CHAPTER 2: THE NITPICKY GUY

1027 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Binuksan ng personal driver ni Gene ang pinto ng itim na kotse sa back seat. Bumaba siya saka inayos ang itim na coat. Inilapat ang nangingintab na buhok gamit ang kanang kamay, saka inilahad ang palad sa kasunod na lalaking alalay. Naglabas ito ng alcohol saka winisikan ang palad ni Gene. Pinagkuskos nito ang dalawang kamay saka muling inilahad ang palad. Inabutan siya ng tissue ng alalay. Siya ang bagong acting chairman of the board habang nasa ospital ang lolo niya, at hindi nagpapakita sa meeting ang half-brother niya. Napangisi siya nang maalala ang kinamumuhiang kaagaw sa mana. "Tingnan natin kung magpakita pa ang isang iyon," bulong nito sa sarili. "Takot lang niya." Galit siya sa half-brother niya dahil ito ang palaging magaling sa mga magulang nila, lalo na sa lolo nila. Ito lagi ang honor, ang gwapo, ang masipag, ang mabait. At siya? Siya palagi ang pangit, ang average, ang sampid sa bahay. Hindi niya akalaing darating ang pagkakataong masosolo niya ang lahat. "Make sure na lahat ay sanitized. Ayoko ng germs kahit saan, maliwanag?" utos nito sa alalay. Pumasok sila sa GDC building kung saan naroon din ang opisina ng GDC. Taas ang noo ni Gene habang naglalakad patungong elevator. Binabati siya ng staff sa ground floor pero ni tingin ay hindi niya tinapunan ang mga empleyado. Bumukas ang elevator, agad siyang pumasok doon. Ipinanghawak niya ang tissue sa railing ng elevator. "Sabihan ang cleaning staff na i-sanitize din ang buong elevator. Mahirap na at baka marami nang germs." "Yes, Boss," sagot ng alalay. Nakasuot ito ng puting polo at itim na pantalon, at may suot ding white hand gloves. Requirement niya sa lahat ng empleyado niyang lumalapit sa kaniya na mag-hand gloves at mag-alcohol bago siya lapitan. Allergic siya sa mga pawisin at mababaho. "Nag-a-alcohol ba ang mga kumakapit dito?" Nandidiri pa ito habang pinagmamasadan ang railing ng elevator. Nakasapin pa rin ang tissue habang nakakapit. Bumukas ang elevator. Papalabas na sana siya nang may bumangga sa kaniya at nasagi ang kanang braso siya. "Ano ba?!" singhal ni Gene. "Watch out where you are going!" "I'm sorry, I'm sorry!" hinging tawad ni Tuesday. Nagkamali siya ng floor, at male-late na siya kaya nagmamadali siya. thirtieth floor lang itong napuntahan niya samantalang sa thirty second floor ang production nila. Pumasok na siya sa elevator, pero nakita niya ang ginawa ng lalaking maarte bago sumara ang pinto. Humingi ito ng alcohol sa kasama saka ini-spray sa manggas ng coat nito na nasagi niya. Kumulo ang dugo ng dalaga sa maarteng lalaki. "Napaka naman ng isang 'yon! Ano ang tingin niya sa akin, virus?" Kokomprontahin niya sana pero sumara na ang pinto ng elevator. Hinayaan na lang niya at huminga nang malalim. Mahuhuli na siya sa pag-time in sa attendance system nila. Salubong ang mga kilay niya habang nagmamadaling lumabas ng elevator. Agad na tinungo ang entrance door at iniwan ang mga gamit sa guard. "Mamaya na ako mag-log, Ate Digna. Akina ang number!" sambit niya sa guard habang nagmamadali. "Sige, bilisan mo na," taboy ng guard na kasundo niya. "Ako na ang bahala sa gamit mo." "Salamat, Ate." Nagmamadali siyang tumakbo sa working station niya at binuksan ang computer. "Ang tagal mo! Bubugahan na kita ng apoy," singhal niya sa desktop niya. Isang minuto na lang mahigit at late na siya. Agad na binuksan ang time stamp program nila sabay time in. Nakahinga siya nang maluwag nang saktong seven o'clock ng gabi siya nakapag-time in. Alanganin ang shift niya ngayong linggo, alas siyete ng gabi hanggang alas kuwatro ng umaga ang pasok niya. Mabuti naman at malapit lang ang bahay nila, isang sakay lang ang byahe niya pauwi. Isa-isa na niyang iniayos ang tools na gagamitin niya sa pagsisimula sa trabaho. Araw din ng sahod ngayon kaya gusto niyang mabilis na tumakbo ang oras para makapag-shopping online pag-uwi niya. Nasabik siya nang maalala ang ilang magagandang in-add to cart niya kanina bago siya umalis ng bahay. Naka-sale lahat at magagandang klase. Parating din ang in-order niyang kuwintas bukas, ipapauri niya agad sa pawnshop iyon bago niya bigyan ng review ang seller. Nasa kalagitnaan na siya ng pagsagot sa emails ng inquiries nang dumating ang ka-team niyang si Grace. Late ito ng ten minutes. "Gosh, anong mayro'n at bakit super traffic ngayon?" "Lagi namang traffic, girl. Muntik na rin akong ma-late," sagot niya. "May nakabangga pa kong napakaarte sa elegvator, daig pa babae." "Lalaki ang nakabangga mo? Gwapo ba?" usisa ng kaibigan niya. "Ay naku, hindi. Mukha siyang baraha." Sabay tawa ni Tuesday. "Baraha?" Napatigil sa pag-aayos ng station ang kaibigan. "Iyong joker sa baraha." Napahalakhak siya pero pigil dahil baka mahuli sila ng supervisor nila na nagtsitsismisan. "Mukhang pareho din kami ng preferences. Hindi kami talo." Napatawa rin ang kaibigan. "Ayoko nang isipin ang itsura niya, baka masuka ako rito." Naglabas ito ng chips mula sa supot na dala. "Gusto mo? Hindi pa ako nag-aagahan, girl." "Sige, katatapos lang sa bahay." Pinapayagan sila ng supervisor nila na kumain sa production floor dahil non-voice naman ang account nila. Bawal lang ang magkalat. "Teka nga, bago ang skirt mo ah. Ang ganda!" papuri nito sa white skirt na suot niya na kade-deliver lang kahapon. "Oo, girl. Kahapon lang dumating. Pina-dry clean ko agad kaninang umaga para masuot ko ngayon." Pinagpag pa niya ang skirt na suot. "Sahod na, may plano ka ulit bilhin?" tanong ng kaibigan. "Type kong bumili ng bagong phone. 1 year na kasi iyong ginagamit ko." Nag-isip si Tuesday. "1 year na rin mahigit pala ang phone ko, kaya siguro medyo may kabagalan na rin siya. Baka sa susunod na sahod ko saka ako bumili ng bago. Marami akong in-order ngayon eh." "Necessity ang matinong phone kaya isingit mo sa shopping mo," paalala ng kaibigan. "Oo nga eh. Sa susunod iyon ang una kong bibilhin, pero tingnan ko rin kung papasok sa budget ko ngayon." Ayaw niyang nagpapahuli kahit sa gadget. Gusto niyang laging "in" kahit pa sa pagkain o panonood ng Korean drama. Hati ang isip niya habang nagtratrabaho, kung bibili ba siya ng bagong smartphone o i-check out ang mga na-add to cart niya kanina. Napabuntong hininga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD