Hindi mapakali si Hannah. Isang buwan na siyang nakakulong sa mansion nila. Hindi siya nakakalabas ng bahay. Her father made sure na hindi siya makakatakas. Ang daming gwardiya sa na nakaabang sa gate ng mansion nila pati na rin na gate ng subdivision. At kumuha pa ito ng lady guard na palaging nakabuntot sa kanya kahit saan man siya pumunta. Nasasakal na siya. Miss na miss na rin na niya si Red. Gusto niyang tumakas pero masyadong mahigpit ang mga bantay niya. Wala na rin siyang balita outside the mansion. Hindi siya makanood sa TV, walang cellphone, walang computer at walang internet para sa kanya. Daig pa niya ang nakakulong sa rehas. Kumusta na kaya si Red? Nawala siya sa pagmumuni-muni ng pumasok ang kanyang Mommy. "Anak, mag-ayos ka. May bisita tayo?" mahinahon na utos nito sa kan

