The Superstar

880 Words
Prologue Sabi nila ang pag-aasawa ay hindi daw pwedeng ihalintulad sa isang kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay pwede mong iluwa. Alam ko naman yon, nauunawaan ko! Sa totoo lang kung pwede ko lang isuka tong kasal-kasal na toh ginawa ko na! "A-ah! F-faster! Aaah! I'm c*****g!" Hindi ko ungol yan, at mas lalong hindi yan sa asawa ko. Tila may target sign yung pinto ng kwarto ko nang mamataan ko iyong bahagyang naka-awang! Nirolyo ko yung manggas ng polo ko tsaka padabog na naglakad doon. Oh! Kalma lang, hindi ako makikipag-away, hindi ako pwedeng makipagbakbakan dahil puhunan ko yung mukha ko, palalayasin ko lang yung kalaguyo ng asawa ko. OO. May kabet sya, sino? Malay, iba-iba kasi yung kabet nya araw-araw. "You like it? Huh? Like this?" "Ahhh! Yes! Faster! Harder!" Hindi na ako nag-atubiling hampasin yung switch ng ilaw para bumukas iyon. Tumambad saken yung milagrong ginagawa nila sa taas mismo ng kama ko, tumili yung kabit nya habang tumaas naman ang kilay nya. "Anak ka ng..." Inis na sambit nya bago umalis sa ibabaw ng kalaguyo nya kaya pinandilatan ko sya. Binalingan ko yung babae nyang nagtapis ng kumot. Oo. BABAE. Nagdala nanaman ng babae tong asawa ko. "W-who are you!?" Tumili sya nang ibato ko sa mukha nya yung nagkalat nyang damit sa sahig, "Lumayas ka nga sa kama ko babae!" Sabay haklit ko sa kamay nya para mapatayo sya habang bitbit yung nakatapis na kumot sa kanya. "A-ano ba!? Don't touch me!" "Tokwa, akala mo gusto kitang hawakan!?" Kinuha ko yung alcohol spray sa maliit na bed table sa gilid tsaka sya inisprayan kaya nagtititili syang tumakbo palabas. "Wait! Wynona! Hey!" Habol naman netong isa pero hanggang pinto lang sya. "Yan! Layas! Lumayas ka! Sira-ulong tokwa ka!" Sulsol ko. Hinihingal akong naupo sa kama at nag-spray sa sarili kong mga kamay tsaka inisprayan din yung kama. Kadiri. "Anong problema mo tofu boy?" Tofu boy. Psh! Mukhang dito talaga sya dumiretso pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, suot pa kasi nya yung uniporme nya bilang sundalo pwera nalang sa pang-itaas. Sportbra nalang kasi ang suot nya doon. Hindi kami yung tipikal na mag-asawang sweet-sweetan na lalanggamin sa sobrang tamis---maalat ang pagsasama namen. Maalat pa sa asin. Tumayo ako tsaka naglakad sa direksyon nya para tapatan yung masama nyang tingin, "Are you insane? Nagdala ka nanaman ng babae mo sa unit ko!" "Tss. Kalmahin mo yung mga tokwa mo, hindi naman natuloy diba?" "A-anong hindi natuloy? Sira ba ulo mo!?" "Hindi sya nilabasan, okay? Umeksena ka kaya di sya nilabasan. Bitin tuloy, dyahe." Namula yung pisngi ko dahil walang preno nyang sinabi yon habang ang daliri na pinangmilagro nya sa kabit nya ay pinunasan nya gamit ang tissue. Ayan. Napakagaleng nya talaga. Matapos nyang mambabae ano? Parang kasalanan ko pang nabitin sya. "Filter your words!" "Filter?" Natigilan naman sya at dahan-dahan akong hinarap. Lumunok ako nang bigla syang nameywang gamit ang isang kamay at ang isa ay dumako sa ibabang labi nya, bahagyang nilalaro iyon. Para syang lalake kung kumilos, pati pananalita parang lalake din, kaya nakakapagtaka talagang pumayag akong magpakasal sa kanya. "S-sa mga sinasabi mo!" Pumalatak sya, "Para ka talagang babae eh noh?" "Ano!? Hindi ako babae!" "Kaya nga may 'parang'." Namamangha nya akong pinasadahan ng tingin, hawak pa din ang labi na ngayo'y bahagya ng naka-awang na nagbabadyang ngumisi, "Hoy tofu boy, inaakit mo ba ko hah?" Nagugulat ko syang tinitigan bago pinasadahan ko din ng tingin yung sarili ko---nakabukas nga pala yung polo ko. Kagagaling ko lang kasi sa trabaho. "H-hindi!" Tumango-tango sya, hindi naniniwala, "Ayos yan." Sabay kagat sa ibabang labi. Kinabahan ako ng magsimula syang humakbang palapit saken---na naging pag-atras ko naman! "Yan ba yung natututunan mo sa pag-a-artista?" "H-hinde ah!" "Ah, talaga?" Dumagundong lalo yung kaba sa dibdib ko nang tumama ako sa pader, sakto naman ding huminto sya pero ang tingin ay nasa akin. *GULP* Tumabingi yung ulo nya, tila pinag-aaralan yung mukha ko kaya sinubukan kong umalis sa kaliwa pero hinarang nya yung isa nyang braso, sumubok ako sa kanan pero agad ding napalunok nang buong binti nya ang humarang doon! Nakakamangha na naiangat nya yung paa nya sa pader pero bakit nga ba namamangha pa ko? Eh sundalo tong asawa ko, kaya nyang gawin yung mga imposible. Corner ako sa gitna. Nakapamulsa yung isa nyang kamay habang nasa akin ang paningin. Maya-maya'y ngumisi nanaman sya at hinawakan yung ulo ko para bahagya akong mayuko sa kanya. Mas matangkad ako sa kanya pero wala man lang akong magawa para makawala. Nakagat ko yung labi ko sa kaba pero lalo lang sya ngumisi, tila nauubusan ng pasensya. Napapikit nalang ako ng bumaba yung hawak nya sa batok ko at sapilitang niyuko lalo. Malakas talaga sya para sa isang babae. "Dahan-dahan sa mga kilos, Eren." Bulong nya, ramdam ko yung init ng hininga nya sa tenga't leeg ko, "Inaakit mo ko ng hindi sinasadya, hindi mo naman siguro nakakalimutan na mag-asawa tayo diba?" Hindi ko nakakalimutan. Hinding-hindi. Ako? Ako na isang superstar, na si Zerenel Gonzales? Syempre hinde. Malinaw pa sa memorya ko ng ikasal ako kay Jhayrein Arriane Herrera-Gonzales, o mas kilala bilang JR. Ang asawa kong sundalo na mas lalake pa saken kung makapambabae. Sa tingin nyo---makakalimutan ko ba na asawa ko tong babaeng toh!? IMPOSIBLE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD