Day 21 CAMINO MAY MGA bagay oras o tao tayong hindi inaasahan na darating sa buhay natin. Minsan nagsisilbi silang inspirasyon o aral sayo. Pero madalas galing sila sa nakaraan mo na kukuwestiyon sa kasalukoyan mo. Kasalukoyang hindi mo alam kung tama o mali hanggang ipinpoint niya ang parteng hindi mo naman nakita noon. Nagising ako ay nasa Vigan na kami. Maliwanag na ang buong paligid at masakit na rin ang bewang ko dahil sa mahabang byahe namin. Bumaba muna ako dahil tulog pa naman si Tia. Pagbaba ko ay nakasunod na sa akin ang tatlo kung baliw na kaibigan. Mag iikot-ikot din daw muna sila kasama ako dahil buong byahe daw ay abala ako kay Tia. Kalalaking tao ay mga seloso. Tsk! “Marcus tingnan niyo nga doon kung may available sila para sa atin. Three days and two nights would be fi

