"What?are you sure ate na papayag ang boss mo for the interview?"Hindi pa naman pero pag-isipan pa daw niya."Help me ate please,para naman bongga!ikaw ba naman sikat na business tycon ang mainterview ko.Oo nga pala ate,bakit ngayon mo lang nakwento yang boss mo?"Bago lang namin siyang boss,ang ama talaga niya ang boss namin kaso nasa America si Sr. kaya ang anak niya ang ipinalit muna niya sa position."Ay sayang,gwapo ba iyan ate?."Ahm,hindi ko alam eh saka.."Ay naku ate,ang tanda mo na hindi mo alam ang gwapo,help me ate ha para naman may pakinabang ka sa akin.Maiwan po muna kita at may aasikasuhin pa ako..Iyon na nga tinalikuran nalang ako basta-basta..Sana papayag si sir Seb.
"Best,kumusta dyan sa Maynila?"Ok naman Rale hindi ako pumasok ngayon."Ay bakit?umaabsent kana!"Nagpaalam ako kay sir Seb,may asikasuhin ako ngayon.Naalala mo ba si ninong Roldan?"Ay oo iyong si Major.."Oo darating kasi galing London may itatanong lang ako."Ay naku best about na naman ba iyan sa magualang mo?"Oo hindi ako mapakali eh at gusto ko lang malaman bakit sinara agad ang kaso nila."Bakit gusto mo bang buksan ulit?"Kung pwede,hindi pa nahuli ang gumawa ng aksidenteng iyon,bata pa ako noon at walang kalaban laban,bakit pumayag sila tito na isara na 'yong kaso.Duda kasi ako na dahil sa pera kaya pinatigil "Best delikado yang ginagawa mo..Baka may maimpluwesyang tao sa likod ng pangyayaring iyon.Kasi diba kung simpleng aksedente lang iyon,solve na sana at bakit biglang sinara."Iyan ang aalamim ko Rale..Gusto ko mabigyan ng hustisya ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ko ."Best sorry ha,wala ako dyan para masamahan ka,but don't worry baka matatapos na din kami this week,uuwe ako agad d'yan."Ok lang Rale,ayaw ko din masangkot ka dito kung mayron mang ibang tao sa likod ng pangyayaring iyon.Ba bye muna ha,mag aayos lang ako."Sige besty ingat ka..
Nagbihis na ako para makapunta ako sa bahay ni ninong Roldan,ilang taon din ito nawala pagkatapos masara ang kaso.Kaibigan nito ang judge na may hawak sa kaso at pamangkin din niya ang abogadong kinuha noon.Nagtaka lang ako instead na abogasya ang kukunin kong kurso mas gusto niyang maging business related ang tapusin ko.Under kasi nila ako noon sa schoolarship program kaya wala akong nagawa kundi sundin sila.Kababata ni papa si ninong at halos magkapatid na ang turingan nila.
Seb Flashback
"Seb,nandito na ang mga documents na pinapakuha mo.."Salamat Edward maasahan ka talagang detective "Ano ang gagawin mo dyan?"May papaimbestiga lang ako."Pero tungkol yan sa kaso ng naaksedente noon ah."Yes,pero kailangan ko ang tulong mo."Maasahan mo ako pare sige ipatawag mo nalang ako pag kailangan mo na ng tulong.Tumalikod na si Edward at babalik na sa opisina niya,agad ko namang kinuha ang mga papeles at nakita ko ang may mga hawak ng kaso noon,tandang tanda ko pa kung paano kinausap ni papa ang major De Vera na ito at kasama pa si atty.De Vera..Kunyaring tulog ako noon sa hospital kung saan ako naconfined."Ayaw ko ng lumaki pa ang gulong ito Jess,close the case at ako na bahala sa mga nasawi."Pero Don Sebastian mahirap yan,namatay ang mga nabangga at.."Basta isarado ninyo agad magbigay ako ng kahit magkanong halaga huwag lang madamay ang anak ko dito.Pero syempre hanapin ninyo ang nakabangga sa kanya at i bulok sa kulungan!Saka diba may anak ang mag-asawang iyon?"Mayron po,inaanak ko ang anak nila.Kababata ko kasi ang lalaking namatay."Bigyan mo nalang ng schoolarship ang bata at once nakatapos na siya,sa company ko siya magtrabaho. "Ok Sr. Sebastian..Yes naalala ko na,pakana lahat ni daddy bakit natigil ang kasong iyon,gusto ko makausap si Major Roldan kaya agad ko siyang tinawagan at magkita kami,saktong binigay niya ang address ng bahay nito sa Pasig.Hindi ako nakatulog ng maalala ko na ang lahat.Bakit nagawa ni daddy iyon,wala naman akong kasalanan sa nangyari.Inayos ko na ang mga papeles at sumakay na sa aking kotse at mabilis na pinatakbo ito papunta sa bahay ni Major Roldan.Gusto ko din makausap si Atty.na pamangkin niya,gusto ko ayusin ang lahat,wala akong kasalanan sa nangyari bakit tinatakpan ako ni daddy at takot siya sa eskandalo.
Allyzza Povs
Nakarating na ako sa bahay ni ninong Roldan ng may napansin akong sasakyan na itim,parang pamilyar sa akin ang kotse ngunit hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin dahil guato ko na makausap si ninong.Bakit ba naman kasi sobrang trapik sa Pilipinas? dapat ang mga nagloloan ng sasakyan ay hindi na pinapayagan pa.Haist pati ang mga nagloloan napag initan ko na,ang hirap hirap kasi magcommute,sakit pa sa ulo pag ganung trapik.May nakita akong kasambahay na lumalapit na sa pintuan ng gate at agad akong pinagbuksan.Bago siguro ito,almost 2 years din na hindi ako nakapunta dito samantala noong nag aaral ako ay lagi naman ako dito.
"Hello po nandyan ba si ninong Roldan?"Ay kayo po pala ang hinihintay niya kanina pa,may lakad kasi siya.Pero may kausap pa po siya eh.."Ganun ba,hmmp maghintay nalang ako sa may balkunahe.."Sige po paosk kayo..Nginitian ko ang katulong ng makita ko si manang Ester ang matagal na nilang kasambahay.."Manang!"Oy Ally buti nakapasyal ka ditong bata ka,bakit ngayon ka lang nakadalaw dito?"Busy po sa trabaho manang eh,si ninong po?"May kausap pa eh,pogi pa naman.."Sinong pogi?hmmp, si hindi ko kilala eh basta tinawag niyang Seb.."Seb po?"Oo,doon kana sa sala maghintay mainit dito,ang ganda ganda mo lalo iha para kang si Angel Locsin.."Manang talaga,dati mo nang sinasabi sa akin iyan.."Totoo naman kasi diba Selda?Sabi nito sa katulong na ngayon ko lang nakita..Opo akala ko nga po kanina si Angel na eh,naligaw ng bahay.."Kayo po talaga,sige po sa loob nalang ako."Sige at kuhanan kita ng maiinom.Hindi ka na dumiretso eh samantala noon bahay mo din naman ito.."Nakakahiya po kay ninong eh na basta nalang ako papasok."oh s'ya at kukuha lang ako ng mainom mo.."Thank you manang Eater..Agad akong pumasok sa loob at nakita ko nga si sir Seb na kausap si ninong.Mukhang seryoso ang pinag-usapan ng dalawa at hindi man lang ako napansin dito sa may pintuan,magkakilala pala sila?Nang marinig ko ang pinag-usapan nila."Hindi ko maayos ang buhay ko major hanggang hindi malutas ang problemang ito!Alam kong tinatakpan lang ako ni daddy dahil bata pa ako noon!pero ngayon gusto kong tapusin ninyo ang kasong iyon 10 years ago!"Pero sir talk to your dad first about this."No,i can handle this matter at gusto ko maitama ang pagkakamaling iyon,dahil alam kong gusto din ni Allyzza mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng magulang niya.At kung damay man ako sa nangyaring iyon kaya kong harapin!
Sapat na sa akin ang narinig ko,hindi ako makapaniwala ngunit narinig mismo ng dalawang tainga ko na sangkot si Seb sa nangyari sa magulang ko.Naguguluhan ako,paano siya nasangkot sa aksedenteng iyon?At naipasara ang kaso dahil kay ninong,dahil kinausap siya ni senior Sebastian?Paano?