Maricris and Joan "Oh my gosh sis! Kailangan mong basahin itong bagong manga/webtoon na nahanap ko! Ang hot hot nung mga bida parang yung una nating binasa na Liebling! Higante rin to! Share ko sayo ang link. Ang title niya ay Titan's Bride. Kailangan mong makita to sis! Super hot ng mga scenes!" Halatang excited naman na sabi ni Maricris kay Joan habang sila ay nakaupo sa kani kanilang mga kama. Magkasama kasi ang dalawa sa isang kwarto at feel na feel ang pagiging sisteret nila. Pareho kasi silang mga only child kaya naman ganoon na lamang sila kasaya at ka excited ng malaman nila na silang magbestfriend ay magiging officially sisters na rin dahil sa kanilang mga ama. "Holy sh*t sis! Tama ka nga ang hot nung uke!" Sagot naman ni Joan ng makita na nito ang sinasabi ng kanyang sister.

