Chapter 8

4861 Words
Chapter 8 (Eren's POV) I can't help but to groan in pain and pleasure when she kept on biting my lower lip. Her right hand caressing my cheeks and jaw while the other one is on my nape, pulling my head to deepen the kiss. Son of a tofu, this is bad. I'm kissing her and I know that this is really bad. Kumuyom yung mga kamao kong nakapatong sa tuhod nya kasabay ng pag-awang ng labi ko, I don't know what happened but the next thing I knew is that she's already sucking my tongue. "Hmn..." She bit and suck it alternately, making me whimper in both pain and pleasure. Masakit pero ayokong tumigil. She opened her legs before moving upwards me, dahan-dahan nya kong tinulak pahiga mula sa pagkakaluhod ng hindi pinuputol yung halik namin. I was dumbfounded when I felt her weight on top of my body, she's already sitting on my stomach. Napahawak tuloy ako ng mahigpit sa magkabilang bewang nya and I'm shocked when her kisses trailed from my lips, then to my cheeks, then she went on my neck. Mariin akong napapikit nang maramdaman yung kirot ng pagkagat nya doon, it will surely leave a mark. Funny, she'll surely leave plenty of kissmarks because I felt more than one painful bite on my neck, sometimes she's sucking my skin that will definitely leave a temporary mark. "J-jhayrein..." I uttered. Ramdam kong napangisi sya habang gumapang ang mga palad nya para hawakan ang magkabilang pisngi ko bago lumayo para tignan ako. My face automatically turned red because of the smirk on her lips. "Say that again." The sound of authority is in her voice. "A-ang alin?" "My name." She leaned again before placing her forehead into mine, pati tungki ng ilong namin ay nagkadikit, halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, "Say my name again, babe." She whispered under her ragged breathing. Lumunok-lunok muna ako bago nagsalita, "Jhayrein." Muling umangat yung sulok ng mga labi nya tsaka ako masuyong hinalik-halikan sa pisngi. "Goodboy." I gasped when she kissed me again senselessly. Biting, sucking and licking my lips hungrily as if she's craving for more, looking for more...wanting to do more. Wala naman akong magawa kundi ang gumanti. As if my body has its own mind, I can't stop myself from kissing her. I'm also hungry for her kisses, her aggresive kisses that I've never tasted before. For six freakin years, We've never done this before at alam kong hindi kami matitigil basta kung nagawa man namin. Her kisses went on my neck again, this time she's licking my neck nonstop. Nakaramdam ako ng kakaibang init. Sobrang init. Hindi yung init na kayang pawalain ng simpleng pagpaypay eh. It's something warm that flows inside my body and I don't have any idea on how to release it. I don't know if cold shower can ease this ecstastic feeling. "So bakit dyan kayo sa ring naglalaplapan, ate JR?" "French kiss tawag dyan, Salazar." Sa gulat ko matapos marinig yung boses na yon mula sa pinto ay napabitaw ako sa kanya pero hindi nya ko pinakawalan. Bumalik sya sa labi ko at mas pinalalim pa nya yung halik habang sapo-sapo ang mga pisngi ko, her tongue exploring inside my mouth gave me a tingling sensation all over my body. Napa-tapik tuloy ako sa sahig ng ring ng wala sa oras, tila isang wrestler na sumusuko na sa kalaban. She kissed me hard one more time for about fifteen seconds before she finally released me. Tokwa talaga. Habang ako, hingal na hingal na nakatitig sa kanya at ang mga kamay ay bagsak na sa kinahihigaan ko. Sya naman ay prenteng nakaupo pa rin sa tyan ko habang nakapameywang, halatang iritado sa pagdating nung dalawa. Tokwa, literal na mukha akong pinatumba ng isang wrestler at syempre, sya yung wrestler. No sweat, samantalang ako, pawis na pawis na, mainit-init pa. "Hindi kayo naturuan ng mama nyong kumatok?" Sarkastiko nyang anya kaya napalingon na din ako sa dalawa. It's her 17-year old cousin, Salazar Trias XII together with Morgan's 17-year old brother, Linus Verdan. Pareho silang nakahalumbaba sa tali ng ring. Jusko. *BLUSH* Nakakahiya. Nakita nila! Huhu. Tumabingi yung ulo ni Salazar, "Naturuan." "Ako din, naturuan." Taas kamay namang saad ni Linus. "Oh bakit hindi kayo kumatok?" "Open kasi yung door. So bakit pa kame kakatok?" Salazar "May point sya." Linus "Gago tong mga toh ah, pilosopo amputa." Bulong ni JR kaya mahina ko syang tinapik sa bewang kaya inis nya kong nilingon na naging pag-igtad ko naman. She's shooting death glares directly on me. "W-wag kang magmura sa harap ng mga bata." "Bata, bata, kingina." Her lips turned into a thin line, "Pwede na ngang makabuntis yan---bata!?" Napahilamos nalang ako sa mukha ko habang nakahiga pa din. Wala talagang preno yung bibig. Bubulong-bulong pa din syang tumayo mula sa pagkakaupo sa tyan ko bago nya ko tinulungang makatayo din. I hid myself behind her as I cover my reddish face, kahit na mas matangkad ako sa kanya. This is really embarrasing. "Anong ginagawa nyo dito?" Luminga-linga sya, "Sinong kasama nyo?" "Si ate Monique tsaka ate Angeline, nag-re-ready pa sila ng snacks sa kitchen." Salazar "Magte-training kaming apat, boxing daw." Linus "Tss. Goodluck." Anya bago ako nilingon, "Tara na." Nahigit ko yung hininga ko ng hawakan nya bigla yung kamay ko at madaling hinila habang naglalakad. *BLUSH* Hinawakan nanaman nya ako. Hinawakan nya nanaman. Yung kamay ko hawak nya. Tokwaaa! "Huy, bakit ikaw yung nasa ibabaw kanina? Si kuya sa ilalim?" Salubong ni Salazar pagkababa namin sa boxing ring na nagpamula saken. Hindi pa nakuntento kasi sumunod pa silang dalawa samin, "Oo nga, diba dapat si kuya Eren? Sya lalake eh." Linus Okay! (>.///<) Anong pinagsasabi nyang sya ang top at ako ang bottom!? Pamilyar saken yung terms pero hindi ko magets! Siguradong may kinalaman yon sa kung anong kahalayan iyon! Nagpatianod nalang ako ulit sa hila ni JR. Nakasalubong namin si Angeline at Monique. Yung ate nung dalawa. Pareho silang may hawak na tupperware. Lumapit samin si Angeline. "Oh, sabi ko na nga ba at si ate JR yung nandito eh." Kinawayan nya ko, "Hi kuya!" Nginitian ko sya at kinawayan pabalik, ganon din kay Monique. Medyo close kami, nagkakilala kami six years ago noong 'emergency wedding' namin ni JR. Actually, kilala ko lahat ng mga kamag-anak nya. Pinalabas nalang namin ni JR na secret wedding ang naganap kaya hindi dapat lumabas sa publiko. "E-eh?" Saad ko nang tapikin ni JR yung kamay kong kumakaway, "B-bakit?" Hindi naman nya ko pinansin, "Aalis na kame." "Ay bakit naman? Ambilis naman, ate." "Oo nga." Dagdag ko. "Basta. Alis na kame." Pang-i-ignora nya ulit saken kaya nangiwi ako. Hindi na ko pinapansin. Nag-iwan pa sya ng iilang bilin sa mga ito bago ako muling hinila palabas. Grabe, ni hindi man lang kami tumagal ng isang oras sa loob? Akala ko ba workout? Warm up lang nagawa ko eh. Ni hindi man lang ako nakapag-jumping jacks, o di kaya nama'y push ups. "Oh, sambakol nanaman yung mukha mo." Puna nya nang makaupo na kami sa sasakyan nya, "Galit ka?" "Uy hindi ah, nanghihinayang lang ako." "Bakit naman?" "Hindi man lang tayo nakapag-exercise ng maayos. Maganda yung place nyo, bago sa paningin ko." Umiling lang sya habang ini-istart ang sasakyan nya. Ang dami kasi nilang equipments doon, para ka na ding nasa gym tapos ang laki pa ng place, nakakamangha din na may boxing ring doon, paniguradong nakikipag-sparring si JR doon ng boxing. Tumabingi yung ulo ko habang iniimagine si JR na nakikipagpalitan ng suntok habang may boxing gloves. Sweat are dripping all over her face down to her body, grinning devilishly while beating her opponent with pride. *GULP* I shook my head to remove that thought. Kaya ako nananaginip ng kung ano-ano eh. I should stop thinking things like this. Nakanguso ko nalang na inabot yung plastic ng mga lollipop nya at naghanap ng pink. Hindi ko masyadong na-enjoy yun eh, kinain nya kasi kahapon. Strawberry pa man din. "Nag-exercise tayo." "Huh?" Kumunot yung noo ko. Parang hindi naman. Tinuro nya yung labi nya bago tumaas yung sulok non, "Eto." "A-ano yan?" Maang-maangan ko. "Anak ka ng teteng, nakalimutan mo na agad?" She frowned, "Tumagal yung french kiss natin ng mahigit sampung minuto tapos kinalimutan mo lang agad? Hanep." "JR!" I shrieked while my eyes are widening. This shameless woman! Saying anything she wants without considering my innocent ears! "Hindi exercise yon!" "Exercise yon." "Hindi nga! Ni hindi nga ako pinawisan eh!" Natawa sya, "Grabe ka, bakit parang napakadali lang sayo na kalimutan yung nangyare? Tsaka anong di pinawisan? Pagkadampi pa nga lang ng nguso ko sayo butil-butil na agad pawis mo!" "Aaaah! Tokwa ka! Tama na nga!" Sinapo ko yung pisngi kong namumula, "A-akala mo naman talaga... Nakuuu!" "Bakit? Totoo naman ah? Halos umusok ka na nga sa ilalim ko." Umiling-iling sya na para bang nadismaya, "Ang effort ko pa namang higup-higupin yung dila mo, muntik ko na ngang maabot yung ngala-ngala mo tapos, ganon lang? Ganon nalang yon?" Uminit lalo yung mga pisngi ko, "Ano ba! Tumigil ka nga! H-hindi nga sabi exercise yon!" Alam ko kung ano yung tinutukoy nya! "Exercise nga yon, oy." Para syang gangster na dumila sa pagitan ng naka-peacesign nyang daliri, "Tongue exercise ang tawag don." "Tokwa mo!" Bato ko ng lollipop sa kanya na nasalo naman nya, tapos tsaka nya ko tinawanan bago binalik yon saken. Nakakainis! Ang lakas talagang mang-asar! Bumalik nanaman tuloy sa isipan ko yung ginawa nya sa dila at labi ko. Aaaaah! Nakakahiya! She made me surrendered under her spell by licking and sucking my lips and tongue and now she's shamelessly boasting it to me! I don't want to remember that scene! "Eto naman. Di talaga mabiro. Stop sulking, babe." Ayan nanaman sya sa mga pa-babe-babe nya! Di nakakatuwa! Di nya ko babae kaya wag nya kong tawaging babe! "I'm not sulking." Pagtanggi ko na totoo naman, "And don't call me babe." "Aww~ My husband is sulking." Nagdulot ng kung anong kiliti sa sistema ko nang tawagin nya kong 'My husband'. *GULP* Bumibilis nanaman yung t***k ng puso ko. Aaaah! Ano nanaman!? Bat nanaman ako kinakabahan!? "Hindi nga." Binalatan ko yung lollipop at isinubo, pampakalma ng konti sa puso ko. "Eh bakit nga, babe?" Sinamaan ko sya ng tingin, "Stop it. Don't call me that." "Why not, BABE?" Bakas yung pang-aasar sa tono nya kaya mas lalo akong naasar. Kainis. "Basta." "Ano nga?" "Basta nga." "Dali na," Ngumisi nanaman sya, "BABE." I crossed my arms while looking outside on the window beside me. "Tinatawag mo sa mga kabit mo yan tapos itatawag mo din sakin?" I glanced at her for a second. Her eyes flickered with amusement pero hindi non naalis yung inis ko kaya binalik ko nalang yung tingin ko sa bintana. Ewan, basta naiinis ako. Ramdam kong hininto nya yung sasakyan sa gilid pero hindi ako gumalaw. "Whoa, you mad at me, dude?" I scoffed, "Hindi ako galit. Naiinis lang ako sayo, hindi ako babae mo para tawagin mo kong babe, JR." Dinig ko kung ilang beses nanaman syang pumalatak at alam kong nasundan yon ng pag-iling. Ngumiwi nalang ako nang masundam iyon ng katahimikan. I'm not sulking, but I feel awful right now. I was still looking outside when she suddenly pulled the lollipop out from my mouth, sa gulat ko ay napalingon ako sa kanya kung saan ibang bagay ang sumalubong saken. Tokwa. She surprised me with a kiss...again. "Does calling you 'babi' would be fine?" She mumbled. "..." She shrugged, "Silence means yes." Anya sabay balik sa upuan nya. As usual, she gave me an evil grin before putting the lollipop inside her mouth and started the engine. Ako naman ay hinawakan ko ulit yung magkabila kong pisngi. *BLUSH* Sandali lang yon. It's just a smack but it gave me a hundred of sparks inside my body and that sole kiss made me stiff on my seat, eyes still locked on her. Ang init-init tuloy ng pisngi ko! Ang init-init! Bakit ba kasi halik sya ng halik!? Nakakahiligan na nya yan ah! Hindi na nakakatuwa! Pero kung iisipin naman eh ginusto ko din yun, kaso bakit? Bakit ako pumayag? Hindi ako nag-iinarte na parang babae! Ayos lang naman saken pero g-grabe kasi, iba yung impact kapag sya yung dumidikit sa labi ko. Parang... parang may hinahanap pa ko. Parang kulang. *BLUSH* I want more than just a kiss. (Third Person's POV) "EREN! Ano yang mga markang yan!?" Yan yung bungad ng tatang matapos nitong pumasok sa dressing room na pinagbibihisan ni Eren. Kasunod neto si July na bitbit yung malaking make-up kit. Nagugulat namang napalingon si Eren sa dalawa, saktong kakasuot nya lang ng T-shirt nya. "Ayan! Yan! Ayan pa! Umph!" "A-ano ba, tatang! Hahahaha! N-nakikiliti ako!" Anya ni Eren habang umaatras at tinatakpan ng palad ang leeg, sinundot-sundot kasi ng manager nya yung leeg nya, eh etong pabebe nating leading man eh malakas ang kiliti kaya ayun, atras-atras konte kasi para na syang bulateng nagkikisay. "Aba't lalo kang umarte ah! Kung kailan ka tumatanda tsaka ka naman nag-iinarte!" "Eh sa nakikiliti po talaga ako eh!" Iwas nya nang sundutin sya ulit neto. "Sa sundot ko nakikiliti ka pero sa nagmarka sayo nyan hinde!?" "Hala, grabe sya..." Komento nya habang nakanguso. Lalong nainis si tatang at sunod-sunod naman syang hinampas sa balikat ng bitbit nitong dyaryo. Nangingiti lang si July sa kanila habang nakikinig at inaayos ang mga make up brushes nya sa mesa. "Sira ulo! Saan ba galing yang mga yan!? Ang dami-dami! Kitang-kita pa man din dahil naka-v neck na shirt ka!" He frowned, "Ano po ba kasing marka yung sinasabi mo?" "Ayan! Ayan saan galing yan!? Bakit ang dami-dami!?" Dala ng kuryusidad ay agad syang lumapit sa malaking salamin para tignan. Sabay na nanlaki yung mata nya at butas ng ilong nya, tapos ay otomatikong nag-init yung mukha nya. 'Yung mga kagat ni JR!' Sigaw nya sa isip nya. He bit his lip out of embarrassment while looking at those plenty of red kissmarks on his neck. Pulang-pula iyon at pupusta sya na magiging kulay ube na iyon mamaya. Hindi nya iyon napansin kaninang tanghali nang umuwi sya mula sa pinanggalingan nila ni JR kanina, paano ba kasi nya mapapansin iyon eh lutang sya? Paulit-ulit na nagri-replay sa utak nya yung kissing scene nila ni JR, yung tipong kumakain sya ng tanghalian pero nahuhulog pa yung laman ng kutsara nya sa pinggan dala ng sobrang kalutangan. Buti nalang talaga at hinatid lang sya neto pabalik sa condo bago walang sali-salitang umalis, kung nagtagal pa ang babaeng yon sa unit nya ay paniguradong lalagnatin na sya sa sobrang init. Hinaplos nya iyon isa-isa. Alam nyang aabutin ng ilang araw bago tuluyang mawala iyon at bumalik sa normal na kulay, maputi pa naman sya kaya talagang litaw na litaw yung mga markang iyon. "Ano na!?" Sunod-sunod syang napalunok tsaka alanganing ngumiti, "A-ano... K-kagat lang ng l-lamok toh." Umusok ang ilong ng matandang binata at ngali-ngaling hinampas sya ulit. "Lamok!? Lamok lang yan!?" Sigaw ng tatang nya na naging dahilan ng pag-igtad at pagpikit nya, "Ano yan!? Pinutakte ka ng lamok!? GAANO KALAKI YUNG LAMOK!?" "M-maliit lang! Yung ano, regular sized na lamok." "Ang galing nating manggago ah! Yan ba tinuturo sayo nong babaeng yon!?" Tukoy neto kay JR, gigil na gigil sya dito eh, "Kung ordinaryong lamok yan edi sana kalat yan! Tsaka bakit di nagpantal!?" "Eh b-bagong breed yung lamok, nagkukumpulan sila sa iba't ibang parte bago mangagat kaya... ayon... hindi namamantal kasi ano... ahm..." Nilaro nya ang mga daliri nya habang nakayuko, "B-basta! Bakit ba ayaw nyong maniwala na kagat ng lamok yan? Totoo naman kasi yung sinasabi ko!" Masama ang tingin na inambaan sya ni tatang para hampasin ulit pero hindi naman natuloy. Nakukunsumi lang sya netong sinermonan ng sinermonan, pameryenda neto sa kanya. Napanguso nalang si Eren habang si July naman eh tawa ng tawa habang pumi-pwesto sa harap nya para umpisahan syang make-upan. Alangan namang sabihin nyang si JR ang may gawa? Baka di sya paniwalaan, alam kasi ng mga ito kung gaano kababaera ang asawa nya, isang daang porsyentong sigurado ang mga ito na hinding-hindi gagawin ni JR sa kanya iyon. Well, nagawa na. "Wag ka ng mag-alala tatang, konting concealer lang katapat neto." Pangungumbinse ni July habang pinapahiran ng concealer ang leeg ni Eren, "Fafs, diretso lang ang tingin tas wag malikot, okie?" Eren just nodded, nakangiti sya, pigil na pigil yung tawa nya kasi nakikiliti sa kada dampi ng brush sa leeg nya. Pasinghal naman na bumuga si tatang ng hangin, "Bilisan nyo na dyan! Ten minutes nalang at mag-uumpisa na yung show! At ikaw Eren," Tumuro sya, "Ayusin mo yung isasagot mo sa host, sakyan mo lang yung mga tanong nya, hangga't maaari eh oo ka lang ng oo, maliwanag ba?" "O-okay." Sagot nya kahit naguguluhan sya sa instructions neto. "Sige. Hoy July! Bilisan mo na yan!" Utos nya sa bakla. "Oo na! Eto talagang si tatang---ay! Ouch hah!" Hinimas nya ang ulong nahampas ng nakarolyong dyaryo bago tuluyang nakalabas ang tatang. "Ang sungit-sungit! No wonder talaga at walang pumatol dyan ke tatang noong kabataan nya! Kaloka." He's chuckling because of July's sentiments. Ganito na talaga ito sa tuwing binubusog sila ni tatang ng sermon. Ugali kasi talaga netong magreklamo kung kailan nakatalikod o naka-alis na ang manager nya. Tila maamong tupa naman kapag magkaharap na ulit sila. Hindi na natigil yung pagtawa-tawa nya, pano kase eh napapa-igtad sya sa tuwing bine-blend na ni July yung concealer sa nasa leeg nya para takpan yung kiss marks nya. "Ano ba yan fafs? Wag ka naman masyadong malikot!" Saway eto sa kanya pero lalo syang natawa, "Huy! Talande ah? Isa pang likot kukurutin ko na yang singit mo!" "Teka lang kasi---hahaha!" Tawa nya ng muling dumampi yung brush pero natigil din nang kurutin sya neto sa braso---buti hindi sa singit. Umayos naman na sya. Tinikom nyang maigi yung bibig nya para pigilan yung tawa nya dahil ilang minuto nalang at magsisimula na sila. "So... anong breed ng lamok yung kumagat sayo fafs?" Umirap lang si Eren, "Basta." "Grabe, ang taray natin today ah? May pa-irap na nagaganap." Bumuntong hininga lang si Eren na ikinangisi lang ni July. "Jhayreinsis Arrianesis ba yung breed na toh? Nakatirintas ba yung hair ng lamok? Ay nako, sundalo siguro yung lamok, ano? Palaban siguro yung lamok kaya anlalaki ng marka mo, di ka nakapalag sa 'regular sized' na lamok." "Shut up, July." "Nakakaloka yang lamok na yan ah. Sabihin mo nga next time wag naman tadtarin sa leeg, pwede naman sa dibdib sumipsip eh---" "JULY!" Malalaki ang mga matang saway nya, nagsimula nanamang mamula yung mukha nya, "Manahimik ka nga dyan!" "Bakit? Para nagtatanong lang eh." "Wag ka ng magtanong kasi!" "Asus! Wag mong sabihing nahihiya ka fafs!? Aba'y mas matanda ka ng ilang taon saken ah! Trenta ka na, nag-iinarte ka pa!?" Lalong namula yung mukha nya, "Ewan ko sayo." Nanulis nanaman yung nguso nya habang masama ang tingin dito, matamis lang syang ginantihan ng ngiti ni July bago tinapos ang ginagawa. Panay ang daldal neto sa kanya pero di naman sya masyadong nakikinig. Sabaw nanaman kasi sya, magsisimula na kasi yung show kaso di pa dumadating si JR. Siguro sumuko na toh agad sa pagiging bodyguard nya, o baka ayaw syang makita kasi nag-iinarte sya kanina sa sasakyan neto. Hanggang sa tawagin na sila ng staff para lumabas eh si JR pa rin ang nasa isip nya. Sinilip-silip pa nya yung audience, nagbabakasakaling nandoon ang asawa pero wala talaga. Tumugtog na ang music ng naturang show matapos magbigay ng signal ng direktor. Nagsimula ng magsalita ang host, bumati ito sa lahat bago tinawag ang pangalan nya. Muli nalang syang bumuntong hininga bago pinlaster ang pekeng ngiti sa mukha tsaka tuluyang lumabas. *** MALAKAS na tawanan ang sumalubong kay JR matapos nyang makapasok sa studio kung saan kasalukuyang nag-ge-guesting si Eren. Kakamot-kamot ng ulo syang nilibot ang paningin sa paligid, nahinto lang yon nang makita nya ang lalake na naka-suot ng apron habang may hawak na sandok, may isinasalin ito sa isang plato, mukhang katatapos lang magluto. Katabi nito ang host kung saan panaka-naka syang pinupuri at tinatanong habang pinanonood sya sa ginagawa. Napailing sya nang mapagmasdan ang manly na kilos nito, halos lahat ng kababaihan na nasa studio mapa-bata o matanda ay naghuhugis puso ang mga mata. Gusto nyang matawa dahil mayroon pang mga banner at parang ilaw na bitbit ang mga ito. Nangisi sya nang makita ang isang babae na may angat-angat na banner, nang silipin nya ang nakasulat ay lalong lumawak ang ngisi nya. 'MARRY ME, EREN!' Ang nakasulat doon, gusto nyang humalakhak pero di nya magawa, siguradong pagtitinginan sya kung gagawin nya yon. "Mga mahihinang nilalang." Bulong nya sa sarili nya bago napapailing na nagpatuloy sa paglalakad sa likod ng upuan ng mga audience. Nasa loob ng bulsa ng jeans nya yung mga kamay nya. Saktong namataan nya si July na nakatayo sa tabi ng manager ni Eren, agad syang tumabi dito kaya nakuha nya ang atensyon ng bakla. Nagtaka sya ng pasadahan sya neto ng tingin mula ulo hanggang bago ngumisi. "Atlast, Nandito na din sa wakas ang lamok." She c****d an eyebrow, "May sinasabi ka?" Inosente kunwari syang umiling, "Waley namern." Anya sabay sipol na parang wala lang. Her lips turned into a thin line before looking at her husband's direction. Nagtanggal na ito ng apron at nakikipag-kwentuhan nalang sa host habang kumakain kaya binaling nya ang mga mata sa kausap neto. Wala syang nakikitang tattoo sa leeg neto, mukhang bakla kaya imposibleng mambabae toh, medyo maliit din ang height kumpara sa taong hinahanap nya. Kung titignan din ang kilos neto eh parang imposibleng maging sindikato toh, tindig palang baluktot na eh. "So, Eren, dahil meron kang upcoming movie na talaga namang inaabangan ng lahat, marami ang gustong makiususyo sa current status ng buhay mo lalo na't kagagaling mo lang sa isang maselang isyu, so we picked some random questions from your fans, ayos lang ba sayo?" Tanong ng host na pumipilantik pa ang kamay na ikinangiwi ni JR. Kumpirmado, baluktot. Tilang may buzzer na lumitaw sa tuktok ng ulo ng host at nag-ekis sign iyon. "Ekis ka saken." Saad ni JR. Hindi ito ang hinahanap nya. "Ah, sure sure. Walang problema." Ngiting sagot neto. Impit na nagtilian ang mga fans kaya sinaway sila ng ilang production staffs na nasa gilid para manahimik. Prente naman si JR na nakatayo habang nanonood. "Okay, first question..." Humikab si JR at nawala ang focus sa pinapanood. Medyo inaantok sya, puyat kasi sya kagabi kakapanood ng mga pelikula ni Eren, nakaka-limang movies palang sya, aba'y malay ba nyang may movies ang lalakeng yon na inaabot ng dalawang oras!? Akala nya one hour-onehour lang eh, ayon inabot na sya ng madaling araw. Isang dahilan pa kung bakit nalate sya ng dating ngayon sa set ay dahil nakatulog sya sa bathtub. Matapos nyang ihatid si Eren noong kinatanghalian ay dumiretso sya sa bahay na pinatayo nya three years ago kung saan tinakbo nya agad ang banyo pagkababa palang ng jeep nya. Tanging sapatos lang ang hinubad nya matapos non ay sumalampak agad sya sa tub tsaka binuksan gripo para punuin ng malamig na tubig yon. Nasisiraan na talaga sya ng bait. Hindi na maalis sa isip nya yung kagagahang ginawa nya sa ring pati na din yung mga pinagsasabi nya habang nasa jeep nya na silang dalawa. Panay ang untog nya ng sarili nya sa manibela habang nagmamaneho, paanong hindi? Eh paulit-ulit na nagpe-play sa utak nya yung paghalik nya dito? Pakiramdam nya ay sasabog na yung utak nya, nababaliw na nga talaga sya dahil kapag silang dalawa nalang ni Eren ang magkasama ay para bang gusto nyang lamukusin ito ng buo. Literal na nanggigigil sya dito. Alam naman nya kung anong ibig sabihin non eh. Nag-iinit sya, walang duda, normal sa kanya ang makaramdam ng ganon pero ang hindi normal ay yung kay Eren nya nararamdaman yon! Lesbian sya, diba? Nagtataka sya dahil hindi naman babae si Eren pero para itong magnet at ina-attract sya, o hindi naman kaya... Napahawak sya sa dibdib katapat ng puso, "Bakla kaya sya?" Anya pero agad na umiling. Imposibleng maging bakla si Eren dahil kilalang-kilala na nya ito. May pagka-childish at malambot, clumsy din minsan, madaling matakot at sensitive pero kahit ganon ay alam nyang hindi ito bakla. 'Pero bakit...?' Nangiwi sya sa tanong nyang yon sa sarili. Nagmo-monologue sya eh. "Okay, last question na." Nangingiting sinilip ng host ang hawak na cue card bago nagsalita, "What can you say about your first ever loveteam?" Tila nagpantig yung dalawa nyang tenga at automatikong nangunot ang noo habang nakatitig sa host at kay Eren. "Loveteam?" Bulong nya. Ngumiti naman si Eren sa host na ikinasingkit ng mata ni JR. "Actually, I don't know what to say." Pag-amin nya na tila nahihiya na ikinahagikgikan ng ilang manonood. Iritableng nilingon ni JR ang mga manonood bago binalik ang tingin sa asawa. "Why naman?" Nakangusong tanong ng host, "Hashtag Team YvEn is currently rocking the Twitter platform since yesterday until now, nag-trending kayo worldwide for having a good chemistry on and off cam. What are your reactions?" "I was shock, of course. Hindi ko talaga in-expect yon since I have a lot of issues with women, but when I saw that I'm trending on twitter together with my leading lady I was like, wow. How did that happen?" He chuckled, "I mean, paano nangyareng may bumagay saken? Eversince I started in the entertainment industry, wala ni isang ipinares saken na talaga namang nag-click so I was really shock that the fans liked Yvette to be paired for me." "Yvette, huh?" Anya ni JR habang nakangiwi. "How's work with Yvette Mariano? Maraming nagsasabi na natural humble daw ang ating young actress off cam, is it true?" "Yes. It's true." Mabilis netong sagot na ikinasama ng tingin ni JR sa kanya kahit di naman nya nakikita, "Yvette is great. She's nice and kind, passionate din sya sa work and very professional. She has this pleasing personality that everyone loves, approachable din sya at humble. Everyone on our set loves her." "Aww. That's so sweet of you, Eren! How about you? Do you like her too?" Tanong neto na ikinahiyaw ng mga nanonood. Pigil na pigil ang tili ng iba dahil sa saway ng mga staffs pero maski ang mga ito ay nangingiti. "Akala ko ba last question na?" Natatawang tanong ni Eren habang namumula ang pisngi. "Oo nga, pero yung follow up questions marami pa." Anya na kinatawa ng lahat, "So ano nga? Do you like her ba?" He pressed his lips, trying to suppress a smile, "As a co-worker, yes." "Eh as a lover?" Natahimik ang audience nang nakangiti lang na tumitig si Eren sa host. Tila makapigil hininga ang susunod na eksena dahil halos lahat ay naghihintay ng sagot sa aktor samantalang lalong lumalim yung gatla sa nakakunot na noo ni JR. Hindi na maipinta yung mukha nya sa sobrang pagkakalukot, natatawa nalang si July habang pasimpleng tinitignan ang reaksyon ni JR na nasa tabi nya. Parang magliliyab ang mga mata nitong nanonood sa aktor. "Hmn..." "Ano na? May chance ba!? Sagot na! Kinakabahan kame!" Muling umalingawngaw ang tawanan ng audience dahil sa host. Sumingkit ng husto yung malapusang mga mata ni JR, naka-ekis na ang mga braso sa ibaba ng dibdib habang tumatapik ang paa sa sahig. Hinihintay din ang sagot ng asawa. Ilang saglit pa ay ngumiti ito ng pagkatamis-tamis at ang kakaibang kislap ng tuwa sa mga mata neto na ngayon nya lang nakita sa ilang taong pagkakakilala nila. "Why not?" Doon natigil ang pagtapik ng paa nya sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD