Day 04
TIARA BLESS BUENAVISTA
Villa Escudero. At first, when I heard about this place, I was even more excited. It's a good thing that we are here because I wanted to see this place. Apart from just being in the field, I also wanted to experience a new environment.
When Cath's whole group of friends decided to go for a trip, I suggested this place that we should go here. Apart from the fact that I have not been to this place, it is one of my bucket lists here in the Philippines.
Kaya ngayon gusto ko gawin lahat ng activity kasama sila dahil ito rin ang unang beses ko na mararanasan ito. I wonder if it’s okay to them to have a not so helpful person to be in their group. I hope it’s not. Coz I really like them and I wanted to know them, unlike what I did years ago.
I pushed them away from me, now I wanted this summer to be memorable for me and to them.
I am learning to share my everyday with them.
Sabagay pang isang buwan lang naman ito. Pagkatapos ay balik na ako sa normal na mag-isa. Swerte kung pagkatapos ng 30 days ay nandito pa rin ako. Kaya dapat sulitin ko ng husto ang bakasyon na ito. Pero ang mga taong nakakasama ko naman ay parang napipilitan lang na makisama sa akin.
“Ayos ka lang, Ara?” nakangiti akong tumango kay Cris na naupo sa tabi ko.
Nandito ako ngayon sa pinakaunahan ng bus dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Idagdag pang walang gustong tumabi sa akin. Tatabi sana ako kay Cath pero mukhang abala din sila kaya hindi na ako nagtangkang lumapit. Pauwi na kami kaya baka may kanya-kanya na silang lakad.
“Nagugutom ba kayo? Gusto niyo bang padaanin ko si Mang—“
“No need, Ara. Magpahinga ka lang muna dito. Huwag mo kaming intindihin dahil ayos lang kami,” paninigurado ni Cris bago bumalik sa pwesto niya kanina.
Kahit nandito na ako sa harap ay naririnig ko ang ingay nang mga lalaking nagkakagulo dahil sa pustahan nila. Hindi ko maintindihan bakit ganoon sila ka energetic sa mga online games. Parang wala namang masaya doon bukod sa wala talaga akong maintindihan.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng isang kamay ang naramdaman kung dumiin sa pisngi ko para hindi ako umalog. Nakasandal ako sa isang balikat at base sa pabangong naaamoy ko ay si Ino ito. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil baka mamaya ay humihilik na pala ako habang natutulog ako sa balikat niya.
“If you are awake can you remove your head from my shoulder? It’s heavy if you didn’t know.” Napanguso nalang ako sa kasungitan ni Ino.
Mabilis akong umusod palayo sa kanya at humingi ng paumanhin. Si Ino ang pinakakilala ko sa kanilang lahat. Siya din ang pinaka una kung kaibigan dahil both our parents are friends. Pero lahat ‘yon nagbago,
But sometimes it makes me sad. Especially, I have no other friends besides him.
“Nagalit ba sila sa akin kasi bigla tayong umuwi?” tanong ko habang yakap ang unan kung dala.
“Why would they be? Besides, they just tag along on this trip,” he said. “I thought you’re sick? Bakit iniintindi mo pa ang mga plastic mong kaibigan?” kunot noo niyang baling sa akin.
“Okay na ako. Ganito yata kapag hindi sanay nang napapagod. Thank you for lending me your shoulder,” nakangiti kung pasalamat sa kanya.
Pero imbis na gumanti nang ngiti sa akin ay sumimangot lang ito lalo at tinalikoran ako. Sana maging maayos din kami at mapalambot ko na ulit ang masungit na si Camino. Baka mamaya ay mamalayan ko nalang na aalis na ako hindi pa rin kami okay. Sayang naman ang uwi ko dito sa Pinas kasali pa rin naman siya sa gusto kung makasama.
Ilang minuto na kaming magkatabi ni Ino pero hindi niya na ako muling kinausap kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa paghanga sa mga tanawing nadadaanan namin. Kapag okay na ako ay aayain ko silang muli na magbakasyon sa ibang lugar naman. Gusto ko kasi talagang masubokan ang pumunta sa ibang lugar kasama ang maraming kaibigan.
“Oh, God!” I gasped when Cris popped in front of me.
“Sorry. I didn’t mean to scare you. I was just going to give this pillow, your neck might get hurt.”
“Bakit kasi bigla kang sumusulpot dito? Pwede naman kasing hayaan, bakit bibigyan pa ng ganyan?” dinig kung bulong ni Ino.
Kinuha ko nalang ang binigay ni Cris dahil kahit tanggihan ko ito ay pinilit niya pa ring ibigay sa akin ang unan na dala niya. Kahit ang mga babaeng nasa likod ay nakatingin sa amin kaya nahiya nalang din akong tanggihan.
I never know this people were this persistent. All I know is they are fun to be with.
“It’s okay. Ino, doesn’t use it yet.”
Nagulat pa ako sa sinabi niyang kay Ino pala ang unan na ito. Akala ko naman sa kanya kaya pinamimigay niya. “I thought this is yours?” he laughed.
“Wala akong sinabing ganon. Sige balik na ako sa likod baka matalo na ako eh!”
Isang tango nalang ang naisagot ko sa kanya kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita. Bigla akong napipilan sa sama ng tingin sa akin ni Ino na nasa tabi ko pa rin. Pakiramdam ko bawat lilingon siya sa akin ay sisinghalan niya ako sa hindi ko naman malamang bagay.
I feel like an idiot in front of him.
Knowing that this man is still mad at me after so many years meaning he still holds a grudge against me. I wish I could find a good mood of him too. After all we’ve been friends before so maybe he’ll consider that.
“Anong tinitingin-tingin mo?” asik niya ng maabotan niya akong nakatingin sa kanya.
“W-wala…”
Mabilis akong nag-iba ng tingin dahil baka makarinig na naman ako ng masasakit na salita mula sa kanya. Pagbalik nang hacienda ay sisigurohin kong gagawa ako nang paraan para muling bumait sa akin ang masungit na lalaking ito.
Many years have passed but I still want to show him that we can still be friends after all. And add to that the fact that I really have no other friends besides him is the only thing I was holding on.
“Iha, kumusta naman ang naging bakasyon niyo?” salubong sa akin ni Mommy.
Napangiti ako ng makita ko si Mommy na nakaupo sa hardin at parehong nagkakape. Nandito ako ngayon sa terasa ng kwarto ko at kakatapos ko lang din magbihis pero naririnig ko ang walang tigil nilang mga hagikhik kaya hindi ko mapigilang sumilip.
“Masaya, Mom. Villa Escudero is really beautiful Mom and I wanted to see more. Why?” kunot noo kong tanong nang ilang minuto nila akong tinitigan.
“Oh, God! You are making us cry, baby.”
Napangiti ako sa Nanay kong nagpupunas na ng luha niya. Do I really that happy? Maybe coz I actually never done this before, I never experience to travel with friends.
I never experience to be free.
“Mom, I was just happy. And beside you want this for me right? I really want to do this,” nakangiti kong usal habang nakatingin sa alon ng dagat na humahampas sa pampang.
Sa ilang taon kong laging umiiwas sa mga tao ay gusto ko namang mabago ngayon. Ito ang regalo ko sa sarili ko ngayong 18th birthday ko. At gagawin ko itong makabulohan para sa taong ito. Dahil sa mga susunod na taon hindi na ako magbibirthday ng ganito.
This year is the only exemption.
Maaga akong nagising at nagluto ng snacks na dadalhin ko dahil mag-iikot sa buong asyenda. Kahit pa todo bilin sila Mommy na hindi ko basta iyon pwedeng gawin dahil delikado. Pero malungkot ang walang ginagawa sa bahay. Kailangan lagi akong merong nakalatag na gagawin para masulit ko ang bakasyong ito.
Nagulat ako ng habang naglalakad kami ni Yaya ay isang kotse ang huminto sa tabi ko. “Woi, Ara saan ang punta mo?” tawag ni Kayla ng ibaba niya ang bintana ng kotseng sinasakyan niya.
“Hello, Kayla. I’m going to stroll around the area. Want to come?” nakangiti kong tugon sa kanya.
Alam ko namang hindi siya sasama kaya mabilis na akong nagpaalam sa kanya. Pupunta kami ni Yaya doon sa ilog na pinuntahan naming noong huli. Gusto kong maranasan na magpicnic kaya niyaya ko dito si Yaya. Kahit sa totoo lang ay ayaw niya akong payagan dahil mainit daw madamo ang paligid.
“Iha, may dala akong payong .Gamitin mo naman,” tawag niya sa akin pero tumatawa lang akong iniwan siya doon.
“I’m good, Nana. You can use it.”
Bawat daanan naming lugar ni Yaya ay lahat sila napapatigil at binabati ako. Isang skirt na mahaba at off shoulder na pantaas pero pinatungan ko ito ng balabal kaya ayos lang akong maarawan. Noon kapag uuwi kami ay saglit lang kami dito o di naman kaya ay hindi nila ako pinapayang lumabas. Ngayon ay ito ang naging kondisyon ko sa pag-uwi dito. Kaya kahit ayaw nila ang ginagawa ko ay wala silang magagawa.
Nakarating kami Nana sa ilog na pinuntahan namin noong nakaraan. Walang tao kaya tahimik at malayo na rin kasi ito sa mga bahay-bahay. Naglatag lang kami ni Nana ng isang makapal na mat sa punong malapit sa ilog.
“Ara…”
“Cris? Anong ginagawa niyo dito?”
“Ah, nasa kubo kami. Nakita namin si Nana akala namin nag-iisa kaya nilapitan naming. Aayain sana namin siya doon sa kubo dahil mas malapit ‘yon at mas malilim.”
“Oh, I forgot. You’re kubo is near from here? i was planning to have a picnic so I ask Nana here,” paliwanag k okay Cris.
“Is that so? Can we join? Pero doon nalang tayo kubo may lamesa din kami doon,” sabat ni Marcus na nakasandal sa gilid ng puno.
“Oh, that’s good. Let’s go, Nana.”
Mabilis naming muling niligpit ang mga pagkain at mat na nilatag namin ni Nana. Mula sa pwesto namin ay kitang-kita ang kubo na tinatambayan nila. Nakaupo sa isang patay na sanga si Ino at mukhang si Olan ang kumakaway sa amin na nakaupo sa taas ng puno. Akala ko ay welcome na ako pagdating ko doon pero malayo palang ay kita ko na ang nakasimangot na mukha ni Ino na parang ayaw talaga akong makita.
“Tsk! Parang kabute kung saan-saan sumusulpot,” dinig kong bulong ni Ino ng tumapat ako sa kanya.
“Dito nalang kayo ni Nana, Ara. Mas safe din dito at nakikita naming kayo,” saad ni Olan na tinulongan akong mag-ayos ng dala namin.
“Akin na nga ‘yan. Doon ka na nga, Olan. Kunin mo ang isang upoan sa loob,” taboy ni Ino nang kunin niya ang kinuha ni Olan sa akin na basket.
“Olan, is just helping me,” saad ko kay Ino dahil sa ginawa niya.
“I know and it’s making me anxious.”
Eh? He’s friend is helping me and that’s making him anxious? Anong klaseng rason ‘yon? Hindi ko talaga makuha ang ugali ng lalaking ito. Kung hindi siya laging nakasinghal ay lagi naman itong nakasimangot. Idagdag pang sa akin lang naman siya ganoon. Tsk!
Binalewala ko nalang ang kasungitan ni Ino at hinayaan nalang siya. Naupo lang ako doon at saglit silang pinanood kasi ayaw na rin akong patulongin ni Nana sa pag-aayos.
“Ara, bakit ang dami mong dalang pagkain?” tanong ni Olan sa akin.
“Ah, I was planning to give on some workers along the way. And I forgot that I’ve made so many pala. Good thing that you are here. I can share I food I’ve made.”
“Wow, ikaw gumawa nito? Hindi ko alam marunong ka palang magluto,” nahiya naman ako bigla sa papuri ni Cris sa akin.
“Tsk! Maalat, masyado pang lata ang pagkakagawa ng pasta.”
“Oh, really? Sorry, I didn’t taste it. Maybe I’ll made you a better one next—“
“No, need,” putol agad ni Ino sa mga sasabihin ko pa.
Nakurot ko ang sarili kung kamay para lang pigilan ang sarili kung huwag umiyak. Ilang beses ko ding kinagat ang ibabang labi ko dahil ang pagkurot ay hindi effective at nagtutubig pa rin ang mata ko. Narinig ko pang tinawag si Camino ng mga kaibigan niya pero hindi niya na ito nilingon. Bigla naman akong nalungkot dahil baka tuloyan na itong nagalit dahil sa akin.
“Hayaan mo nalang si Ino, Ara. Babalik din ‘yon mamaya,” pagpapalubag ni Cris sa loob ko.
Sana nga bumalik siya. Sayang naman ang punta ko dito kung hindi rin naman siya babalik. Baka mainit pa rin ang ulo niya sa akin dahil sa nangyari doon sa bus. Hindi ko naman ‘yon sinasadya kaya sana ay huwag na siyang magalit pa.
Ilang minuto pa kaming nagkwentohan bago muling bumalik si Ino. May dala na itong ilang mga prutas inilapag sa mesa. Napagod na nga ako sa dami ng tanong nang mga kaibigan niya.
“Bakit nga pala natagalan ka bumalik?” tanong ni Cris sa akin.
“Umm… I get busy on school. I’m a home schooled.” Pag-amin ko sa kanila. Bakas ang gulat at lungkot sa mukha nilang tatlo. “Agaw ni Mom and Dad na lumalabas ako ng bahay. Kaya mas pinili nila na sa bahay nalang ako and I don’t do out actually. All I do is stay at home and stay at home.”
“But why? Isn’t it boring?” Marcus asked.
“Yeah, that’s why my life is boring and I don’t have friends on states. But that’s fine maybe states is not for me.”
“Pero babalik ka pa rin?” Cris added.
“Yup. Isang buwan lang ang kasundoan namin ni Mommy. Hahayaan nila akong magstay ng isang buwan dito sa Philippines after that I’ll going back to where am I supposed to be,” sagot ko habang nakatingin sa kawalan.
Wala akong balak baliin ang napag-usapan naming ni Mom. Kaya kahit mga hindi ko ginagawa noon at gagawin ko ngayon. I wanted to experience what this place can offer me.
“Really? I didn’t know your Mom is that strict?”
“Oo naman. Si Camino nga lang ang pinapayagan noon na pumunta sa hacienda. Kaya hangga’t pinapayagan ako ni Mommy na gawin ito ay lulubosin ko na,” nakangiti kong sagot sa kanila.
“Tsk! You talk as if you are not coming back again,” sabat ni Camino. “Besides, you’re a brat to follow their orders I wouldn’t be surprise if you won’t follow that.”
Napanguso nalang ako sa sinabi niya at kinuha ang sandwich na ginawa ko. Narinig ko pang sinaway siya ng mga kaibigan niya dahil sa sinabi sa akin. Pero hindi ko naman siya mapipigilan kung iyon ang judgement niya sa akin. Besides I’m really a brat even since. Nagbago lang ako dahil sa nangyari aksidente sa akin.
Kinuha ko nalang ang basong nasa basket para ilatag na din sa mesa. Pero halos manigas ako at ilang minuto pang tinitigan ang uod na nasa kamay ko at gumagapang.
“Oh, God! U-u-uod… U-uod…”
I could barely breathe as I screamed in fear. I shake my hand non-stopped because I feel like the worm is still on my skin. Even if Cris told me a few times that it was gone. I was still screaming and trembling with extreme fear.
“It’s, okay Ara. The worm is gone,” pagpapakalma sa akin ni Cris.
“Tsk! Napaka arte talaga. Kung takot ka pala doon sana ay hindi ka lumalabas ng mansion. It’s just a worm,” Camino said in annoyance.
Meorn akong takot sa mga ganoong bagay. Bulate, uod o kahit anong maliliit na bagay na hindi ako komportableng makita o mapalapit. At nahihirapan akong ipaliwanag iyon sa lahat. Kahit sa maliliit na pusa o aso ay takot din ako at hindi ko na yata maaalis iyon kahit anong gawin ko.
“Sorry…” bulong ko bago yumukod at pinulot ang mga piraso ng basong nabasag ko.
“Tsk! Akin na nga ‘yan. Sinong tanga ang dadampotin ang mga bubog gamit ang kamay?” asik sa akin ni Camino at nilayo ako sa mga bubog.
Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan nalang siyang linisin ang kalat ko. Nanghihina nalang akong napaupo dahil sa panlalambot pa rin ng mga tuhod ko.
“Cris, dito muna kayo. Ihahatid ko lang si Tia.”
Mabilis kung nilingon si Camino nang marinig ang sinabi niya. Wala naman akong sinabing gusto ko ng magpahatid at umuwi.
“It’s okay. I still don’t want to go home,” saad ko na mabilis na ikinasimangot ni Ino.
“You need to go home. You were chasing your breath and you still don't want to go home? Go home, take medicine and rest. Don't give us a problem here because your Mom might scold us.”
Pagtatapos ni Ino sa kung ano mang gusto ko pang sabihin. Wala akong magawa kung hindi ang magpaalam nalang sa lahat at sumunod kay Ino. Noon hanggang ngayon ay hindi na ito nagbago. Kahit lagi niya akong sinusungitan at inaaway ay siya lang din ang taong nakakapansin ng mga hindi ko nakikita o ng mga taong nakapaligid sa akin.
“Why are you smiling?” he scowled at me.
Mabilis akong umiling at sumagot. “Nothing.” Masaya lang ako na muli akong bumalik ng pilipinas at muli kang makita.