Chapter 8

1009 Words
Naglalakad kami papuntang hacienda,ang ganda ng paligid at ang daming mga iba't-ibang puno ng prutas.Hindi ko mapigilan ang paghanga,ang lapat ng lupain nila dito at sa may unahan ay may natanaw akong parang gusali,hindi lang basta gusali para itong pagawaan.Kaya agad kung tinanong si Lucas kung anong pagawaan ang nakita ko.Nakanguso naman si Hazel na walang ginawa kundi ang maglingkis sa braso ni Lucas."Iyan ang cosmetic factory d'yan kayo papasok bukas,dito sa daanan natin ay short cut papuntan doon.Kung trip ninyo maglakad pwede pwede kesa magjeep pa kayo mula sa bahay paikot pa papunta doon."Pwede rin maglakad tuwing umaga excersise na din."Kakapagod nyan best,saka almost 15 10 mins.to 15 mins. mong lakarin 'yan?"Oo naman Rale noh,dati nga naglalakad lang ako pagpuma..."Bigla akong tumigil dahil naalala ko noong kasama ko pa ang mga magulang ko ng huli akong naglakad,ang aksidenteng hindi mabura bura sa isip ko.Paano pala kung hindi ako mauna noon,baka kasama ako nila mama at papa na nasagasaan ng malaking truck na iyon.Hindi ko namalayan nabtumutulo na pala ang luha ko,dahil sa masakit na ala-alang iyon.."Are you ok?best i said are you ok!"O-ok lang ako.."Tssk,nagsasalita tapos biglang iiyak?..drama mo talaga Allyza.."Hazel,'wag kang magsalita ng ganyan dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ng bestfriend ko 10 years ago..."Bakit ano ba pinagdaanan niya Rafael,habang naglalakad siya ano,nadapa siya,nahold-up na rape or..."Stop!Nagulat ako ng sumigaw si Seb ng stop,sobrang lakas nito at masamang tinitingnan si Hazel.."Oh my gosh dude,relax insan!kung makasigaw ka naman.."Hindi ba niya nakita na umiiyak na yang tao at may naalala?.."Insan alam ko naman na may pinagdaanan ka din noon at hindi rin mawala sa isip mo yong nangyari 10 years ago.Aba!10 years ago din ba sayo Allyzza?"Ahm,huwag na lang po muna natin pag-usapan ang nangyari noon,please!Si Rafael na ang sumagot para sa akin dahil ang sikip ng dibdib ko at hindi ako makahinga.."Bakit Rafael,dahil ba masamang alaala yan kay Allyzza?"Oo Hazel,sobrang sama..Kung ikaw kaya kasama mo ang mga magulang mong naglalakad ,isipin mo.Naglakad kayo hawak kamay,tapos naisipan mong magsipa bato kasi nga bata kapa 13 ka lang,sinipa mo ang bato na pagkalakas lakas tumalbog,hinabol mo ngayon,tumakbo ka ng mabilis tapos may nasalubong kang sasakyan kulay itim parang nawalan ito ng preno,ngunit paglingon mo may malaking truck na sobrang bilis at nabangga ang mga magulang mo ng truck na parang sa isang iglap lang pag lingon mo sumalpok  ang magulang mo sa harap mo pagkabangga ng truck anong gagawin mo?Hindi ko na natapos ang sinabi ni Rale at nawalan na ako ng malay.Hindi ko alam kong paano ako nadala dito sa hospital pagkagising ko walang katao tao sa loob ng kwarto. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at natulog ulit. Seb pov Hindi ako makatulog sa kakaisip sa nalaman ko sa kwento ni Rafael kanina.Parang nag flashback din sa akin lahat ng nangyari.Hindi kaya,ako yong nakasakay sa kotseng itim at yong truck ma nakabangga sa akin ay siya din ang nakabangga sa magulang ni Allyzza?Ang sakit ng ulo ko gusto ko isipin at alalahanin ang lahat ngunit sumasakit lang ang ulo ko.Ayaw na ayaw ng magulang ko na magdrive ako noon papunta kina Lucas dahil nagpaparactice pa lang ako magdrive.Pero mapilit ako dahil alam kong marunong na ako magmaneho,birthday gift ni daddy sa akin ang sasakyan ng nag 15 ako dahil nga sa katigasan ng ulo ko nagmaneho ako mag-isa.At nangyari ang isang aksidente na may buhay na  nawala.Siguro kung hindi dahil sa akin,hindi maaksidente at sabay mawala ang magulang ni Allyzza.Kaya sila nabangga ng truck ng dahil iniwasan ng truck na mabangga ako pero nasagi parin ako at nabunggo ang mga magulang ni Allyzza.Ayaw ni dad na madamay ako kaya agad akong pinadala sa Amerika at doon na pinagamot at pinaaral.Nilapag ko sa mesa ang mga prutas para kay Allyzza,nakita kong tulog parin ito,inayos ko ang kumot niya at pinahinaan ang aircon dito sa kwarto niya.Agad namin siyang sinugod dito sa hospital ng bigla itong nawalan ng malay.Tinitigan ko ang maamong mukha nito na may nakatagong lungkot at pangungulila.Bukas madaling araw ang alis ko pabalik ng Maynila ngunit ayaw ko siyang iwan na ganito ang kalagayan.Kung uuwe man ako bukas gusto ko kasama siya at sila Hazel nalang at Rafael ang maiiwan dito kay Lucas.May kung anong kirot sa puso ko na sa murang edad ay nawalan ito ng magulang,nawala ng dahil sa akin.Hindi ko alam ang gagawin ko oras ng malaman niya na ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niya.Saan kaya ang ama ng anak niya?Bakit siya lang yata ang nag aalaga at nagpapalaki sa anak niya?Baka nasa abroad lang at doon nagtatrabaho.Nakita kong kumilos ito at pilit na bumangon.."Huwag mo munang pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya.."S-sir saan si Rafael?"Pinauwe ko na dahil maaga pa pasok nila bukas."Ikaw po,maaga pa ang alis mo bukas,ok lang po ako."Isasama na kita bukas pag uwe,tinawagan ko na si Lucas.Kaya magpahinga ka lang d'yan at maaga pa tayo bukas.Pwede ka naman na daw ilabas sabi ng doctor peronsabi ko bukas ng madaling araw tayo lalabas.Gusto mo kumain?"Naku sir kaya ko na po ako na.."Ako na,pasyente ka kaya ako mag aasikaso sayo.Hindi na ako tumanggi pa,gentle man naman pala at maalaga akala ko masama ang ugali.Ano ba ang nangyari sa akin bakit parang kinakabahan yata ako at kung may anong kiliti sa tiyan ko.."Ngumiti ako ng bahagya ng inayos na niya ang pagkain ko at nilagay sa harapan ko gamit ang maliit na table."S-salamat sir.."Seb.."Ho?"Seb,mula ngayon tawagin mo na akong Seb,dahil mula ngayon magkaibigan na tayo.."Pero boss kita..."Ally sa trabaho ok lang boss or sir itawag mo pero kung tayo lang Seb nalang ok?"O-ok Seb. "Good girl,kain kana at para maging malakas ka.Gusto ko alagaan ka dahil naisip ko mula ng namatay amg magulang mo wala ng nag aalaga sayo kaya nandito ako para alagaan ka..kapalit ng pagkawala ng magulang mo na kasalanan ko."Sa isip ko na lamang habang kumakain si Allyzza.At nakangiti akong tinitingnan siyang sarap na sarap kumain,hayaan mong makabawi man lang ako sayo sa mga nagawa ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD