Emilio
"Ahhhhhhhhhh!!!!!!!"
Isang malakas, mahaba at matinis na sigaw ang gumising sa napakaganda at napakasarap ko na pagtulog.
Nabigla pa ako na may kayakap pa akong kung sino at kapwa kami hubo't hubad.
Paanong??? si...
Si pareng Lukas!
Bumalik at sumagi sa akin ang napakasarap na kantutan namin kagabi pero di ko na muna ito binigyan pa ng malaking pansin dahil sa sitwasyon namin ngayon.
Kinusot ko naman ang aking mga mata at naramdaman ko na rin na gumalaw si Lukas.
Nabigla naman ako ng makita ko na ng malinaw kung sino ang nasa harap ng pintuan ngayon.
Ang aming mga anak!
Mabilis naman akong kumilos at tinakpan ang hubo't hubad naming katawan. Mukhang pati sila ay biglang bigla rin sa kanilang nakita dahil umalis din sila kaagad.
"Sandali lang Maricris! Magpapaliwanag si papa!" Sigaw ko naman bago ko ayusin ang aking sarili.
Mukhang nagising na rin si pareng Lukas pero bakit parang may kung anong kumakabog sa dibdib ko...
Para akong naestatwa at di makagalaw habang pinapanood lamang ang mga susunod niyang galaw. Bakit para yatang... para yatang nacucute-tan ako sa bagong gising niyang mukha. Kinukusot kusot niya rin ang kanyang mukha at naghihikab pa habang nakahiga.
Umayos naman ako ng tuluyan na siyang magising.
"Ahmm... P-pa-pare!" Gulat naman niyang sabi at napabangon ito ngunit nabigla naman kaming pareho ng maramdaman naming nakapasok pa pala ang b***t ko sa kanya at sa ginawa niya ay bigla na lamang itong naalis sa looban niya.
"Arayyyy pu*a!"
"Ughhh p*tang ina!
Sabay naman naming mura dahil sa nilikha nitong sakit para sa kanya at sarap naman para sa akin.
Parang nararamdaman ko na naman ang muling pagtigas nito pero di ito ang tamang oras para dito.
Naaalala ko pa naman ang lahat ng nangyari kagabi. Kung paano namin pinagsaluhan ang mga maiinit at masasarap naming paghahalikan. Kung paano niya pinipigilan ang kanyang pag-ungol. Kung paano ko kinain ang napakasarap niyang p**e at siyempre kung paano pumasok ng buo itong malaki at matigas kong b***t sa butas niya. Tandang tanda ko pa ang lahat lahat at isa sa mga pinakamasarap na kantot na naranasan ko sa tanang buhay ko.
"A-anong nangyare?" Tanong niya naman na nagpabalik sa akin mula sa aking pag-iisip.
"Ah a-ano kasi... Sina Maricris at Joan umuwi na... at naabutan tayong ganito..." Sabi ko sa kanya at napakamot pa ako sa aking ulo.
"Ano! Nasaan sila? Kailangan nating magpaliwanag kung ano ang nakita nila!" Tarantang sabi niya naman at akmang tatayo na sana siya ng bigla na lamang siyang napaupo muli sa kama at napahiga ng tagilid ng maramdaman niya ang sakit sa kanyang katawan lalo na sa kanyang pang-upo at balakang.
"Aray! Pu*ang ina! Ang sakit!" Daing niya at talagang nasasaktan siya. Napapapikit at kagat na rin siya sa labi niya ng maramdaman niya ito.
Maging ako man ay nataranta dahil sa nangyari.
"Sa-sandali lang pare! Wag ka na munang kumilos... Ako na lang muna ang haharap sa kanila at magpapaliwanag. Magpahinga ka na muna diyan." Sabi ko naman sa kanya dahil siguradong masakit nga ang nararamdaman niya kung ganito ba naman kalaki at katabang b***t ang naglabas masok sa kanya kagabi.
Aayusin ko sana ang kumot ng makita ko ang pulang mantsa sa kobre kama. Di ko na man alam kung ano ang gagawin at paano ko sasabihin sa kanya na dinugo siya dahil sa aming ginawa. Kahit na nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari sa amin ay wala na akong magagawa dahil nangyari na ang nangyari at di ko na mababago ito. Atsaka pa ay di ko naman pinanghihinayangan at pinagsisisihan ang nangyari sa aming dalawa.
"Pa-pare..."
"Ano?!" Tanong niya naman habang himas himas pa rin ang kanyang balakang.
"Ma-may dugo..."
"Ano?!" Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko at tiningnan niya naman kaagad ang kobre kama at nakita niya nga ito.
Napahiga na lamang siyang muli at naitampal niya na lamang ang kanan niyang kamay sa kanyang noo.
"Bakit ba kasi ginawa pa natin yung kagabi? Mali iyon! At tingnan mo nagdulot lamang ito ng marami pang problema!" Sabi niya na parang may galit at pinagsisihan niya ang nangyari kagabi.
"Alam kong lasing lang tayong dalawa kagabi pero dapat... dapat talaga ay pinigilan natin ang sarili natin. Kahit na ganito na may pinagdadaanan tayo ay hindi talaga tama ang nangyari." Dagdag pa niyang sabi na parang nagdala naman ng kaunting galit sa akin.
Alam ko naman na lasing kami pero di ko naman yon pinagsisihan. Maging siya ay pumayag naman sa ginawa namin at tinanong ko pa siya kung gusto niya pa bang ipagpatuloy.
"Di ko pinagsisihan ang nangyari kagabi! Magpahinga ka na muna diyan at ako na ang haharap at magpapaliwanag sa mga anak natin." May galit ko na sabi sa kanya at di ko na hinintay pa ang isasagot niya ng kinuha ko ang mga damit ko at nagbihis na. Lumabas din ako kaagad at sinara ang pintuan ng may pagkalakas.
Ewan ko ba bakit parang nagalit ako sa mga sinabi niya kanina. Pero kailangan ko na munang gawin ang dapat kong gawin ngayon. At ito ay ang magpaliwanag sa mga anak namin.
Sana naman ay maintindihan nila ang nangyari at wag kaming kamuhian dahil di ko na kakayanin pa kung pati ang anak ko ay lalayuan din ako katulad ng nangyari kay Lorna.
Agad ko namang nakita ang dalawa na nakaupo sa sofa sa sala. Nagbubulungan ang mga ito kaya di ko naman sila marinig kung ano man ang pinaguusapan nila.
Mukhang napansin din nila naman ako dahil nga sa pagbagsak na ginawa kong pagsara sa pintuan. Pero di ko aakalain ang mga susunod nilang ginawa...
"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!" sabay na naman nilang tili.
Mabilis din silang tumayo at pumunta sa aking kintatayuan at pareho nila akong niyakap.
Nagtaka naman ako at nagulantang kung ano ba ang nangyayari sa kanila at kung bakit ganito ang kanilang naging reaksyon.
"Congratssss papa!!! Wahhhh!"
"Congratssss po tito Emilio!!! Wahhhh"
Di ko alam bakit nila ako kino-congratss at bakit tila ba masaya pa sila sa kanilang nasaksihan.
"Sabi ko na sayo at mangyayari din ang pinapangarap natin Joan! And now...."
"We're officially sisters!!! Wahhhh!!!!" sabay na sigaw nila at tili. Nagyakapan pa sila ng sobrang higpit na para bang matagal silang di nagkita.
Naguguluhan ako! Sobra! Ano bang nangyayari?
"Di ko talaga aakalain na makikita natin sa personal ang isang BL scene na para bang nasa isang yaoi anime! Ahhhh"
"Tapos si papa mo pa at daddy ang bida! Wahhhhh!!!!"
"Sis yaoi is real! Fujoshi is us!!! Wahhhhhhhh!!!!" Muli na naman nilang sigaw at di ko maintindihan kung ano ano ang mga pinagsasasabi nila.
Ano ang yaoi? Ano yung f-fujoshi ba yon? Mukha na silang nababaliw.
"T-teka... Ano bang nangyayari sa inyo? At kanina pa kayo tili ng tili?"
"Pa..." Sabi naman ni Maricris at hinawakan pa ako sa aking braso at iginiya niya ako papunta sa sofa at umupo sa tabi ko samantalang si Joan naman ay umupo sa single na upuan sa side ko.
Ako man ay naguguluhan ay umupo na rin ako at handa ng magpaliwanag sa kanila.
"Alam mo kasi pa... Ayos lang naman ang nakita naming dalawa ni Joan... Botong boto kami sa kung ano man ang meron sa inyong dalawa ni tito este daddy Lukas hehehe..." Sabi ng anak ko.
"Opo ti-... este papa Emilio. We're rooting for the both of you po!"
"Teka hindi sa ganoon yon... Kasi..." Di na nila akong pinatapos pa na magsalita dahil agad na namang sumingit ang anak ko.
"Ano ka ba pa! Ayos nga lang talaga! Mas ok na ok na ito. Kaysa kina mama na walang ginawa kung hindi pumunta sa lalake niya." Nabigla naman ako dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ba noon ay alam na niya na umalis na ang mama niya at iniwan na kami?
"Teka... Teka nga muna! Ba-bakit? Alam niyo na ba ang nangyari na..." Sa ikalawang pagkakataon ay pinutol na naman nila ang aking sasabihin pero ngayon ay si Joan naman ang nagsalita.
"Na iniwan na kami ng mga mama namin at sumama sa mga lalaking marami ang pera pa?"
"O-oo?" Utal ko naman sabi at napakunot pa ang noo ko.
"Naku pa walang balita na di makakarating sa amin kahit na nasa retreat kami. May source kaya kami ng balita dito sa barangay at sa tsismosa nating mga kapitbahay talagang malalaman at malalaman din namin kung ano ang nangyari dito."
Parang di ko naman alam ang sasabihin ko dahil sa lahat ng mga nangyayari. Kanina lamang ay kabadong kabado ako at iniisip ko kung paano ako magpapaliwanag sa kanila pero di ko alam na ganito pala ang tatambad sa akin na mga reaksyon nila.
...
Di ko alam na matagal na pala akong natuliro at bumalik lang muli ako ng tapikin ako ng anak ko at iwagayway niya sa mukha ko ang kanyang kamay.
"Pa! Natulala ka na diyan." Sabi naman ni Maricris.
"Ah a-ano kasi..."
"Pa huwag ka na pong mag-alala dahil tanggap po namin kung ano kayo at kung anong meron kayo ni daddy Lukas."
"Oo nga po. Kung di kami naging masaya dahil sa dati nating pamilya ay ngayon naman po ay sigurado akong magigiging happy family po tayo!" Masayang sabi naman ni Joan sa akin.
Matapos nilang magsalita ay sabay na naman silang lumapit sa akin at niyakap muli ako ng mahigpit.
Wala na akong nagawa dahil parang nahihilo na rin ako sa lahat ng mga nangyari ngayong araw. Niyakap ko na rin sila pabalik at bahala na kung ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw.
Pero agad din silang lumayo sa akin at sinabing...
"Pero pa ha... Maligo na po kayo at amoy alak kayo... At alam mo na amoy..."
Di na niya naituloy pa ang sasabihin niya ng pinandilatan ko siya. Mukhang naintindihan niya naman at di na itinuloy pa ito.
Naalala ko naman si Lukas... Nasa kwarto pa siya at sigurado akong di pa iyon makakatayo dahil sa sakit ng kanyang butas at katawan.
"Ay teka nga po pala... Si Daddy?" Biglang sabi naman ni Joan.
Nagtinginan namang bigla ang dalawang magkaibigan at mukhang sa mga tinginan pa lang nila ay nagkakaintindihan na sila at para bang nag-uusap ang mga ito.
Nabigla naman ako sa aking pagkaka-upo ng muli na naman silang napasigaw at napatili.
"Wahhhhh ahhhhh!!!!!!"
"Ibig sabihin ba nito sis si daddy yung uke at si papa ang seme?" Biglang sabi ni Joan ng mga salitang di ko naman maintindihan.
"Kaya ba di lumabas si daddy Lukas sa kwarto?"
Pagkatapos nilang sabihin ito ay...
"Wahhhhhh!!!!"
Sumigaw na naman ang dalawa at ewan ko nalang kung masasanay ba ako sa kanilang pagtili ng ganito. Feeling ko ay lalabas na ang tutuli ko sa aking tenga sa lakas ng kanilang pagsigaw.
"Ano ba yung seme ba yon ... Atsaka uke?" Tanong ko naman sa kanila at pagkuha ko na rin ng atensyon.
"Pa yung seme... kayo yun tapos si daddy Lukas ay yung uke... Alam mo na kapag nag... Nagchuchukchakan kayo." Sabi pa niya habang ang isa niyang kamay na nakatiklop at yung isa naman ay nakaturo ang isang daliri niya ay pinasok pasok ito sa sarado niyang kamay.
Parang nahiya naman ako sa mga anak ko sa kanilang sinabi pero mukhang naintindihan ko naman sila.
"O-oo na alam ko na alam ko na... Itigil mo na yang ginagawa mo sa mga kamay mo..."
"Hala si papa namumula at mukhang nahihiya pa... Hahaha"
At nagtawanan naman ang dalawa.
Matapos nilang magtawanan ay bumulong naman si Joan sa anak ko. At pagkatapos nito ay humarap si Maricris sa akin.
"Ahmmm pa... Sigurado namang napagod kayo at di pa nag-aalmusal dahil sa gulo ng bahay... Kaya naman..."
Hinila naman nila ako patayo at dinala niya ako sa banyo.
Habang nasa harap ako ng pintuan ng banyo ay pinayuko niya naman ako para maabot at may ibinulong sa akin.
Mahahaba haba rin ang sinabi niya na nagpamula at nagpahiya sa akin.
Pero tama naman siya kaya ginawa ko rin ang sinabi niya at sinunod ang mga bilin niya.
Kinuha ko na ang mga kailangan ko at nakita ko naman ang dalawa na naglilinis ng bahay at nagluluto ng makakakain.
Matapos kong makuha lahat ng mga kailangan ko ay pumasok na ako sa loob ng kwarto.
Naabutan ko naman si pareng Lukas na kunot ang noo at nakabusangot.
"Napano ang pagpapaliwanag mo?!" Tanong niya kaagad sa akin.
"Ayos lang naintindihan naman nila... Di nga ako nahirapan sa pagpapaliwanag sa kanila. Mabuti na lang at maintindihin silang dalawa." Sabi ko naman sa kanya habang naglalakad papunta sa kanya.
"Ganon ba. Mabuti na lang."
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin bago ako muling nagsalita.
"Ka-kaya mo bang tumayo?" may pag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo!" Galit na sagot niya naman sa akin pero imbis na magalit sa kanya ay napatawa pa ako ng kaunti.
"Anong tinatawa tawa mo diyan gago!"
"Wala... Tara na..." Sabi ko naman sa kanya bago ako yumuko at akmang hahawakan siya. Pero mabilis naman siyang gumalaw at inalis ang aking mga kamay.
"Anong gagawin mo!" Galit niya muling sabi.
"Wag ka ng maarte! Tara na at alam kong di ka makakatayo ngayon."
"Ano bang gagawin mo?" Tanong niya naman sa akin.
Napakamot naman ako sa aking ulo at nag-iisip kung paano ko ba sasabihin ito sa kanya.
"Tskkk dadalhin kita sa banyo. Lilinisin natin yang ano mo... May inihanda na rin akong gamot doon para inumin mo mamaya. Nakahanda na rin yung maligamgam na tubig doon sa banyo kaya tara na bago pa lumamig yon." Sabi ko sa kanya.
Napakunot muli ang kanyang noo at nagdikit ang kanyang mga kilay na tila ba nagtatanong.
"Kaya ko ang sarili ko!" Matigas niya namang sabi at tatayo siya sana ng mapadaing muli siya sa sakit.
"Ahh! Sh*t"
"Sabi ko na kasi pare... Huwag ka ng maarte... para namang kasing babae." Mahinang sabi ko naman sa huli.
"Anong sabi mo gago! Narinig ko yon tarantado!" Galit na sabi niya naman. Ngayon ko pa lamang siyang nakitang galit at cute siya ah.
"Tara na kasi bubuhatin na kita." Sabi ko sa kanya.
Hinawakan ko na siya at binuhat. Wala naman siyang nagawa kaya nagpabuhat nalang din siya sa akin na parang bagong kasal.
Binuhat ko na siya at lumakad na papunta sa banyo. Nakatapis naman ang twalya sa katawan niya kaya di nila makikita ang hubad na katawan ni Lukas.
Nang makalabas na kami sa kwarto at dahil malapit sa kusina ang banyo ay madadaanan pa namin ang sala at kusina. Kaya naman di nakawala sa amin ang titig ng dalawa.
"Wahhhhhh ang sweet naman. China oil!!!!" Sigaw na naman nilang dalawa pero mabilis naman akong pumunta sa banyo. Habang si Lukas naman ay idinikit ang mukha niya sa dibdib ko at hiyang hiya din siguro sa mga anak namin.
Nang nasa loob na kami ng banyo ay iniupo ko siya sa isang maliit na bangko dito. Napadaing muli siya sa sakit pero sinabi kong tiisin niya na lamang muna ito.
Nahihiya man kaming dalawa at lalong lalo na siya dahil hubad siya, kaya naisipan kong maghubad na rin at maligo na rin kasabay niya.
Sa una ay umayaw pa ito pero sinabi kong paano niya lilinisin ng siya lang mag-isa ang butas niya. Kaya wala na siyang nagawa pa at di niya na rin natanggihan ang tulong ko.
Nahirapan man pero nakaraos din kami sa pagligo at paglilinis ng butas niya.
Di ko aakalain na ang kapwa ko kumpare na luhaan lang kagabi at lasing dahil sa iniwan kami pareho ng aming mga misis ay siyang magpaparamdam sa akin ng ganitong pakiramdam.
Pakiramdam na unti unting umuusbong dahil sa isang gabi ng kalungkutan at pangungulila.
*****