Chapter 1

2626 Words
***** Sa bahay ni Emilio "Wala ka na talagang hiya at dito pa sa pamamahay natin niyo ginawa! Malandi ka talaga! Paano nalang kung nakita ka ng anak mo! Umalis ka dito malanding babae ka!" Galit na galit na sigaw ko sa asawa kong si Lorna. Ang pu*a kasi, nahuli kong kasama ang kabit niya. At ang malandi, sa sarili pa naming kwarto sila nagkakantutan. Paano nalang kung maabutan sila ng anak ko. Mabuti nalang at nasa retreat sila ngayon at ilang araw din sila sa Tagaytay. Kung ako lang naman ay di ako naniniwala sa mga sabi sabi ng aking mga kapitbahay na may kinakalantari daw itong asawa ko. Nagpapakahirap akong magtrabaho bilang isang construction worker sa kabilang bayan para mabigay ko lamang ang pangangailangan ng aking mag-ina. Dahil mahal na mahal ko si Lorna ay mas pinaniwalaan ko ang mga sinasabi niya sa akin kaysa sa aking mga kapitbahay. Pero ngayon ay nakumpirma ko na kung gaano talaga kalandi ang asawa ko at kung gaano katotoo ang mga sabi sabi ng mga tao tungkol sa kanya. "Pu*ta kayong dalawa! Lumayas kayo! Magsama kayong mga bugok kayo. Ikaw Lorna pinaniwalaan kita at pinagkatiwalaan kita, pero ano! Ito lang ang igaganti mo sa akin! Umalis ka na dito. Lumayas ka! Magsama kayo ng kabit mo." Agad ko namang kinuha ang braso niya at kinaladkad palabas ng aming kwarto. Sinuntok ko rin ang gagong kabit niya at agad namang pumutok ang mga labi niya. Sa tagal ko ba namang nagtatrabaho sa construction ay banat na banat na ang katawan ko. At sa taas kong 6'4 ay hilo at tumba kaagad ang anim*l na kabit niya. Tinadyakan ko pa ito dahil sa galit ko. "Tama na Emilio! Tumigil ka na. Talagang lalayas ako dito! Sawa na ako sa mahirap na buhay na ito! Sasama na ako kay Jayson! Sawa na rin ako sa kakataya mo ng lotto at sa sugal mo! Nagsasayang ka lang ng pera!" "Edi umalis ka. Tandaan mo wala ka ng babalikan pa na kahit ano dito. Lumayas ka na at wag na wag mo na ring babalikan ang anak ko dahil hinding hindi ko siya ibibigay sayo at baka mahawaan pa ng kalandian mo!" "Edi sayo na? Wala na akong pake sa inyong dalawa! Magsama kayo at mamatay sa hirap!" Agad namang nakatanggap ng malutong na sampal si Lorna mula sa akin. Ngayon ko pa lamang siya pinagbuhatan ng kamay at sa loob ng 15 taon ay ngayon ko lang ata napansin ang kanyang tunay na ugali. Mukhang nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya. Agad namang tumayo si Lorna at tinulungan ang walang hiya niyang kabit. Kinaladkad ko ang dalawa at kinuha ko sa loob ng aming bahay ang lahat ng kanyang mga gamit at pinagtatapon ko ito sa kanya. Dahil na rin sa lakas ng aming mga sigawan, ang mga kapitbahay namin ay nagsilabasan na rin. "Masaya na kayo mga tsismosa kayo! Aalis na ako sa mabahong lugar na ito. Mamatay na sana kayong lahat sa hirap!" Biglang sigaw naman ni Lorna sa aming mga kapitbahay. Kahit na hindi ganoon karangya ang pamumuhay dito sa aming lugar ay masasabi kong masaya namang manirahan dito at payapa. Kahit na tsismosa ang mga kapitbahay ko ay mababait pa rin silang mga tao. "Talagang lumayas ka na dito! Hitad ka! Kating kati na sigure ang pu*e mo kaya nagpakamot ka sa iba! Ikaw ang malas dito kasama pa iyong isa mo pang hitad na kaibigan na si Jenny! Pareho kayong mga malalandi at makakati ang mga pu*e. Umalis na kayo rito." Sagot naman ng aming kapitbahay sa kanan na si Aling Josie. Kahit ganyan yan ay mababait sila. Naghihiyawan at nagsisigawan pa ang ilan ko pang mga kapitbahay para paalisin si Lorna. Mukhang nakabingwit nga siya ng mayaman dahil nakakotse silang umalis dito. Nang pumasok ako sa aming bahay ay napaupo na lamang ako sa sofa sa aming sala at naiyak. Kahit na bato bato akong tao at machong macho ay umiiyak pa rin naman ako at nasasaktan. Nag-unahan ng magbagsakan ang mga luha mula sa aking mga mata. Sobrang sakit dahil sa loob ng 15 taon ay di ko man lang napansin na niloloko na pala ako ng asawa ko. Narinig ko namang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Aling Josie at Mang Kanor. Nakita ko rin sina Rose at Karlo. Agad silang pumunta sa aking pwesto at sinamahan ako sa sakit na aking nararamdaman. Sina Aling Josie at Mang Kanor ang mga kapitbahay ko na parang mga magulang na ang turing ko. Simula kasi ng maulila ako sa aking mga magulang ay sila na ang tumulong sa akin upang makabangon. Si Rose naman ay anak nila at si Karlo ang asawa nito na kababata ko naman. "Iiyak mo lang yan anak. Mabuti na yong umalis na yung hitad na yon dahil noong una palang ay ayaw ko na sa iyo yang asawa mo." Sabi ni Aling Josie. "Oo nga kuya. Nandito lang kami para sa iyo." Sabi ni Rose. "Brad malalampasan mo rin ito. Hindi namin kayo papabayaan nina Rose at Aling Josie at Mang Kanor. Nandito lang kami." Dagdag na sabi naman ni Karlo. Si Mang Kanor naman ay kahit na di nagsasalita ay alam kong nasasaktan din siya para sa akin dahil itinuring niya na rin akong anak dahil puro babae kasi ang mga anak niya. Kaya ng maulila ako ay masaya siyang kinupkop ako at itinuring na anak. Umiyak na lamang ako ng umiyak hanggang sa mawalan na ako ng iluluha pa. "Maraming salamat po talaga sa inyo. Mabuti nalang po at nandito po kayo palagi sa tabi ko." Sabi ko naman sa kanila. Noong araw na iyon ay ipinagluto ako ni Aling Josie ng lahat ng aking paborito upang maibsan ang sakit na aking dinaramdam at makalimutan ang masasamang nangyari sa aking pamilya. *** Sa bahay ni Lukas "Hindi ko na kaya Lukas! Sawang sawa na ako sa puro gulay nalang at isda ang ating kinakain! Sawa na rin ako sa maliit at masikip na bahay na ito. Lalayas na ako at sasama kay Mark!" Yan ang sabi ng aking asawa habang nag-eempake ng kanyang mga gamit. Mag-iisang taon na rin siguro ng parang lumamig na ang aming pagmamahalan ni Jenny. Alam ko rin sa mga nakaraang mga buwan ay nakikipagkita ito sa kinakalantari niya na isang may-ari ng repair shop sa kabilang bayan. Wala naman akong magawa dahil tama naman siya dahil ipinangako ko sa kanya ang isang magandang buhay ng kami ay magsama ngunit talagang malupit ang buhay dahil hanggang ngayon ay isa pa rin ako magsasaka. Minsan ay rumaraket raket naman ako para may maipakain na masarap sa aking mag-ina. Pero hindi talaga sumasapat. "Wala na akong magagawa kung yan ang gusto mong mangyari." Kalmado ko namang sabi sa kanya. Mahal na mahal ko siya pero hindi iyon sapat para punan ang mga pangangailangan namin. Hindi naman ako galit sa kanya dahil mas galit ako sa aking sarili dahil di ko kayang ibigay ang lahat ng gusto niya. Himala na nga sigurong maituturing na ako ang napangasawa niya dahil simula pa lamang noong dalaga pa siya ay napakaraming nanliligaw sa kanya. Isa kasi siya, kasama ang kaibigan niyang si Lorna sa mga pinakamagagandang dilag sa aming bayan. Katulad siguro ng kaibigan niya, mas gusto nilang umalis sa hirap na buhay. Kakarinig ko pa lang kasi kahapon na iniwan na rin ni Lorna si pareng Emilio. Nakakainuman ko minsan si Emilio pero di kami masyadong close. Ang aming mga asawa lang talaga ang magbestfriend. Siguro ay nagkaroon lang ng lakas ng loob itong si Jenny nang marinig niya ang ginawa ng kanyang kaibigan kaya gusto niya ring gumaya dito. "Hindi ko na isasama si Joan. Iiwan ko na siya sayo bahala ka na. Aalis na ako dito." Yan ang huling sabi niya nang tuluyan na siyang umalis sa aming bahay at nilisan kami. Dahil mag-isa lamang ako ngayon sa bahay at nasa retreat si Joan ay di ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Paano ko na ipapaliwanag sa anak ko na iniwan na kami ng kanyang ina? Sobrang sakit ng aking dinaramdam ngayon. Itinulog ko na lamang ito at nagbabaka sakali na isa lamang itong masamang panaginip pagkagising ko. *** Lukas Kinabukasan ay rinig na rinig ko ang aming mga kapitbahay na kalat na rin sa aming barangay na hiwalay na rin kami ng aking asawa. Naglalakad ako ngayon para bumili ng sopas sa karinderya malapit sa amin. "Isang sopas nga Aling Nely." Sabi ko naman sa kanya. "Dito mo ba kakainin o itatake out mo na?" Tanong niya naman sa akin. "Dito nalang po." Habang naghihintay ay nandito rin ang iba ko pang mga kapitbahay at nag-aalmusal din. Dahil maliit lamang ang aming barangay ay magkakakilala kilala ang mga tao dito. Habang hinihintay ko naman ang aking pagkain ay may nagsalita naman sa likod ko at umorder din ng sopas. "Oh pare ikaw pala yan!" Sabi naman ni Emilio na umupo sa tabi ko. Maga ang kanyang mga mata at mukhang kulang siya sa tulog. Natawa naman ako sa sitwasyon naming dalawa ngayon dahil kung dati ay sabay pa naming niligawan ang aming mga asawa, ngayon ay sabay naman kaming iniwan ng mga ito at ipinagpalit sa maperang kabit nila. "Mukhang di ka ata nakatulog ah!" Birong sabi ko naman sa kanya. "Parang ikaw lang pare! Maga rin ang mga mata mo eh." Balik na sabi niya naman sa akin. "Hahaha mapaglaro talaga ang buhay no. Tingnan mo kung nasan tayo ngayon. Iniwan ng ating mga asawa." "Oo nga eh pare. Wala, malandi talaga ang ating mga asawa." Tinawanan na lang namin ang nangyari sa amin na para bang wala na ito sa amin. Pero sa totoo lang ay sa likod ng aming mga tawanan ay ang masakit na katotohanan na mag-isa nalang kami sa buhay at iniwan din ang mga anak nila sa amin upang ipagpalit sa pera. Mukhang naririnig din ng aming mga kabarangay ang pinagkukwentuhan namin. "Wag kayong mag-alala Lukas at Emilio, inuman tayo mamayang gabi para makalimutan niyo na ang dalawang malas na babaeng yon sa barangay natin. Libre na namin ni pareng Buknoy to mamaya." Sabi ni Tony "Oo nga pare inom nalang tayo mamayang gabi sa inyo pareng Emilio. Tiyak kong alak lang ang katapat niyan at makakalimutan mo rin yan." "Sige pare sabi mo yan ah. Di kami tatanggi ni pareng Lukas sa alok niyo." "Kita kits nalang tayo mamaya ah." Sabi ko naman sa kanila. Kumain na kami ng dumating na ang aming mga inorder. "Oh kumain kayo ng marami at dinagdagan ko iyan. Wag niyo ng isipin pa ang mga walang kwenta niyong mga asawa. Hayaan niyo at magpapadala rin ako ng sisig mamaya para maging pulutan niyo. Tingnan niyo na ang mga mukha niyo... Wag na wag niyong papabayaan ang mga sarili niyo dahil may mga anak pa kayong umaasa sa inyo. Mga batang to." Sabi naman ni Aling Nely. "Naku salamat po Aling Nely. Hayaan niyo po at lilipas din ito." Sabi naman ni Emilio. "Salamat Aling Nely." Yan na lamang ang aking nasabi bago namin nilantakan ni Emilio ang aming pagkain. *** Dumaan ang maghapon at malapit ng gumabi. Pumunta na rin ako sa bahay nina Emilio at nakita kong nandoon na ang lahat at nag-iinuman na. "Oh pare akala ko eh di ka na darating eh! Tara inom na tayo at kalimutan ang mga asawa natin." Sabi naman ni Emilio. Pumunta na rin ako at naupo sa tabi niya. Marami rami ang mga biniling alak nina pareng Buknoy at pareng Tony dahil dalawang case ata ito. Uminom na rin ako para makalimot na. Sobrang dami naming pinagkwentuhan at napapasarap na rin ang inuman dahil na rin sa sisig na bigay ni Aling Nely. Kung titingnan mo kami ay puro kami mga barako. Malalaki ang aming mga katawan at pare-pareho na sunog ang katawan nila maliban sa akin na may pagka maputi. Ewan ko nga eh parang di man ako nangingitim kahit na kapag nagsasaka ako. Malaki rin ang aking katawan dahil nagbubuhat din ako ng barbel na gawa ko sa bahay namin. Ginawa ko kasi ito para di ako iwan ni Jenny. Sa ganda niya ay naiinsecure ako na dapat ay guwapo rin ako at maganda rin ang hulma ng aking katawan. Matangkad rin ako. Sa pagkakatanda ko ay 6'0 ft ang taas ko kaya madalas kong nakakalaro sina Emilio at Tony. Inom lang kami ng inom hanggang sa di na namin namalayan ang oras at mag aalas dies na pala ng gabi. Lasing na rin kaming lahat kaya nagpaalam na rin sina Tony at Buknoy na umuwi na. Dahil may natitira pang dalawang bote ay minabuti namin ni Emilio na bago inumin ang last na bote ay ligpitin na muna namin ang aming pinag-inuman. Dahil malakas naman kami pagdating sa inuman ay kaya pa naman naming kumilos. Pagkatapos malinis ay inaya ako ni Emilio na umupo muna sa sala at ubusin na ang tig-iisa naming mga bote. Sa kalagitnaaan naman ng aming pag-iinuman at dahil kaming dalawa nalang ay mas nasabi namin kung ano talaga ang aming tunay na nararamdaman. "Pu*a talaga yang si Lorna pare akala ko talaga ay totoo ang kanyang mga pinapakita niya sa akin. Mukha lang pala talaga siyang pera." "Oo nga pare maging si Jenny pera rin pala ang gusto. Pareho talaga silang magkaibigan puro pera lang hanap nila." Napatingin naman ako kay Emilio at kahit na lasing na ako ay alam ko pa rin ang nakikita ko. Lumuluha siya ngayon habang tungga tungga niya ang bote ng alak. Di ko rin pala napansin na maski ako ay umiiyak na rin. Bigla namang napatingin sa akin si Emilio at nagkatitigan kami. Bigla naman kaming napatawa habang umiiyak nang marealize namin kung ano ang mga itsura namin ngayon. "Put*ng ina! Kung titingnan ko lang ang sarili ko ngayon ay matatawa ako." "Maski ako pare tang ina talaga sila. Pera lang naman ang kulang sa atin. May itsura naman tayo pareho at magaganda ang katawan pero iniwan pa rin tayo ng dahil sa pera. Hay pera lang talaga ang kulang." Naubos ko na ang aking iniinom at magpapaalam na sana ako kay Emilio. Tumayo ako at dahil sa kalasingan ay di na ako pantay maglakad. Nilapitan naman ako ni pareng Emilio upang antabayanan sa aking paglalakad. "O kaya mo bang maglakad pare. Dito ka nalang matulog kung hindi mo kaya..." Lasing na sabi ni Emilio. Nakakatawa lang dahil maski siya ay pasuray suray na din habang hawak niya ang isa kong kamay na nakaakbay sa kanyang balikat. "Kaya kong umuwi pare... Malapit lang naman ako... Ilang bahay lang naman ang layo nung akin..." Sabi ko sa kanya. Nang hahakbang na sana ako ay natumba naman kami pareho dahil lasing na lasing na kami. "Aray!..." sabi ko ng maramdaman ko ang pagbagsak namin sa sementong sahig. Mabigat din si pareng Emilio dahil nakadagan siya ngayon sa akin. Para naman akong napako at di makagalaw dahil magkalapit lang ang aming mga mukha. Ramdam na ramdam rin namin ang init ng aming mga hininga. Napatingin ako kay pare at di ko namalayan na nakatingin din pala siya sa akin. Napuno ng katahimikan ang buong bahay at ni isa sa amin ay di pa rin nagsasalita o gumagalaw. Ewan ko ba pero ang mga mata ni Emilio ay tila nangungusap at habang patagal ng patagal ang tingin ko sa mga ito ay mas nakikita ko na puno sila ng pangungulila. Di ko na naproseso pa sa utak ko ang mga sumunod na nangyari. Dumapo na lamang ang mga labi ni Emilio sa aking mga labi. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD