Day 27 PANGALAWANG araw na simula ng huli kung makita si Tia. Matapos kasi naming umuwi galing Laguna ay umalis ako papuntang Manila kinabukasan. Sa pag-aakalang baka sakaling may magawa ako. Pero inikot ko na yata ang buong Manila at pinuntahan ang lahat ng kakilala ko para magtanong sa sakit ni Tia ay pare-pareho lang ang sagot nila sa akin. Wala na akong magagawa para sa kanya kung hindi ang ipagdasal siya at gawing makabulohan ang mga natitira niyang araw. Ngayon pabalik palang ako ng Quezon at gusto kung siya ang una kung makita pagbalik ko kaya sa kanila na ako didiretso. Tiniis ko na huwag siyang kumustahin dahil baka mas lalo itong mag-alala kapag nalaman niya ang ginagawa ko. Kahapon ang sabi nila Cris ay nagpunta sila sa hacienda para dalawin si Tia. Mukha naman daw iton

