Day 09 Sa buhay natin marami tayong gusting gawin at makuha. Sa dami ng nakalista sa isip mo ay halos hindi mo na alam kung alin sa kanila ang uunahin mo. At kapag nagkaroon ka naman ng pagkakataon para makuha ito ay magdadalawang isip ka pa kung itutuloy mo pa o hindi. Ganoon ang naiisip ko ngayon habang nakatingin sa papel na hawak ko. Ito ang listahan ng mga lugar at bagay na gusting gawin ni Tia sa loob ng isang buwan niya dito sa Pinas. Nakakatawa man na meron dito sa listahan niya pati ang mga simpleng bagay na kung tutuosin ay madali lang naming gawin pero hindi niya pa nagagawa o nararanasan. Pati pagsakay sa tricykel mag-isa ay gusto niya rind aw subokan. Ang umakyat sa puno, magbar, at magpakalasing na ginawa na nilang dalawa kahapon ni Crisanto. Marami pang nakasulat sa

