Chapter 5: Alone together

1154 Words

                Ilang araw na ang lumipas. Pero hindi ako masyadong lumalabas ng mansion. Wala akong ginawa kundi ang magbasa ng pocket book at manood ng movies. Wala rin sa  mansion si Red. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaka-abalahan nito pero mabuti na rin iyon kasi nagririgodon ang puso ko kapag malapit siya sa akin.                 Magaling na rin ang sugat sa paa ko pero ayoko pa ring lumabas. Nag-iisip ako ng paraan para makatakas sa isla na ‘to. Hanggang ngayon parang hindi ako makapaniwala na binili talaga ni Red para sa akin ang isla na ito. He even named it after me.                 Tumayo ako at pumunta sa balcony para sumagap ng sariwang hangin. Ang ganda ng lugar na ito. No doubt about it. Parang gusto ko tuloy maglibot. Nakakasawa na rin naman ang magkulong sa loob.     

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD