Chapter 14

5615 Words
Chapter 14 (Eren's POV) WALA ni isang nagsasalita samin buong byahe pero ramdam kong panaka-naka nya kong nililingon kaya pinipigilan kong ngumiti. Baka isipin nya tuwang-tuwa ako masyado na ewan, ayokong magmukha akong ignorante sa ganitong bagay kahit na unang beses kong mararanasan ito. Ang totoo ay gusto kong magdaldal, para kasi akong mauutot na ewan dala ng sobrang excitement. Kahit naman hindi kami mag-usap ay nalilibang pa rin ako, paano kasi eh simula ng umalis kami doon sa building na pinagpictorialan ko eh hawak nya pa din yung kamay ko habang yung kabilang kamay nya eh nasa manibela. Hindi pa din ako makamove on doon sa nangyare sa CR kanina, kada naaalala ko yon eh di maiwasang mamula yung mga pisngi ko. Hinawakan nya yung 'ano' ko. Baliw na yata ako kasi imbes na mahiya ng husto parang naghahanap pa ko ng higit pa doon. Ahhh! Ang bastos ko! Ang bastos-bastos ko! "Eren." "A-ano yon b-bakit?" Taranta kong sagot matapos nyang tawagin yung pangalan ko. Nangunot naman yung noo nya habang hindi inaalis yung paningin sa kalsada, tila naguguluhan kung bakit ako natataranta. Huhuhu naman kase. "Kalma." She glanced at me before letting out a soft chuckle, "Kinakabahan ka ba masyado?" "Medyo." Pag-amin ko. Totoo naman kasi. "Bakit naman?" "S-syempre first time ko toh, kabado ako k-kasi w-wala akong alam sa ganito." She grinned, "Don't be nervous. I'll be gentle since it's your first time." Anya kaya pinandilatan ko sya. Alam ko yung first time na sinasabi nya ah! Tokwa ang manyak talaga! "Ambastos ah." Irap ko, "Ang ayos-ayos ng usapan eh kung ano-ano nanaman binabanggit mo." Dinig ko yung malutong nyang tawa na ikinasingkit ko ng mata. Kita mo lang talaga tong babaeng toh, para bang tuwang-tuwa pa syang naiirita ako sa kanya. "Ha ha ha nakakatawa talaga." Sarkastiko kong sabi. Tokwa sya. Nakakainis. "Tsk! Wag ka ngang pikon, para kang ewan." Ngumisi sya, "Anong klaseng date ba ang gusto mo?" I blinked so many times, "Bakit? May iba't ibang klase ba ng date?" "Hindi naman. Kumbaga ano bang gusto mong mangyare sa date natin? It's your first time, I want to hear your thoughts." Bahagya akong nakaramdam ng excitement dahil hinihingi nya yung opinion ko kaso agad din akong natigilan. Paano kung hindi nya gusto yung mga gusto ko? Hindi sya mag-e-enjoy kung ganon. "Uhm. Ayos lang saken ang kahit ano o... kahit saan." Huminto yung sasakyan nya nang maging pula yung traffic light sabay tumuon saken yung mga mata nya. Seryosong nakatitig saken kaya iniwasan ko yung mga tingin na yun, nakakatunaw eh. "Sira ulo, hindi pwedeng kahit ano o kahit saan, walang ganon." "Bakit naman hindi? Okay lang naman saken eh." She didn't answered so I assumed that she's fine with it but I was shock when she pinched the tip of my nose by the use of her other hand. "A-aray! Masakit!" Ang bigat ng kamay! Kunting kurot ang sakit agad! Huhuhu! Nagtama yung paningin namin pareho. Hala, bat sya nakasimangot? Galit ba sya? "B-bakit?" Salubong yung mga kilay nya habang nakaismid, "This is our first date. Tinatanong kita para alam ko kung saan mo magugustuhan o hindi. I want you to enjoy, okay?" Ewan ko ba, pero sumikdo yung puso ko matapos nyang sabihin iyon. I'm so happy to hear those words... atleast, there's another person who wants to hear the things that I like aside from my manager... unlike my family who always instructing me the thing that they want for me. Napangiti tuloy ako, bumalik yung excitement sa katawan ko. Parang gusto kong magligalig sa sobrang sabik. "Simpleng date lang yung gusto ko." Kinamot ko yung namumula kong pisngi, "Yung ano lang... kung ano yung karaniwang ginagawa sa date ganon." "Like?" "Kumain." She scoffed, "That would be boring as hell." I pouted as I look at her, "Hindi ba ganon lang naman ang date?" "Kung ganoon lang ang date edi sana kinain nalang kita kanina sa CR." Then she winked at me. Inirapan ko sya para maiwasan yung pamumula ng mukha ko pero hindi ako nagtagumpay. My cheeks blushed because of that. Tokwa talaga. Wala na shang pag-asa. Bastos. "Edi kung paano mo nalang i-date yung mga babae mo." I said that made her stilled. Kita kong dinilaan nya yung ibabang labi nya bago kinagat yon habang nakakunot ang noo. Sa paraan ng pagtingin nya saken eh parang may nasabi akong mali. "I don't do dates, Eren." "H-hah?" She smiled, "I flirt and bed my women, but I never date them." I gasped. Kung ganon wala pala syang dine-date ni isa sa mga babae nya? Pero kung wala nga syang dinate sa mga naging babae nya, ibig sabihin... Isa lang ang b-babaeng dinala nya sa date. Yung ex nya. "Anyway, mamaya nalang tayo kumain. May pupuntahan muna tayo." Wala sa sariling napatango ako habang nag-umpisa naman na syang magmaneho ulit. Tahimik akong nag-isip kasi syempre awkward naman kung maingay ako mag-isip diba? Tokwa kayo. Sa totoo lang eh never ko pang nakita yung ex nya, mapa-picture man o personal. Napapaisip tuloy ako. Mahal na mahal siguro sya ni JR, hindi mahahatak si JR sa kasal kung hindi nya mahal yung ex nya diba? Hindi din naman nya binabanggit saken yung pangalan o kung sino yung ex girlfriend nya. Never syang nagkwento at alam kong ayaw nyang pag-usapan pero minsan talaga ay nacu-curious ako. Lumalalim na yung naiisip ko nang bigla akong may maalala. "Nga pala, saan mo natutunan yon?" "Ang alin? Yung handjob ko sayo?" Tila balewalang anya kaya pumula yung mga pisngi ko. Sira ulo! Anong handjob yung pinagsasabi neto!? "A-anong handjob ka dyan!?" "Handjob." Taka nya kong sinulyapan, "Yung ganon." Sabay bitaw sa kamay ko para mag-demonstrate na lalong ikinapula ng mukha ko. Timang talaga! "Tokwa ka itigil mo nga yan!" Hawi ko sa kamay nyang nag-aano sa hangin. "What? I'm just demonstrating it to you." Aatikihin yata ako sa puso! Paano ba naman kasi binitawan nya ko tapos kinorteng 'O' yung kamay nya tsaka inangat baba sa hangin. Ambastos! Ang bastos-bastos talaga netong babaeng toh kahit kailan! "Hindi kasi yan yung tinutukoy ko!" "Eh ano ba?" "Yung pagmo-model mo kako! Yun ang itinatanong ko sayo!" "Ah. Akala ko yung pagma-maryang palad ko sayo eh." Sabay halakhak ng malakas kaya sumimangot ako. Grabe talaga yung bunganga neto! Wala talagang filter! "Ewan ko sayo, tokwa ka ang tino nung tanong ko eh!" "Aba't malay ko ba? Ikaw kasi bitin yung tanong mo." "Ang sabihin mo manyak ka lang talaga!" "Nagpapamanyak ka naman." "Ano ba!" "Bakit, hindi ba? Tss." Ngumisi sya bago muling inabot yung kamay ko para hawakan ulit ng mahigpit, "Fashion designer si kuya Josh diba? Ako nagsu-suot nung mga bago nyang designs para i-model sa pictorial tsaka inilalagay sa catalogues nya." Umawang yung labi ko sa pagkamangha tsaka tumango-tango. Walang duda, kaya pala ang galing nyang mag-pose. Magaling kasing magturo si kuya Josh. Nakilala ko na yung mga kuya nya noong araw mismo ng kasal namin. May tatlo syang kuya ih, si kuya Lancelot, kuya Anthony tsaka kuya Josh. Mababait naman sila, si kuya Anthony lang may pagkamisteryoso at tahimik pero mabait din naman. Sa kanilang tatlo ay si kuya Lance ang pinaka-kasundo ko, fan ko daw kasi sya hehe. Isa syang kilalang artist, magaling syang magpinta kaya naman sikat din sya internationally. Si kuya Anthony naman eh businessman, hindi ko alam kung anong klaseng business kasi secret daw yon eh pero businessman talaga sya. Habang si kuya Josh naman ay isang fashion designer, sikat yung mga designs nya globally na minsan ko na ding minodel para sa kanya. Pinarampa nya ko sa runway noong nilabas yung Spring collection nya last year. Kilala ko din naman yung papa ni JR, same sila ni kuya Anthony na may pagka-seryoso. Hindi sya madalas ngumiti pwera lang kapag nandyan si JR pero mabait din sya. Ang mama lang talaga ni JR ang hindi ko na-meet. Naikwento nya kasi saken na pumanaw yung mama nya noong ipinanganak sya at sa tingin ko talaga ay sila ng mama nya yung magkamukha. Medyo hindi sila hawig ng mga kapatid nya tsaka ng papa nya eh. Nagising ako mula sa pag-iisip nang maramdaman kong binitiwan na ang kamay ko, doon ko lang napansin na hinihihimas ng daliri nya yung ring finger ko. Parang may dinadama na kung ano doon at nang hindi mahanap ay kumunot yung noo. "Bakit?" Tanong ko nang bigla nalang gumalaw yung panga nya, parang nagtatagis yung mga ngipin nya sa loob, "May problema ba?" Umiling lang sya, "Wala naman. Ngumuso nalang ako. *** "ANG cuteee!" Ngiting-ngiti ako habang sinisilip yung t-shirt na pinasuot saken ni JR, nasa labas na sya ng sasakyan, hinihintay nya ko kasi pinagbihis nya muna ako dito sa loob ng car nya para daw walang makakilala saken. Pastel pink na gradient ng black yung ibababa yung cotton shirt tapos may print sa harap na 'THE BOSS' tas sa taas non may cute na drawing ng tenga ng pusa. Saktong-sakto sakin yung sukat! Ang cute lang talaga. Syempre sinuot ko din yung pink na cap na binigay nya kasama ang isang facemask kasi need yun para walang makakilala saken kahit na l wala naman daw masyadong tao sa pupuntahan namin. Sinuklay ko gamit yung kamay ko ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng sportscar nya. Hehehehe. "Ang cute naman netong shirt!" Saad ko pagkalabas ko. Naabutan ko syang naka-upo sa hood ng sasakyan nya habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng jeans nya, mukhang naiinip na kakahintay kasi nakaismid na sya eh. "Nagustuhan mo?" Tumango-tango ako habang nakangiti, "That's good." Ngumiti din sya pabalik pero nagulat ako nang bigla nyang hubarin yung jacket na suot ko. Nalantad tuloy yung suot nyang gradient pastel blue and black naman na v-neck shirt, may nakasulat doon na 'THE REAL BOSS' tas may drawing naman ng tenga ng aso sa taas. We are now wearing a couple shirt. *BLUSH* Inayos nya yung black mini sling bag na nasa katawan nya bago itinali yung sleeves ng jacket nya sa bewang nya tsaka lumapit saken. She reached for my head, removed my cap and then started combing my hair through the use of her fingers. I can't help but to stare at her chinky cat shaped eyes. Nasa akin lang yung focus nya. "There." Matapos nyang ayusin yun buhok ko ay ibinalik nya yung cap ko tsaka muling pinagsalikop yung mga kamay namen para hilahin na ko papasok. Wala pa man kami sa mismong loob ay dinig ko na agad yung tilian at tawanan na nagmumula sa loob, ganon din ang malakas na music na pumapailanlang sa buong lugar. Base sa mga nakikita kong kasama namin ay nasa isang amusement park kami...which is first time kong mapuntahan. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa likuran nya habang patuloy nya akong hinihila sa loob. Knowing that she brought me to an amusement park, wore a shirt paired with mine and even held my hand as if she doesn't want to lose me in the crowd---all of this are new to me. I've never felt this overwhelming blissfulness in my thirty years of existence, This small things that she's doing for me really made me feel special. For the first time in my life, I feel like I'm such an important person. (Third Person's POV) "Hindi ka isip bata nyan ah." Sarkastikong saad ni JR pero imbes na sagutin sya ni Eren ay sumiksik lalo sa tabi nya ang lalake. "Wala pa, wala pa, wala pa..." Paulit-ulit na sambit ni Eren habang nakapikit ng mariin. "Awit." Jhayrein laughed so hard while sitting comfortably beside her husband whose hugging her tightly. Nakasiksik yung mukha neto sa leeg nya, tila nagtatago ng husto. Kasalukuyan silang nasa rollercoaster kung saan doon pa sila mismo sa harapan nakaupo, ito ang pangatlong ride na sinakyan nila. Ang unang-una ay yung ride na para ding rollercoaster pero nasa tubig, okay-okay pa doon si Eren dahil nakakangiti pa sya at ramdam nya pa yung sabik. Pagdating naman sa pangalawa ay medyo nakasimangot na sya, paanong di sisimangot eh panay bangga ni JR sa bumper car nya kaya di sya makausad. Ang siste, stuck sya sa isang gilid kanina habang nakasakay sa bumper car. Walang ibang ginawa si JR kundi ang tumawa ng tumawa, paulit-ulit nya din itong inasar at sinabihang isip bata at dahil 'isip-bata' naman talaga ang loko eh nagyaya ito sa rollercoaster dala ng pagkapikon. Hindi na daw sya bata. Nanguna pa itong pumila sa kanya at si Eren din ang pumili ng pwesto nila which is yung nasa pinaka-harap. At ngayon ngang nasa rollercoaster na sila, tila koala ito kung makakapit sa kanya na maski paa ay nakapatong sa hita nya. Mula nang mag-umpisang umandar yung coaster wagon. Mabagal lang iyon at papaakyat palang sa tuktok ng tracks pero nagsisigawan na agad ang mga tao sa likuran nila, karamihan ay dahil sa excitement pero meron ding dahil sa takot at kaba. Humupa na sa kakatawa si JR matapos maramdaman yung higpit ng yakap ni Eren sa kanya, ramdam nya din ang pag-angat ng mga balikat nito sa gulat matapos mabagal na huminto yung coaster wagon nang nasa pinakatuktok na ng tracks. "T-tokwa ano yun!? B-bakit huminto!?" He's already panicking that made JR frowned before taking off Eren's cap, liliparin kasi ng hangin kapag nagstart ng umikot-ikot yung coaster. Then she took a peek on Eren's face. Agad syang nag-alala nang makita yung namumutla at namamawis netong kutis. "Hoy, kalma ka lang. Mabilis lang toh." Kumuha sya ng panyo sa bulsa at ipinunas yon sa noo ni Eren,"Ang yabang mo kase, sinabing dun ka nalang sa carousel eh. Umiikot din naman yon." "P-pang bata lang yon!" He managed to answer. "Ah, edi sakyan nalang pala natin lahat ng kinginang extreme rides dito ano?" JR sounded sarcastically and a little bit irritated. Lumunok-lunok lang ito at tanging iling nalang ang naisagot bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni JR. Ayaw na nyang sumakay sa mga nakakalulang rides tulad neto, pero hindi nya aamining isip bata sya. Maya-maya ay gumalaw na ulit yung kinauupuan nila...at bumulusok na nga pababa. "MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Napangiwi si JR sa mahabang sigaw na iyon ni Eren. Sumasakit yung tenga nya, nasa leeg nya pa rin kasi ito nakasiksik. Nagsimula ng dumaan sa paikot-ikot yung coaster kaya mas lalong lumakas yung sigawan ng mga nakasakay at kasama doon si Eren na syang pinakamalapit sa kanya. "A-ayan na! Iikot! Iikot! AAAAAAAAAAAAH!!!" Bumuntong hininga si JR tsaka muling sinilip yung mukha ni Eren. Lalo itong namutla at namawis, parang sirang sigaw ng sigaw ng ayaw na nya pero nakamulat naman ang mga mata. Lumakas lalo yung sigaw ni Eren nang bumilis pa ng husto yung andar ng coaster, naririndi pa rin si JR kahit na naka-face mask si Eren. She frozed when Eren suddenly stopped screaming so she glanced again to check him and JR was shocked after seeing him unconscious. "Hala gago nawalan ng malay!" Tinapik-tapik nya yung pisngi neto para gisingin, "Eren! Oy! Zerenel gising---luh putangina hinimatay talaga." Pinilit nyang gisingin ang lalake pero panay ungol lang ito habang nakalaylay yung ulo sa leeg nya, lumuwag din ang yakap neto sa kanya. Halatang nanghihina. Humugot nalang sya ng malalim na hininga tsaka inangat ang braso para akbayan ang lalake bago iginiya ang ulo neto pasandal sa balikat nya. Ngayon gugugulin nya yung natitirang dalawang ikot sa rollercoaster nang nakaganon ang pwesto, na para bang may inaalalayang malaking baby. *** MAHIGIT sampung minuto nang nakasandal si JR sa poste ng ilaw katapat ng pinto mismo ng CR ng mga lalake. Ilang lalake na din ang nasamaan nya ng tingin dahil panay ang lapit sa kanya, tinatanong kung mag-isa lang ba sya, anong number nya o single ba sya at kung ano-ano pa na ikinaiinit ng ulo nya. Muntik na nga nyang masapak yung huli dahil inakbayan ba naman sya bigla, buti nalang at nakapagpigil sya at nasipa lang nya ang pagkalalake. Dahil doon ay nasa kanya tuloy yung tingin nung ibang dumadaan. Umayos lang sya ng tayo matapos lumabas ni Eren. May hawak itong sandamakmak na tissue na pinupunas sa basang mukha, malamang ay hinaltak neto mula sa loob ng CR. Wala na din yung suot netong facemask pero ang cap ay suot pa din. Napapalingon tuloy yung ibang tao, kinikilala sya dahil pamilyar sya sa paningin ng mga ito. "Ayos ka lang ba?" Agad nyang tanong tsaka kinuha sa kamay neto yung tissue para ito ang magpunas mismo sa mukha ni Eren. "Nagsuka ako." Parang batang sumbong ng lalake habang nakayuko konti dahil mas matangkad ito kay JR. Ngumiwi tuloy sya, "Parang hindi ko alam ah." Sarkastikong sagot neto sa kanya. "Ang sakit sa ilong tsaka sa lalamunan. Tapos ambaho pa." "Wala namang mabangong suka." Pinalobo nya yung pisngi nya dahil sa inis sa sagot ni JR, "Ang dami kong sinuka, JR." Pagkekwento pa nya. "Oh?" Emeng sagot ng babae habang busy punasan yung mukha ni Eren, bahagya naman itong ngumuso matapos marinig yung maikling sagot ni JR. "Oo tokwa ang dami." Pinagdikit ni Eren yung mga palad nya na tila may sinasalo, "Ganito oh." "Ge, tara sa audio room." Ilang beses syang kumurap, "B-bakit tayo p-pupunta doon?" "I-broadcast natin sa lahat kung gaano kabaho at kadami yung isinuka mo para hindi lang ako yung nandidiri sayo, dugyot." Sabay tapon nung tissue sa tabing basurahan. Sumimangot si Eren dahil don, "Tokwa naman sa dugyot. Hindi ako dugyot ano." "Ah, kaya pala kahit alam mong mabaho yung laway mo inaamoy mo pa rin? Hindi dugyot yon?" "B-bakit binabalik mo n-nanaman yung tungkol sa laway ko!?" Nanlalaking matang anya pero nginiwian lang sya ng babae. "Dugyot." "Hindi ako dugyot!" "Dugyot ka." Iling ni JR habang namumula naman sa inis si Eren kaya dinugtungan pa nya para lalo itong mainis, wala lang, pambwiset lang, "Ang dumi-dumi mo, dugyot." She said with feelings. "Hindi nga ako dugyot!" Hindi naman sya pinansin ni JR at dumukot lang ng isang maliit na spray bottle sa loob ng suot nyang sling bag tsaka inumpisahang paswitan si Eren. Ngayon ay amoy na amoy na ni Eren yung pabango ni JR sa sarili nya, panlalake iyon pero ang lakas ng tama sa kanya. Gustong-gusto nya talaga yung amoy neto. "Nasaan yung mask mo?" Tila nagising naman sya mula sa pag-iisip, kinamot nya yung pisngi nya, "Tinapon ko, basa ng pawis ko eh." JR just sighed before taking a glimpse on their surrounding, "Namumukhaan ka ng ibang tao dito oh." Pasimple syang luminga sa paligid at nakita ang mga taong humihinto pa para titigan sya, habang ang iba naman ay pasimple na silang kinukuhanan ng litrato kaya bahagya syang yumuko para itago ang mukha. Umiling nalang si JR bago muling nagkalkal sa sling bag, doon ay nakakuha ito ng itim na facemask tsaka ito na mismo ang naglagay sa mukha ng asawa. "Bakit may facemask ka sa bag?" She shrugged at his question, "For emergency." That made Eren to squint his eyes out of suspicion, "Ano pang laman ng bag mo na pang-emergency?" Jhayrein smirked before picking out a small familiar box inside her bag and proudly presents it in front of Eren. "Condom." And he blushed after seeing it, "A-ano ba yan! Itago mo nga yan!" Ani nya tsaka tumalikod para iiwas ang namumulang mukha. "Oh bakit? For emergency din toh ah?" "W-we don't need that!" "Ah, talaga?" She leaned on his ear and whispered, "You want to do it with me without any protection?" His eyes widen before shaking his head to remove some dirty thoughts after hearing his wife's husky voice. It's tempting the hell out of him! Ayaw nyang magpa-apekto nanaman sa mga kalokohan ng babae! Tama na ang nangyare sa CR! JR just chuckled before putting back the box of condom inside her bag then held Eren's hand again before they finally started walking. They really looked like a real couple because of their actions that they are doing unconcsiously. They both decided to play on some booths before going unto another rides para mawala ng konti yung hilo ni Eren. Hindi pa kasi ito nakakamove on sa rollercoaster, baka magsuka nanaman kapag sumakay sila ulit. Syempre hinayaan ni JR na si Eren ang pumili ng booth na paglalaruan nila, special child---este special person nga kase si Eren, special ito kaya dapat si Eren ang pumili ng dapat nilang paglaruan na booth. "Ayun! Ayun!" Turo ni Eren sa isang booth na may ring pang-basketball, "Tara dali! Gusto kong i-try!" Hila nya kay JR. Mataas yung ring non at may mga bola sa ibaba, bale dalawa yung magkatabing booth at may magsyota ding naglalaro doon. Nakasabit sa net na nasa gilid yung mga prizes na pwedeng makuha which is mostly stufftoys in different sizes and different designs. May mga iba't ibang klase din ng unan at keychains sa na naroon bilang prizes. Jhayrein saw how Eren's eyes flickered with excitement while eyeing the biggest stufftoy above the net. It's a large sized dirty white teddy bear with a red bowtie. "Hi kuya, paano makukuha yon?" Tanong ni Eren sa staff na ngumunguya ng bubblegum at tila inaantok na, iningunguso nya yung malaking bear. "Ginagamitan po ng hagdan para maabot." Pilosopong sagot nung staff kaya kumunot yung noo ni JR samantalang kinamot lang ni Eren yung sariling ulo. "Ahm. I mean, paano ko sya mapapanalunan?" "Kapag na-shoot nyo po yung bola sa ring." Jhayrein heard the couple beside them giggling, as if mocking the both of them so her piercing eyes locked on the couple. "Ilang bola po?" "Lima." "Ah. Paano po kapag sumablay yung isang bola?" Eren pouted. "Edi sablay---huk!" Eren gasped in shock. "Nasaan yung punyetang hagdan na sinasabi mo nang maisaksak ko na sa ngala-ngala mo?" Anya ni JR matapos haklitin yung kwelyo ng uniporme ng staff, she's squinting her eyes in irritation, "Ayus-ayusin mo yung pagsagot kung ayaw mong ipalunok ko sayo lahat ng mga bola dito." Some people also gasped in shock, may ilan ding napatigil para lang panoorin sila. Natakot naman yung staff dahil mabilis itong tumango habang kagat-kagat yung labi. Dala ng sobrang nerbyos ay nalunok nya yung gum na kanina pa nya nginunguya. "H-huy ibababa mo sya, dali...!" Awat ni Eren na agad namang sinunod ni JR, "S-sorry!" She just rolled her eyes and placed a bill on the counter for the game fee, tsaka nya sinenyasan si Eren na maglaro habang ang mga mata nyang naniningkit ay nakabantay sarado sa staff na nangangatog pa ang kamay habang inaabot kay Eren ang bola. Halatang pilit iniiwasan yung masamang titig ni Jhayrein. Sa inis nya eh pati yung magsyotang nasa gilid na naglalaro din eh sinamaan nya din ng tingin, tinatawanan sila eh. Lumunok-lunok ang lalake bago pumwesto. Dinribble-dribble nya sa sahig yung bola bago inihagis. Shoot. Eren smiled before taking the other ball and did the same but maybe he's unlucky on this kind of game. Sa pangalawang hagis nya kasi ay sumablay agad, ganon din sa pangatlo at pang-apat pero sa panglima ay naipasok nya. He won a small baby pink kitten keychain which he accepted half heartedly because of disappointment. Though he likes it because of the character, pero gusto nya talaga yung malaking bear pero hindi para sa sarili nya, kundi para kay JR. Napapanood nya kasi iyon sa ibang romance movies at nababasa nya sa mga novels na kapag nasa ganitong uri ng lugar ay binibigyan ng leading man yung leading lady nya ng stufftoys na napapanalunan neto, so he really wanted that bear for her. Tumulis yung nguso nya nang makalapit sa asawa, hawak-hawak ang keychain, "JR oh." Sabay abot sa babae na ngayo'y nagtatakang kinuha yon. "Ano toh?" "Keychain po." "Alam ko tanga." Simangot nya, "I mean, bakit mo binibigay saken?" "Kasi gusto ko lang." Then he smiled, "Sorry, yan lang yung maibibigay ko sayo ngayon. I'll try harder to win next time to give you the biggest prize." She stared at him for a couple of seconds before started blinking when she noticed the couple behind chuckling at the prize that Eren won, hawak nila ang isang medium sized bear. Umismid sya bago mabilis na hinablot yung keychain kay Eren para ibulsa tsaka lumapit muli sa counter kung saan naglapag sya ng bayad para sa panibagong laro. "Stand here." Utos nya kay Eren na agad namang sumunod, nakatayo na ito sa gilid malapit sa mga bola, "Ikaw ang mag-aabot ng bola saken. Chest pass, okay?" Jhayrein stood a few steps away from the counter. She's just simply standing there waiting for the ball. Kahit naguguluhan ay tumango pa rin si Eren tsaka kumuha ng bola. Now there's a plenty of audience around them, waiting for her next move. Both watching and recording her video. Eren did a chest pass to the ball which JR easily caught. Her stance lowered while her eyes are settled on the ring, dribbled the ball to the floor a few times before finally threw it smoothly right through the ring. She did a three point shot just like how professional basketball players do. Manghang-mangha naman syang pinalakpakan ng mga taong nanonood sa kanila. She made everyone amused, especially Eren whose now staring at her deeply. Buti nalang talaga at naka-facemask sya kundi makikita ng lahat kung gaano sya kamukhang tanga dahil sa pagkakanganga nya. "Prepare your fuckin ladder," She said to the staff, "I'll take that..." Turo nya sa malaking bear, "...and the rest of those motherfucking bears on the other booths." Sabay senyas kay Eren para muling ibato ang bola. (JR's POV) Sumenyas ang photographer ng bilang, "Say cheese!" "Cheese/s*x!" Magkapanabay naming saad kaya imbes na ngumiti si Eren ay gulat syang napalingon saken na ikinangisi ko, nakanganga pa talaga. Abnoy ka ah. Keso ka dyan. Tumawa yung kumuha ng litrato, "You look good together. Hindi ko akalaing may dine-date na pala ang isang Zerenel Gonzales." "T-talaga?" Nanlalaking matang sabi ni Eren. Tumango lang iyon tsaka ako nginitian kaya tinanguan ko lang sya. "Pakibilisan ang pag-print, baka may makakita kay Eren." "Sure sure." Nag-ok sign sya, "My lips are sealed." Sabay kaway bago umalis para i-print sa pinakamalapit na photobooth yung picture namin. Nang maka-alis na sya ay tsaka naman nagsimulang magpapadyak tong gunggong na toh sa sahig na parang batang hindi binilhan ng laruan. "Bakit ganon yung sinabi mo!?" "Oh eh ano naman?" "Hindi dapat yon yung sinabi mo!" Mahinang bulong nya. Halatang nanggigigil na ewan eh. I just shrugged, "Ano ba dapat kong sabihin? Ah tagalog dapat." Ngumisi ako, "Say, kan---" "Aaaah! Shut up!" Putol nya sa sasabihin ko dapat kaya tumawa ako, nakatakip pa yung kamay nya sa magkabilang tenga nya. Praning nanaman si loko. Baka mapikon nanaman sya, kaya imbes na asarin sya lalo eh bahagya akong tumingkayad tsaka sya inakbayan, nakayuko tuloy sya ng konti habang nakahalukipkip ang mga braso. Inayos ko yung facemask nya. Nasa tagong parte kami ng amusement park eh, yung wala talagang dumadaang tao. "Gutom ka na ba?" Ngumuso sya, "Medyo." "Gusto mo na bang kumain?" "Okay lang kahit hindi pa." "Sige, anong ride nalang ang gusto mong sakyan?" Pag-iiba ko ng tanong na naging dahilan ng pagsimangot nya. "Ayoko na. Nahihilo pa ko. Okay na sakin yung naglaro tayo sa mga games-games." Sabay nguso. Tae yun lang yon? Tatlong ride lang? Dapat pala sa perya ko nalang dinala tong lalakeng toh eh. May pa-special-special date pa ko ampota tapos hindi naman pala kami magtatagal dito? Korni. Mag-a-alas singko palang naman eh. Umayos sya ng tayo nang may lumapit sa aming isang staff, iniabot nya yung dalawang kopya ng picture namin. Mainit-init pa, kalalabas lang ng printer. "Thank you!" Ngiting-ngiting sabi nya sa staff bago sinilip yung picture namen, doon napawi yung ngiti nya, "Tignan mo oh! Ang panget ko tuloy!" Turo nya doon sa kuha nyang nakanganga habang ako naman ay nakangiti. "Nahiya naman yung mga tunay na panget sayo. Tss." Ngumiwi lang sya. "Ma'am, kukunin ko po yung address nyo para alam namin kung saan ide-deliver yung mga bear." Pukaw saken nung staff. Kinuha ko yung iniabot nyang notepad saken at isinulat doon yung address ng bahay ko pati nung pangalan ko tsaka ko ibinalik sa kanya yung notepad. "Sige po. Tatawagan nalang po namin kayo bukas para sa delivery ng eighteen pieces na large sized teddy bears." Anya bago nakangiting umalis. Yeah. Tulad nga ng sabi ko kanina ay kinuha ko isa-isa yung malalaking bear sa bawat booth na meron sila para sa kanya, instant sikat tuloy ako sa park nila. Pinicturan pa nila ako kasama yung mga prizes, hindi kasama si Eren kasi baka may makapansin sa kanya, ipapatarpaulin daw ng owner para i-display sa entrance. Angas diba? Well, ano pa nga bang aasahan nya saken. Tsk! Pasalamat sya at ako ang napangasawa nya, di sya luge. Ako tong egul sa kanya. Nilingon ko tong sira ulong toh na kasalukuyang pinakakatitigan yung picture na hawak nya. Parang tanga nanamang nakanguso habang naniningkit yung mata na nakatitig doon, sira ulo lang. Tumabingi yung ulo ko. Kingina, bakit ba ko pumayag na i-date toh? Punyeta talaga. Nasisiraan na yata ako ng bait tsk tsk. Naramdaman ko yung pag-vibrate ng phone sa loob ng sling bag ko kaya kinuha ko iyon at agad na sinagot. "Oh? Sino ka?" "It's me, the one and only handsome Theodore Scott." I grimaced, "The f**k, Theo?" I heard his chuckle on the other line, parang gagong tuwang-tuwa sa kung anong bagay. "JR, JR, JR." Sabay palatak, "I thought black is your favorite color?" "Oh tapos?" "Hindi namin alam na may dollhouse ka pala." Napa-irap ako, "Dami mong dada, tapos na ba yung iniutos ko sayo?" I said, definitely ignoring him. "Yup. I did as what you've told me, I personally delivered your dinner and of course, the setting has been prepared by Vasselisa, yours truly." "Sige, papunta na kami dyan." Matapos patayin yung tawag eh hinatak ko na agad si Eren. "Aalis na tayo?" He asked confusely so I answered with a nod, "Saan na tayo pupunta?" "Just... somewhere..." "Somewhere...?" "...down the road." Dugtong ko tsaka sya nginisihan. Ayon, simangot nanaman si gago. It's been six year since the last time that I've like someone. Hindi naman masamang sumubok ulit diba? Or maybe... I've already tried liking him, I'm just too f*****g dense to notice. (Charlotte's POV) "WHAT THE f**k CHARLOTTE MIKUZUKI!? WHY AM I NOT f*****g INFORMED!?" I pursed my lips after hearing Vero's banshee like scream on the other line of the phone. Abnormal talaga tong babaeng toh. "Secret nga daw eh." Kumuha ako ng de lata sa estante tsaka inilagay sa grocery cart ko bago muling itinulak, "Tsaka kailan nga lang din namin nalaman ni Morgan eh." "WHAT!? SO MORGAN KNOWS IT TOO!?" Putangina, dito ako kay Veronica mabibingi eh. Okay, chinikahan nanaman malamang ni Theo si Vero about sa bahay ni JR na daig pa ang dollhouse sa pagka-pink. Kaya ayan, naghihimagsik nanaman yung kalooban ng gaga lalo na't nalaman nya din na may progress na sa relasyon ng mag-asawa. Buset. Nag-date pala yung dalawa, hindi man lang ako ininform. Ano ako? Others? Gago. Kanina ko pa pinapakinggan yung mga sentimyento nya kesyo bakit daw hindi nya alam pero kami alam namin blah blah blah in-unfriend na daw ba namin sya kaya di na daw sya kasama sa mga secret-secret na yan. Timang talaga. Pero syempre kung may pinanggigigilan man ako eh walang iba kundi si Eren at JR, pota biruin mo yon? Anim na taon na silang nagtataguan ng feelings!? Pota ano toh? #HideAndSeekWithFeelings!? Oo, nyeta ang korni ko pero gago nakakainis lang kasi. Move on-move on din pag may time. Single kasi ako, okay? Ay nyeta ewan. Ang hirap talaga kapag magti-trenta ka na pero wala ka pa ring boyfriend, punyeta lang talaga wala pa akong experience sa kama. Napag-iiwanan na ko ng mga tropa kong malalande. Bumuntong hininga nalang ako habang patuloy na nagtitingin-tingin sa estante. Ako pinagrocery ni mama eh, gg nanaman sya kasi walang signal wifi sa bahay namen, walang kwenta yung wifi mabagal pa sa pagong hindi sya makapanood ng k-drama. "f**k, sorry." Hingi ko ng tawad nang may mabunggo yung cart ko yung tao sa harap. Tinulungan ko syang damputin yung mga nahulog na bitbit nya kanina. Taena kasi ang daldal ko sa isip ko. "Pasensya na miss." "Charlotte?" Ramdam kong nabato ako sa pwesto ko matapos marinig yung pamilyar na boses na yon. Gagi kinilabutan ako. Dahan-dahan akong tumayo habang lumulunok bago nilingon yung nabangga ko. A familiar woman wearing a black skimpy halter dress that fits perfectly on her curves, that signature blonde curly hair, black heels and that seductive face. Damn, this is fuckin awkward. "Oh my gosh! It's you nga!" Sabay yakap ng mahigpit saken, "It's been years na since the last time we've seen each other! Gosh! I miss you very much!" She said in a british accent. Nag-iwas ako ng tingin, "Ah he he he... Oo nga eh." Shet. JR's bride is back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD