Bumisita ulit siya sa ospital. Naratnan niya itong naka-upo at sinusubuan ng kapatid nitong si Nicole at nagtatawanan. Ang sweet nilang magkapatid. Naiinggit siya sa dalawa dahil hindi siya nagkaroon ng kapatid. Gusto niyang maging close kay Nicole para maranasan niyang magkaroon ng kapatid. Tumikhim siya at lumingon sa kanya ang magkapatid. Bumusangot ang magandang mukha ni Nicole habang matiim naman na nakatingin sa kanya si Red. "What are you doing here?" mataray na tanong sa kanya ni Nicole at namaywang pa ito. Huminga siya ng malalim at ngumiti rito. "Dinadalaw si Red." At lumapita na siya sa tabi ni Red at nilapag sa bedside table ang basket ng mga prutas na dala niya. "Akala ko hindi ka na babalik dahil sa nangyari noong isang araw? Makapal rin pala ang mukha mo no." Red said at

