Day 24 TIARA NAGISING akong magaan ang pakiramdam siguro dahil maaga akong nakatulog at nakapagpahinga ng maayos. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito sa Pampanga pero excited na ako sa kung ano mang balak nila. Dali-dali akong napatakbo sa banyo ng biglang may pumatak na pulang likido sa kumot ko. Dumugo na naman ang ilong ko at napapadalas na ito kaya kailangan na naming makabalik sa lalong madaling panahon. Ngayon daw kami mag-uumpisang mamasyal sabi ni Ate Dia kagabi. Lumabas daw kasi ang mga boys at pagagaanin ang loob ni Camino. Mapait akong napangiti ng maalala ang itsura niya kagabi ng makita akong nagsusuka. Para itong tatakasan ng katinuan sa sobrang taranta nito habang inaasikaso ako. I know he's doing his best to take care of me and attend to my needs. Bu

