito huwag mo naman basagin at may pakinabang pa ang mga ito."Dad i'm sorry,may bumabagabag lang sa akin.."May bumabagabag na pati gamit ay pinagdidiskitahan?Iho naman wala sa lahi natin iyang pagkatalunan maluban lang kung babae ang dahilan ng ikinaganito mo!"Dad bakit mo iyon ginawa?Bakit mo tinago sa akin ang lahat!Ang lahat lahat..Hindi nakaimik si daddy at nakatingin lang ito sa akin..