Chapter 17

4941 Words
Chapter 17 (Eren's POV) "BAKIT hindi mo sinasagot yung mga tawag ko!?" Nailayo ko ng wala sa oras yung phone ko mula sa tenga ko dahil sa malakas na sigaw ni tatang mula sa kabilang linya. Ngumuso ako dahil doon, ang sakit sa tenga eh. "Uhm. Busy lang po tatang, sorry." "SORRY!? Hindi ka sumipot sa fanmeeting mo ngayon---SORRY!?" Dinig ko yung iilang murang binubulong-bulong nya. "Sorry po talaga tatang. Uuwi din po ako bukas." Gumalaw ng bahagya yung katabi ko na naging dahilan para malilis yung comforter at malantad yung makinis nyang balikat. Muli kong inangat iyon hanggang sa leeg nya bago hinawi yung buhok nya. Napangiti ako nang sumiksik sya lalo sa gilid ng leeg ko habang nakaunan sa braso kong nakayakap sa kanya. Sa dibdib ko naman nakapatong ang kamay nya at nakadantay yung paa nya sa hita ko. I can feel her naked body pressed against mine. She's warm. "EREN!" "P-po!?" Tokwa naman tong si tatang! Nanggugulat eh! Bigla-bigla nalang sumisigaw!? "Tinatanong kita kung nasaan ka ba! Hindi ka nanaman yata nakikinig saken!? Ano bang ginagawa mo hah!?" Sunod-sunod nyang tanong. "W-wala po!" Lumunok ako. "Eh bakit hindi ka sumasagot sa tanong ko!?" Napakamot ako sa ulo, "A-ano po bang tanong nyo, tatang?" Sunod-sunod na mura yung binanggit nya tsaka ako pinaulanan ng sandamakmak na sermon. Galit na galit sya, hindi daw kasi ako sumasagot sa tawag nya, maski sa mga text nya hindi din. Hindi ko naman sya masisisi kasi talagang nag-alala lang sya saken. "Kasama mo pa ren ba yung babaeng militar!?" "B-babaeng militar?" Nilingon ko si JR na ngayo'y nakangiwi na habang nakapikit pa rin, malamang ay alam nyang sya ang tinutukoy ni tatang. "EREN!" "O-opo! Kasama ko po si Jhayrein!" Tokwa talaga, nakakatakot si tatang. Pakiramdam ko kaya nya kong batukan kahit hindi kami magkasama. "Sinasabi ko na nga ba eh! Nasaan ka ba!? Bakit magkasama pa rin kayo ng babaeng yan!? Anong klaseng date yan at inaabot ng higit sa isang araw---" "T-tatawag nalang po ako bukas tatang kasi busy po ako! Bye! Ingat tatang! I love you po!" Hindi ko na sya hinayaang sumagot pa at agad ko nalang na pinatay yung tawag nya tsaka initsa yung phone ko patungo sa single na sofa di kalayuan sa ulunan ko. Bumaling yung tingin ko sa kanya na nakapikit kahit hindi naman tulog kaya inumpisahan kong suklay-suklayin yung buhok nya. "Busy, huh?" Biglang bulong nya sa sarkastikong tono, "Busy saan, Gonzales?" Nangiti akong ipinulupot yung isa ko pang braso sa kanya para mahigpit syang yakapin lalo. "Busy sayo." "Gago." Kinurot nya yung bewang ko, umismid ako sa kirot na idinulot non. Ang bigat ng kamay eh, "Talagang bine-baby ka ng matandang yun ah." "Hindi naman, nag-aalala lang si tatang saken." Natatawa syang bumuga ng hangin, "Anong tingin nya sayo? Hindi marunong umuwi mag-isa?" "Ganoon lang talaga si tatang kapag nag-aalala sya. Hindi lang naman sya saken ganon, pati kay July protective sya." "Ang laki-laki nyo na ah. Ano, baby damulag lang?" Nagkibit lang ako ng balikat, "Parang ganon, pero sa totoo lang gustong-gusto namin kapag ganyan si tatang sa amin. Sinisigawan kami ni tatang at pinapagalitan hindi dahil nagagalit sya kundi nag-aalala lang." Ngumiti ako, "Kaya hindi talaga ako nagsisisi na nakilala ko sya, maalaga at mabait si tatang. May pagka-bitter lang talaga sa buhay kasi single sya." "Tss. Baka iniwan ng ex nya kaya ganon." "Yun ang hindi ko alam." Kibit balikat kong sagot, "Hindi naman sya nagke-kwento samin, pero masasabi kong parang ganon na nga since he's holding some grudge against women." Sinuklay-suklay ko yung buhok nya gamit yung mga daliri ko. Ang haba na ng buhok nya, dati hanggang dibdib lang haba neto eh, ngayon umaabot na sa bewang. Hindi yata sya nagpapagupit ng buhok netong nakaraang mga buwan, pinapa-trim nya kasi iyon kapag humahaba ng husto dahil sagabal daw kapag nagdu-duty sya. "Masakit pa?" Nagitla ako nang bigla nalang syang bumangon mula sa pagkakahiga sa tabi ko, hawak-hawak nya yung comforter na nakatakip sa katawan nya. "B-bakit?" Utal na tanong ko matapos masalubong yung masama nyang tingin. Nagtagis yung mga bagang nya, "Punyeta ka Eren ah, pagpahingahin mo yang birdy mo dahil oo! Masakit pa! Makirot pa!" "Eh bakit n-nagagalit ka?" Dinuro nya ko, "Hule ko na mga galawan mo, Gonzales. Alam ko na yung mangyayare pagkatapos ng tanong na yan kaya tigil-tigilan mo ko, di na uubra yan saken dahil napapagod na ko." I pouted, "Nagtatanong lang ih." Umingos lang sya bago muling nahiga sa tabi ko, "Mapirme ka na, Zerenel ah? Mapirme ka na." Nagbabantang anya na tinusok-tusok pa yung labi ko gamit ang hintuturo, "Nangangatog na yung mga kalamnan ko dahil di mo na ko tinantanan maghapon." Lalong tumulis yung nguso ko matapos nyang sabihin iyon. May point naman sya doon. "Wag ka nalang muna sumama saken bukas, JR. Magpahinga ka nalang muna." "Aba malamang, ang tindi mo naman kung isasama mo pa ko sa trabaho mo matapos ng ginawa mo saken ngayon." Bakas ang sarkasmo sa tono na sabi nya, "Ihahatid sundo nalang kita bukas." Nanlaki yung mata ko, "H-huy wag na. G-grabe ka n-naman." "I insist." "H-hindi na." Namula yung mga pisngi ko sa isiping yon na sya pa ang maghahatid saken imbes na ako ang gumagawa non sa kanya. Tumaas yung kilay nya, "Eren." "Okay." Mabilis kong sagot sa babala nyang yon. As if naman na makakatanggi pa ko eh tinaasan na nya ako ng kilay. Kapag ganyang nagtaas sya ng kilay ay hindi ako pwedeng tumanggi dahil malamang ay magagalit sya saken. Baka awayin nya pa ako. Tokwa. Hinalikan ko nalang yung noo nya bago sya mas niyakap pa. *** "DON'T." Pigil ko sa kanya nang akmang lalabas pa sya ng kotse para lang pagbuksan ako ng pinto. Taka naman nya kong tinitigan kaya ngumiti lang ako tsaka sinapo yung magkabilang pisngi nya at dinampian sya ng halik sa noo. "Susunduin mo ba talaga ako mamaya?" Hinaplos ko yung pisngi nya, "Alas singko pa yung labas ko kasi medyo maraming scenes yung ite-take namin today, patapos na yung taping this week." "Yeah." Hinawi ko yung buhok nya papunta sa likuran nya, "Saan ka pala pupunta?" Tanong ko matapos ko syang pasadahan ng tingin. Nakaputing fitted v-neck shirt kasi sya na nakatucked in sa suot nyang faded tattered jeans, imbes na boots ay simpleng chuck taylor na puti yung suot nyang sapatos, suot din nya yung dogtag nya at nakasabit sa v-neck collar nya yung rayban. Yan yung pinaka-paborito kong t-shirt nya, v-neck na puting fitted. Wala lang, naastigan kasi ako sa kanya kapag iyon yung suot nya. Sundalong-sundalo yung datingan lalo na't may suot syang dogtag. "Birthday ni Vero." "Oh, greet her for me then. Next time na ang gift ko." "Alright." Sinundot ko yung pisngi nya, "I'll see you later." Nagulat ako ng tapikin nya yung kamay kong naka-sundot sa pisngi nya at dali-daling hinatak yung kwelyo ko para sakupin ng labi nya yung labi ko. Tokwa talaga. Hindi naman ako kumontra, napadantay nalang yung kamay ko sa hita nya at marahang hinimas yon habang patuloy lang kami sa pagpapalitan ng halik. Naputol lang iyon nang makarinig kami ng malalakas na katok mula sa bintana sa tabi nya kaya kami napahiwalay sa isa't isa. Si tatang yung panay ang katok sa bintana, nasa likuran nya si July na panay ang awat sa kanya sa pagkatok. Hindi ko naririnig yung sinasabi nya pero alam kong nanggigigil na sya dahilan para mapalunok ako. Tokwa, galit sya. Inayos ni JR yung kwelyo ng suot kong t-shirt at pinahid yung labi kong basa. May kinuha sya mula sa isang compartment, isa iyong lipbalm. Binuksan nya yon at nilagyan yung labi kong medyo nagka-crack dahil sa kakulangan ng pag-inom ng tubig. "Bakit may lipbalm ka?" "For emergency." "Nanaman?" "Oo, baket?" Ngumuso ako, "Yung condom nga hindi natin nagamit eh---a-aray!" Saad ko nang pitik-pitikin nya yung labi ko. "Tanga, naisip mo pang gamitin yon eh tinira mo na ko ng walang proteksyon? Engot." Pumalatak sya bago binalik yon sa compartment. Namula yung mga pisngi ko dahil doon. Nakakahiya, ngayon ko lang narealize na nahahawa na pala ako sa kanya. Puro kaberdehan na din yung mga lumalabas sa bibig ko. Huhuhu! Nakakahiya talaga! "Sige na, mamaya nalang." Anya tsaka hinawi yung bagsak na buhok at sinuot yung rayban habang nakahawak sa manibela. Ang ganda-ganda nya talaga. Tsaka ang angas-angas pa hehehehe. "O-okay." Mabilis akong bumaba mula sa sportscar nya at umikot patungo sa tapat na bintana ng driver's seat. Inangat ko yung kamay ko para kawayan sya, tumango lang naman sya bilang sagot bago tuluyang pinaharurot yung kotse nya paalis. "Hehehe. Hihintayin kita!" Sigaw ko kahit nakalayo na sya, "Ingat---A-ARAY! ARAY TATANG!" Tokwa nandito nga pala si tatang! Nakalimutan ko! "Anong aray-aray!? Lintek kang bata ka binabaan mo ako ng tawag kagabe!" Imbes na bitawan yung pagkakapingot nya sa tenga ko ay mas lalo nyang hinila iyon! Ang sakit! Grabe talaga si tatang! "S-sorry po tatang! Masakit---t-tataaaang!" "Talagang masasaktan ka saken!" Sinimulan nya kong hatakin papasok ng entrance ng building, wala syang pakielam kung nagtitinginan yung ibang taong nandoon basta pinipingot nya ko! "Sorry-sorry!? Hinayaan na kitang magpakasasa kasama ng isang yon tapos hindi mo man lang ako tinext kung saan ka natulog!? Nyeta ka ah! Pinasakit mo yung ulo ko kakaisip kung nasaan ka tapos yun pa rin pala yung kasama mo!?" Lumingon ako kay July para manghingi sana ng tulong pero ngumiti lang sya at tsaka sumipol-sipol habang nakasunod saken. Kainis! Hindi man lang ako tulungang makalusot kay tatang! (Third Person's POV) Panay ang tawanan ng mga magkakaibigan habang pinapanood si Theo na kumanta sa videoke na parang lasing kahit hindi naman talaga. Kasalukuyan silang nasa bahay ng mga Verdan, specifically sa bahay ng mga magulang ni Veronica dahil birthday neto at imbitado silang magkakaibigan kaya kumpleto silang lahat doon pwera kay JR na hindi pa dumadating. Nakahiwalay sila ng table sa mga may edad na at sa iba pa nilang circle of friends. Malawak ang garden nila kaya kahit na may karamihan ang bisita ay hindi naman ganoon ka-crowded. "Where the hell is that b***h!?" Reklamo ni Vero habang nakasimangot na nginunguya yung strawberry na isinubo sa kanya ng nobyo nya, "I invited her here yet she didn't showed up!? What kind of friend she is!?" Agad syang niyakap ng nobyo para pakalmahin, "Wag masyadong mainit ang ulo. Dadating din yun." Sabay himas sa walong buwan netong tyan. Umirap lang naman ang babae bago inginuso yung strawberry sa bowl para magpasubo. Buntong hininga naman ang sagot ni Chryseis, "I don't know, her phone is off for over a day." "I can't reach her too." Anya naman ni Vasselisa habang nakangiwi. "Maybe she's busy." Morgan "Busy her ass! Birthday ko ngayon! She should be here!" Veronica demanded. Wala kasi silang ideya kung bakit hindi sumasagot sa tawag si JR. Dalawang araw na itong walang paramdam sa kanila, though sanay naman silang bigla nalang iyong sumusulpot mula sa kung saan. Sumasagot naman kasi iyon agad kapag tinatawagan nila. Tahimik naman si Charlotte na umiinom ng beer sa isang tabi. Malalim pa sa balon yung iniisip nya dahil sa nalaman nya netong nakaraang gabi habang naggo-grocery sya. Napansin naman iyon ni Chryseis kaya akmang tatawagin nya ito nang maagaw ng bagong dating yung atensyon nilang lahat. "Bakit ba panay hanap mo saken babae?" Medyo iika-ika itong naglakad patungo sa pwesto nila at agad na naupo sa tabi ni Charlotte. Suot pa rin ang rayban neto habang maangas na nakaupo, akala mo action star na nasa isang taping lang ang datingan nya. "Oh regalo ko." Suminghap si Vero nang batuhin sya neto ng isang maliit na kahon, magaan lang yon kaya di masyadong masakit nang tamaan sya diretso sa mukha, yun nga lang at nairita sya. Binato din nya yung isang envelope kay Chryseis na nasalo naman ng babae, naglalaman ng impormasyon tungkol sa kinansela nyang misyon. "You motherfucker!" "Oh? Wag mong sabihing masama pa loob mo nyan? Wag ka ng magtampo, daang libo halaga nyan." Sinipat-sipat nya yung mga pagkaing nasa harapan nya, chine-check kung ano yung matitipuhan nyang papakin. "f**k you! Who the f**k do you think you are to throw this fuckin---" Natahimik si Veronica nang subuan sya ng nobyo nya ng strawberry pero yung masama nyang tingin ay nanatili kay JR. Ngingisi-ngisi namang dumampot ng bowl ang babae na may mga pira-pirasong prutas tsaka kumain. Sabay-sabay naman na nagtaasan yung mga kilay nila nang may mapansing kakaiba kay JR bukod sa pananamit neto. She's glowing, well, not literally but she looks blissful and blooming. Mukhang good mood na good mood ito, masarap siguro ang tulog kaya ganon. Pero syempre dahil tropa nila si JR ay iba ang iniisip nila kung bakit blooming ito, lalong-lalo na si Veronica. Humalukipkip si Veronica, "Nabaril ka ba?" Taka silang lahat na lumingon kay Vero, syempre lalong-lalo na si JR na syang tinatanong neto. "Nabaril?" Ulit nyang tanong kay Vero. "Yeah. Nabaril ka ba?" Nagsalubong yung mga kilay nya, "No." "You've been shot." Ngumiwi si Vero, "Several times." Natahimik silang lahat sa mesa nila, maski si Theo na kaninang nagvi-videoke nawiwirduhan na pinakatitigan si Vero na hindi inaalis yung naniningkit na tingin sa kanya. Then realization hit her. Pantay na umangat yung mga kilay nya tsaka sumandal sa kinauupuan. "Oh." She uttered after realizing what she really meant on the word 'nabaril', tinanggal nya yung rayban nya at dumekwatro na parang lalake bago sumandal sa kinauupuan nila, "Yeah, I got f****d hard..." Balewalang anya na para bang wala lang iyon, "...and rough." Dugtong pa nya tsaka sinuklay ang buhok gamit ang kamay. "TMI!" Sigaw bigla ni Theo. Ikinapula yon ng mukha ng nobyo ni Vero, buti nalang ay agad na tumayo si Theodore tsaka hinawakan sa pulsuhan ang lalake. "Tara Seph! May pag-uusapan yang squad nilang mga manyak na hindi pwede sa matitinong lalakeng gaya naten! Ciao!" Sabay hila sa boyfriend ni Vero paalis. Matapos ang ilang segundo ay doon palang nagkanya-kanyang react ang mga tropa nila---pwera syempre kay Morgan na nanonood at nakikinig sa kanila habang sumisipsip sa straw na nasa bote ng beer. Oo, hinihigop nya yung beer nang naka-straw. Habit nya yan. "What a bastard!" Namumulang anya ni Chryseis, "Why do you have to be so shameless!?" "Anong shameless don? Eh totoo naman eh." Katwiran nya. Hinampas sya ni Charlotte ng malinis na kutsara sa ulo, "Gago! Nakakahiya ka! Ni hindi ka man lang nahiya na sabihin yon sa harap nung dalawang lalake!?" "Gago ka din! Eh ano naman kung lalake sila!?" Umismid sya, "Kingina, ginagawa din naman nila yung bagay na yon kaya bakit ako mahihiya!?" "She got a freakin point." Pagsang ayon ni Vero na tumatango-tango pa habang hinihimas ang malaking tyan, "It's normal, like, me and my boyfriend are doing that kind of things too yah know?" "P-pero a-ang laki na ng tyan mo, V-vero." Mapula pa sa kamatis na tanong ni Vasselisa, konti nalang ay uusok na yung mga tenga sa sobrang pag-iinit ng mukha. Veronica looked at Vasselisa with a bored stare, "I know honey, I know. What I mean is ginagawa din namin yon ng boyfriend ko before noong pwede pa. Now that my tummy is already big, niroromansa nalang ako ni boyfriend." Then she chuckled while reminiscing her meaning of 'romansa'. All of them grimaced except for JR who just c****d an eyebrow. "He's eating you, didn't he?" She asked as if it's a normal thing to ask, "Like licking and sucking your---" "JR!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlo dahilan para mapatingin yung ibang bisita sa pwesto nila. Pulang-pula na silang tatlo. Hindi nila kinakaya yung mga naririnig nila. "Jhayrein Arriane, Veronica Ruth, I'm fuckin drinking." Biglang sabat ni Morgan na ngayon ay nakangiwi na, "That was just fuckin rude, people. Respect my fuckin beer." Sabay lang na nagkibit ng balikat ang dalawa. Doon lang muling nakapag-salita si Chryseis, mas mahinahon na kaysa kanina. "You mean, you did it with Eren?" "Yeah." Nagkatinginan yung tatlo bago nagsinghapan na para bang yun na ang pinakanakakagulat na bagay sa buong buhay nila, naging dahilan iyon ng pag-ngisi ni JR habang ngingiti-ngiting hinihimas ni Vero ang maumbok na tyan. "Virgins." "I'm not!" Sabay na sigaw ni Chryseis at Vasselisa na ikinagulat nila. Lalo na ni Charlotte na ngayo'y nakanganga na. "What the f**k!?" Umayos sya ng upo, "Don't tell me that I'm the last one standing here!?" They didn't answered that made Charlotte to cuss even more while they are eyeing her with pity. "How did you fuckin do that!? Chryseis you're single!" "Well, I'm fuckin single as of now." She shrugged, "It happened years ago." "Vassy!?" Lumingon si Charlotte kay Vasselisa na ngayo'y namumula ng husto yung mukha. "Uhm... I won't tell you when but... I... I lost it." Sinabunutan ni Charlotte yung sarili nyang buhok habang nakanganga sa kanila. "I'm already 30 yet I'm still a---" Naputol yung sasabihin nya nang mapapikit sya ng mariin, tila nagpipigil ng hininga habang pinipilit wag sabihin ang dapat sabihin pero sinabi nya pa rin, "---virgin." They laughed because of her, making her scowl out of irritation. Napunta sa ibang topic yung pinag-uusapan nila, asking how each other's life going. Napuno ng asaran at tawanan yung mesa nila habang bumalik naman sa pagiging tahimik si Charlotte. JR noticed her being quiet that's why she leaned on her and bit and rested her arm on Charlotte's shoulder. "Got a problem?" JR asked and Charlotte just shrugged. "You." Charlotte answered before looking at her straight in the eyes, "You got a problem." "Ako? May problema?" "Yeah." "Tell me about it then." She commanded with a frown because of bafflement. "She's here." Then she frozed. Literally, she frozed on her seat. Ramdam nyang biglang sumikip yung paghinga nya matapos marinig yon pero pinilit nyang kalmahin ang sarili matapos ang ilang minuto. She blinked and utter, "So she's here in the Philippines too." Muli nyang sinuklay yung buhok nya, "I wonder what brings her here." "She's looking for you." "Binigay mo naman ba yung address ko?" Mabilis na umiling si Charlotte, "Why would f*****g I? Edi nagkagulo kayo kung ganon." "What did you told her then?" "I told her that you're also here in the Philippines yet I don't know where you are. Sabi ko wala tayong communication." "That's good." Bumitaw si JR sa pagkaka-akbay at tumayo kaya napatayo din si Charlotte. Napatingin sa kanila ang mga kasama nila. Agad na nag-alala si Charlotte nang makitang walang emosyong mababasa sa mukha ni JR. "Saan ka pupunta?" "Magpapahangin lang." "Jhayrein?" Chryseis called too but she already walked out of their table. Nagkatinginan tuloy sila bago bumaling kay Charlotte na syang nakaka-alam kung bakit bigla nalang umalis si JR. *** "WE'RE done for today!" Anunsyo ng direktor habang ngiting-ngiting nakapameywang sa harap ng lahat, "Two or three days nalang at matatapos na din tayo sa wakas, let's give our best on the last days of our filming." Naghiyawan ang mga staffs sa tuwa matapos marinig ang anunsyong matatapos na sila. Nagkanya-kanya na din sila ng suhestyon kung kakain ba sila sa labas o magbabakasyon sa isang resort para magcelebrate. Eren just smiled while seeing the blissful faces of his co-workers. Masaya sya para sa mga ito pero mas masaya sya dahil sa wakas ay tapos na yung taping nila para sa ngayong araw, excited na syang masundo ni JR tulad ng sinabi neto. Iniisip na nga rin nya kung anong lulutuin para sa hapunan, yung magugustuhan dapat ni JR pambawi man lang sa mga ginawa nya dito kagabe. He's busy removing the props that he's wearing when a gorgeous woman just entered on their studio and approached him. "Zerenel?" She called in a sweet tone with a british accent. "Yes?" Nang malingunan nya ang babae ay agad syang niyakap neto, nagulat ang lahat dahil doon, maski si Yvette ay namilog ang mata nang gawin iyon ng babae. Si tatang lang ang tanging nakasimangot habang nakamasid sa kanilang dalawa at tumatapik-tapik sa sahig ang paa. "Eren! It's nice to finally see you again!" Lumayo ito mula sa kanya tsaka sinapo yung magkabilang pisngi nya, dahilan para lumubo ang mga ito at magmukha syang nakanguso. Ilang beses syang kumurap-kurap bago nangiti at niyakap ang babae na lalong ikinagulat ng lahat. Nakagat ni Yvette yung hawak nyang panyo dahil doon at lalo namang sumimangot si tatang sa nakita. "Irene!" Tinapik-tapik nya ito sa likod tsaka hinarap, "You're here!" "Yeah! I know, galing ako sa Luxembourg city last week and I've brought lots of pasalubong for you!" Excited nyang anya tsaka nagsimulang magkwento kung gaano ito kasayang makita sya, bakas pa ren yung matigas na accent neto sa pananagalog. The woman is just a few inches taller than Yvette, she's incredibly gorgeous and sexy as hell, she has this blonde wavy hair and seductive aura that catches everyone's attention just by her mere presence. "Who is she?" Yvette asked to July whose sitting beside her with cross legs. "Ay nako sis, Si Irene yan." Nasa kuko nya ang atensyon habang ni-ne-nail file iyon, "Pamangkin ng CEO ng entertainment company natin, pinsan nung bruhang dikit ng dikit kay fafs." "But I've never seen her before." "Ay, sa United Kingdom kasi talaga yan nakatira. Briton yung papa nya then pilipina yung mama nya, namamasyal lang sya dito sa Pilipinas kaya ayern." She squinted her eyes, "Are they really that close?" Nakakawit na kasi sa braso ni Eren ang babae at hindi tulad ng ginagawa ni Eren sa ibang mga babae ay hinahayaan nya lang ito ngayon. "Yep!" July answered popping the 'p', "Frienny-frienny yang dalawang yan noon pa, pero don't worry kasi married na yang si lola mo Irene." Nagulat si Yvette sa nalamang yon dahil hindi naman halatang may asawa na ang babae pero hindi nalang sya kumibo at pinagmasdan nalang yung babae na ngayo'y kakwentuhan pa rin ni Eren. Maski sya ay namamangha sa ganda ng babaeng iyon, ang lakas kasi talaga ng dating at nakakahatak agad ng atensyon. "By the way, there will be a simple gathering on our guesthouse this weekend and all of our employees are invited, I want you to be there, okay?" Sabay pisil sa pisngi ni Eren na ikinatawa ng lalake. "Oo naman." Ngumiti sya, "Anong klaseng attire ba? Formal ba?" "Hmn, a simple suit would be fine. It's just a dinner anyway." She wiggled her eyebrows, "No date, no entry." Lalong lumawak yung ngiti ni Eren, "Sure." Pero napasimangot din agad nang sumagi sa isip nya si JR, "Pero paniguradong hindi magbe-bestida yung date ko." Natawa si Irene sa kanya tsaka ginulo yung buhok nya, "Looks like someone got your attention for the first time." Nginitian lang sya ni Eren. Saktong lumapit kasi si tatang at inakbayan sya. "Eren, bihis na." Sabay tulak sa likuran neto. "Opo." Lumingon sya sa babae at nagpaalam na bago tuluyang umalis. Naiwan si tatang na masama ang tingin kay Irene kahit na nginitian lang sya neto. Sanay na din kasi si Irene sa matanda. "Hello, tatang." Bati neto sa kanya. Imbes na ngitian pabalik ay pinaningkitan lang sya neto ng mata bago dinuro ng hintuturo at gitnang daliri, tapos dinuro ang sariling mata na para bang sinasabing 'binabantayan kita' sabay tinalikuran ang babae. Napakamot nalang sa ulo si Irene. *** "SIGURADO ka bang dito ka lang?" "Opo." "Ayaw mo bang isabay ka na namin ni July? Idadaan na kita sa unit mo." Pamimilit pa rin ni tatang, dahil doon ay sumilip na din sa bintana ng van si July. "Fafs! Baka lamukin ka dyan, sabay ka nalang samin ni tatang pogi." "Pero sabi ni JR susunduin nya ko." Nguso nya, nasa likuran nya ang mga kamay, "I'll wait for her here." Nagkatinginan ang dalawa bago dismayadong umiling si tatang. Nakailang pilit na sya kay Eren pero hindi talaga nagpatinag ang binata, talagang desididong maghintay. Lumingon si tatang sa sekyu na nasa main entrance ng building, "Pakitignan nalang tong isang toh ah?" "Yes boss! Akong bahala kay lodi Eren!" Sumaludo pa ang guard kay tatang kaya kay Eren naman sya lumingon. "Sige, i-text mo ko kung nakauwi ka na." Bilin nya habang nakasimangot nanaman ang mukha. Sunod-sunod na tango lang ang isinagot ni Eren kaya ini-start na ni tatang yung makina ng sasakyan tsaka minaneho paalis. Nakangiti namang naupo si Eren sa bench na nasa labas ng building nila, sinuot nya ang shades at itinaas sa ulo sa hood ng suot nyang jacket habang hawak ang phone at matamang naghintay. (JR's POV) "WE thought we'll never see you again, JR." Ngumisi ako, "Mas madalas kasi ako sa bar ng kaibigan ko." Pumulupot yung kamay nya sa braso ko tsaka sumandal sa balikat ko habang ang isa naman ay sumiksik sa akin kaya nangiti ako. Damn. These girls have no chills. "You look hotter than the usual, JR." Saad noong nasa kanan ko. "Talaga?" "Yeah. You look different. You're beautiful." Sagot naman ng nasa kaliwa. I can't help but to smirk, "Ahh, I may be beautiful but both of you are gorgeous." They chuckled because of that, as usual, women loves being praised especially when it comes to their beauty. Natigil ako nang maramdaman yung pag-vibrate ng phone ko sa bulsa, kinuha ko iyon at tinignan ang caller. Kumunot yung noo ko ng makitang si July iyon. Ano namang kailangan nya saken? "Excuse me, I'll just answer this." Paalam ko sa dalawa bago ko tinungga yung alak na nasa baso tsaka lumabas. Halos lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ako, most of them are saying 'Welcome back to the club!' kaya napapangiti nalang ako. Nakipag-tanguan ako sa bouncer nang makalabas ako, nagtungo ako sa isang gilid tsaka sinagot yung tawag. "Oh, anong meron?" "Hello mamshy! May itatanong lang sana ako kay fafa Eren." Umingos ako, "Oh eh bakit ako yung tinawagan mo?" "Eh? Hindi ba kayo magkasama?" "Hinde." "OMG! You mean, nandoon pa si fafa Eren sa building!?" Natulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko yon. Si Eren? Nandoon pa din? Napamura ako at agad na tumakbo patungo sa pinagpaparadahan ng sasakyan ko tsaka mabilis na sumakay doon. Basta ko nalang ibinato yung phone ko sa passenger seat para agad paharurutin yung sasakyan paalis. Fuck. I forgot to fetch Eren. Pinaandar ko yung sportscar ko sa pinakamabilis na takbo, sinigurado kong hindi ako aabutan ng red light para hindi na ko huminto. "Kingina, nakalimutan ko si Eren dyahe." Kinakabahan ako, ang sabi ko susunduin ko sya ng alas singko pero alas otso na ngayon, f**k. Pinaghintay ko sya ng mahigit tatlong oras. Kingina, hindi ko man lang namalayan na maghapon na pala akong nasa club. Mahigit kwarenta minutos ang inabot ng byahe ko bago ako nakarating sa tapat ng building nila. Pinagpag ko yung t-shirt ko bago tuluyang lumabas. There, I saw him crossed legs sitting on the bench outside their building. Happily talking to the security guard standing on it's outpost. He's wearing a navy blue hoodie jacket and jeans, nasa dibdib din nya nakasabit yung sunglasses. "I know how to play several instruments like piano, violin, cello, saxophone but drums is my favorite." "Talaga lodi!? Bakit hindi ko nabasa sa biography book mo yon!?" "Kasi hindi naman lahat ng nasa book ko eh totoo," He chuckled, "Secret lang natin yan ah? I don't want to expose some of my personal information talaga, it's just that pinilit lang ako ng CEO ng entertainment." The guard looked at him in amusement, "Naku walang problema! Ligtas saken yung secret mo nako ako pa! Yung anak ko nga din lodi, nagbabanda yun sa school nila eh, drummer din yun!" "Really? That's nice! Buti hindi ka tutol sa pagda-drums nya?" "Aba'y bakit naman ako magiging tutol sa kanya?" Ngumiti si kuyang guard sa kanya, "Ang pagda-drums yung nagpapasaya sa kanya eh, gusto ko syang maging masaya kaya hinahayaan ko sya. Isa pa ay hindi naman nakakasama sa kanya yon, nakakatulong pa nga kasi mas ginaganahan syang mag-aral." I saw how Eren let out a weak smile, bakas doon ang inggit at lungkot. "Ang swerte naman nya." Pakiramdam ko sumikip yung dibdib ko dahil doon kaya agad ko na syang nilapitan. "Eren." I called his name. Mabilis syang lumingon sa direksyon ko at nagpakawala ng isang inosenteng ngiti. His eyes beamed with excitement and bliss that made me feel guilty as f**k. "JR!" He stood up and pulled me for a tight hug, "Gabi na ah, bakit wala kang jacket? Baka lamigin ka." Pinanood ko syang hubarin yung hoodie jacket nya at isinuot saken. Now he's only wearing a striped t-shirt. I flinched when he reached for my hair and tuck in some strands behind my ear before letting out a sweet smile. Fuck. Inakbayan nya ko bago humarap sa guard na ngayo'y nakangiti ding nakatingin samen. "Girlfriend mo, Lodi?" Nilingon ko sya at pinakatitigan, waiting for his response to deny me because of his reputation as a Superstar. But I was shock when he kissed my forehead in front of the guard while smiling cheek to cheek and proudly said the words that he never said before. "She's my wife."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD