Chapter 25

3873 Words
Chapter 25 (Eren's POV) "Hoy, ano na?" Ilang beses akong napakurap-kurap matapos pumitik ni JR sa harap ko ng ilang beses. Ngingisi-ngisi syang nameywang kaya pasimple kong inilibot yung paningin ko. All eyes are on us. Some of them are dazely staring at us out of shock and confusion, malamang ay nagtataka sa presensya ni JR dahil unang-una ay hindi naman sya artista o kung ano man, meaning wala syang koneksyon sa company gathering na toh. Pangalawa, walang nakakakilala sa kanya dito---bukod sa mga taong nakasama namin sa tanghalian noong nakaraan, pangatlo ay kung bakit nandito ang isang outsider na gaya nya. But even though they are dazed, most of the men here are squinting their eyes while looking directly at her direction. Kitang-kita ko kung paano nilang titigan si JR mula ulo hanggang paa kung saan nagtatagal pa ang titig nila sa mga hita't binti at dibdib nya. I didn't know what to think anymore, sa sobrang inis ko ay ipinulupot ko sa bewang nya yung dalawang braso at siniringan silang lahat ng tingin. Nasatisfy naman ako ng magsi-iwas sila ng tingin palayo samin. "Whoa, easy, bodyguard mo lang ako dito, remember?" "Tsk." Taka nya kong tinignan, "Madaming nakakakita, ma-i-issue ka." "Wala namang bago don." I hissed and glared at her, "Bakit ganyan yung suot mo?" "Baket?" Pinasadahan nya ng tingin yung kabuuan nya, "Pangit ba?" "Hindi." "Hindi naman pala eh." "Pero sana nagsuot ka ng medyo mas mahaba pa dyan, yung mga lagpas sa tuhod na bestida." Pantay na tumaas yung dalawang kilay nya, "Gago ka ba? Wild party tong event na toh tas gusto mo kong magbalot ng katawan?" "I hate the way on how they stare at you." "Wala naman akong pakielam." "Pwes ako meron." Ilang segundo kaming magkatitigan, imbes na kumalma ako eh pakiramdam ko mas nadagdagan yung init ng ulo ko lalo na nang wala sa sarili nyang dinilaan ang ibabang labi nyang namumutok sa pagka-bloody red ang lipstick. "Ah, edi nagpakamanang nalang pala dapat ako?" Sarkastiko nyang anya, "Kahit naman titibo-tibo yung pormahan ko eh hindi naman ako papayag na magmukhang jologs sa event na toh." Mahina akong suminghal dahil sa sobrang inis bago dumikit pa ng husto sa katawan nya. I leaned on her ear and whispered. "You are the sexiest woman in my eyes, Jhayrein. Naaakit mo ko kahit buong katawan mo pa ang nakabalot sa kumot." Malamlam ang matang tinitigan ko sya, "I don't want anyone looking at your sexiness like that. Your body is exclusive only for me." Dinig na dinig ko yung paglunok na ginawa nya, natigil lang ako sa sentimyento ko nang marinig ang host ng event na nag-a-announce na ng mga kung ano-anong mangyayare sa gabing ito. Wala akong marinig na kahit ano sa paligid ko dahil inaagaw ni JR lahat ng senses ko. I held her waist tighter before gently pulling her on one of the chairs behind the crowd. Bumuntong hininga ako hanggang sa maalalayan ko syang maupo. We took a sit on a U shaped sofa like with a rectangular large table on the center while her eyes are roaming around the place, yung mata ko naman ay pumasada sa katawan nya. I never saw her wear that kind of clothing, sure, nakita ko na syang magsuot ng lingerie and that was freakin hot but this out fit of hers? It's burning! That dress is so tight! Mawawala yata ako sa katinuan ko sa tuwing kikilos sya dahil bawat sulok ng hubog ng katawan nya ay sumusunod sa pagkakahapit ng damit nya. Hinilot ko yung sentido ko sa inis. Inis na dala-dala ko maghapon, inis sa mga lalaking lingon ng lingon sa direksyon namin kahit na hindi ko sila lingunin pabalik at inis dahil hindi ko alam kung paano ako magpipigil. She's making me feel so damn h*rny. "Nga pala, san mo iniwan yung kuting?" Dumako sa mukha nya yung tingin ko nang tanungin nya iyon. She's comfortably sitting while her back is resting on the sofa, arms and legs are both crossed and her cat-eyed gaze is on me. "Ibinilin ko kay tatang si baby Tofu." Her forehead frowned, "Sino si Tofu?" "Tokwa ka ah!" Pinandilatan ko sya, "Si Tofu! Baby natin!" "Baby?" Namamangha nya akong tinitigan, "May baby tayo?" "Hoyyy salbahe ka!" "Kingina, inano kita?" Taka nyang anya matapos ko syang hampasin ng pabiro kaya lalo akong sumimangot. "Si Tofu! Our white munchkin kitten! Our baby Tofu!" I said that made her chuckled after hearing that, "Stop chuckling!" "Di ko mapigilan eh." "Kahit na!" "Ang baduy naman kase." "Hoy! Hindi baduy yon!" "Baduy yon." Umismid sya, "Anong klaseng pangalan yung tofu, Eren? Abnormal ka ba?" Hindi makapaniwala syang natawa tsaka umiling-iling pa. "Oh bakit? Masama!? Masamang pangalanan sya ng Tofu!? Masama!? Masama!?" Bumuga ng hangin, "Wow. Ibang klase ka talaga." Ngumuso ako dahil don. Okay naman yung pangalang Tofu ah! Puti sya at napaka-cute namang talaga! Anong problema sa pagpapangalan ng Tofu sa kanya? Sheeesh! Tsaka baby namin yon! Baby Tofu namen! Anong mali don!? Baby namen yon pero bakit parang ayaw nyang maniwala!? "Hoy, tigilan mo na yung pag-iimagine mo dyan, nakakaliit ng utak yan." "Hindi ako nag-iimagine!" "Ah, hindi pag-iimagine yan?" Sabay turo saken. "Hinde!" "Hanep. Eh ano? Kaabnuyan?" Pakiramdam ko lalong lumaki yung mata kasabay ng butas ng ilong ko. Tokwa talaga! Mga banat ni JR walang pinipiling lugar! Kung kailan nya ko gustong barahin, babarahin nya talaga ako! Nakakainis! Talagang nakakainis! Hindi naman na sya sumagot, pinitik nya lang yung nguso kong tumulis bago kinurot yung tungki ng ilong ko. Naiinis pa din ako! Tumagilid ako para magkaharap kami ng tuluyan habang ang kaliwang braso ko ay tila naka-akbay sa sinasandalan nya, "Nasaan ka ba kasi kahapon?" "Ah. Sa tambayan naming magto-tropa." Ngumuso ako, "Eh bakit hindi ka umuwi sa mansyon?" Bumaba yung kamay ko sa nakaekis na mga braso nya, hinila ko yung kamay nya at pinaglaruan yung mga daliri nya, "Mag-isa akong umuwi, naghapunan at natulog. Wala akong kasama. Iniwan mo kong mag-isa." Ngumiti sya ng malumanay. "Ganon ba?" Tumango-tango ako habang mas lumawak naman yung ngiti nya. "I need some time to think, tofu boy." I blinked, "Think po?" Pabebe kong sagot. "Oo." "Para saan po?" Napalitan yung malumanay nyang ngiti at sumilay naman ang isang ngisi sa labi nya bago bahagyang lumapit pa saken, "You confessed your feelings for me, maybe that's why I need some time to think about it?" Ramdam kong nag-init at namula yung pisngi ko. Ayon! Buti naman at naalala nya din! "Ahm... Tungkol pala doon." Kinamot ko yung pisngi ko tsaka umubo-ubo, "K-kung hindi mo n-nagustuhan yung pagco-confess ko e-edi sana sinabi mo, h-hindi yung nilayasan mo nalang ako pagka-t-thank you mo." "Hindi ako umalis dahil hindi ko nagustuhan. Umalis ako dahil kinailangan ko nga yong pag-isipan." "A-ano naman ang k-kailangan pang pag-isipan doon?" My eyes slowly went down on her bloody red lips. "Kung maniniwala ba ako o hindi." Pinandilatan ko sya ng mata pero tinawanan nya lang ako. "Sira ulo mo ah!" Hindi makapaniwala akong tumitig sa kanya, "M-mukha ba akong nagloloko lang!?" "Kalma, hahahaha!" "Kalma!? Sinong kakalma sayo!?" "Easy, ang init ng ulo mo ah!" Sabay tawa nanaman kaya inikutan ko sya ng mata. "Eh pinapainit mo eh!" Tokwa toh ah! Mukha ba akong nagbibiro doon sa sinabi ko!? Hindi nya alam kung gaano ako kakabado kahapon masabi lang yon sa kanya tapos ganyan pala yung iniisip nya!? Tokwa sya ah! Imbes na sumagot eh mas tumawa pa sya kaya inis kong binitawan yung kamay nya. "Ayoko na nga!" "Oh? Bakit mo binitawan?" "Nakakainis ka eh!" "Saan banda naman yung nakakainis don?" Sarkastikong ngisi nya. "Basta!" "Tsk! Ayan ang hirap sayo eh," Lumapit sya ng konti saken at hinawakan yung baba ko para magtama yung mga mata namin, "Sabi ko sayo tigil-tigilan mo yung pag-iimagine kasi nakakaliit nga ng utak yan." I rolled my eyes and grimaced, "Ewan ko sayo." "Ang arte ah." "Wag mo kong kausapin!" Pumalatak sya tsaka kinuha yung kamay ko pero hindi ko yon tinanggap. "Aba tae ka, hawakan mo na." Halakhak nya, "Alam ko namang gustong-gusto mong hawakan yang kamay ko." "Ayoko na! Sayo na yan!" "Eh akin naman talaga toh." Tukoy nya sa kamay nya habang pilit na hinahawak yon sa kamay ko, "Ah, ayaw mong hawakan?" "Ayoko!" "Talaga?" "Ayoko na nga!" She shrugged, "Kingina, bahala ka." Bibitawan nya sana yung kamay ko pero di ko napigilang kunin ulit iyon at hawakan ng mas mahigpit, mayabang nya kong nginisihan dahil doon. "Akala ko ba ayaw mo na?" "H-hindi na." Nilagay ko yun sa pisngi ko tsaka sya nginitian, "Ang bango-bango ng kamay mo eh." "Manyakis." Nawala yung ngiti ko, "T-tokwa ka ah!" "Joke lang." Sabay ngisi nanaman, "Alam ko namang patay na patay ka saken, sabagay, hindi naman yon kataka-taka." Inirapan ko sya pero tawa nanaman yung naging sagot nya. Mahangin talaga. Nakakainis! Akmang magsasalita palang ako ulit nang makarinig ako ng mga boses na tumawag saken, hindi ko sila nilingon dahil baka makita nila kung gaano na kalukot yung mukha ko. Napaungol ako sa inis, "Istorbo." "Tropa mo oh." I scoffed, "Hindi ko sila tropa." "Ah, talaga?" "Ni hindi ko nga close yang mga yan." Bago pa man sila makalapit ay tumayo na ako at ngumiti kunwari. "Zerenel!" "Hey." Isa-isa silang nakipag-bro hug saken. Pinilit ko nalang na wag magpakita ng disgusto sa kanila lalo na nang si Jayson na ang huling yumakap saken. Bale lima silang magkakasama. "Kamusta?" Bati ng isa sa kanila. "Ayos lang naman, kayo ba?" "Mukhang ayos na ayos ka nga, nakita ko yung auto mo ah! Big time na big time na talaga!" "Ah." Nakamot ko yung batok ko, "Hahaha hindi naman." "Anong hindi naman? Grabe yung sasakyan mo! Aston Martin pre?" "Oo hehehe." "Yayamanin!" "Hindi naman sa ganon." "Sus pahumble ka pa kunwari!" Anya ng isa pa sa kanila kaya nagtawanan sila, nakitawa nalang din ako. Letse. "Do you mind if we join you?" Lihim kong inismiran si Jayson sa tanong nyang yon, alam ko kasing sakin sya nagtatanong pero yung mga mata nya ay na kay JR na tila bored na tumitingin-tingin sa paligid. "Sure." Pilit kong sagot. Nagsi-upo na sila sa U shaped na sofa pero itong si Jayson nakakainis! Kay JR pa talaga tumabi! (Third Person's POV) Pantay na umangat yung dalawang kilay ni JR nang malingunan si Eren na seryosong nakatingin sa tabi nya kaya pasimple nyang sinipat yung paligid nya, doon nya lang napansin na naki-table na pala sa kanila yung mga kalalakihan kanina kasama na doon si Jayson na co-actor ni Eren sa pelikula. Busy kasi sya kakapuna sa paligid nya kaya hindi na nya napansin pa. Nararamdaman nya kasing nandito lang yung lalaking hinahanap nya sa misyon nya na ngayo'y hindi na nya misyon dahil nga nireject na nya, pero kahit na ganon eh nagmamasid pa din sya. Mas mabuti ng maging alerto din sya kaysa naman sa hindi. Gusto nyang matawa pero baka magmukha syang sira ulo dahil wala namang nakakatawa, pero para sa kanya ay nakakatawa ang makitang seryoso si Eren habang binabantayan ng tingin si Jayson. Hindi naman lingid sa kaalaman ni JR na kursunada sya ng lalake, aba himala nalang kung hindi. Alam nya sa sarili nyang type talaga sya neto pero wala syang balak na i-entertain ito, mukhang iyakin eh. Nakikita din nya sa peripheral vision nya si Yvette na nakaupo na din sa sofa di kalayuan sa kanila. Hindi masama ang tingin nito sa kanila pero ramdam nyang nanghihinayang ito at dumating sya. "Hi." Simulang bati nung Jayson nang magkatabi na sila. Tinanguan nya lang ito kaya napakamot sa ulo ang lalake habnag nagtawanan naman ang iba. "Ipakilala mo naman kami dyan sa chic mo pare." Kantyaw ng isa kay Eren. Ramdam ni JR na wala sa mood si Eren kaya sya na ang ngingisi-ngising nagpakilala sa sarili nya. "Liutenant Colonel Jhayrein Arriane Herrera." Saad nya tsaka isa-isang kinamayan ang kalalakihan. "Wow! Sundalo ka?" "Ang cool mo naman!" "Grabe ibang klase ah!" "Ang astig mo naman!" Isang ngisi lang ang isinagot nya tsaka sinipat ng tingin ang asawa. Alam nyang pilit lang ngiti neto, artista talaga kasi hindi man lang nahahalata ng mga toh na peke yung ngiti ni Eren. "So bakit ka nandito?" Tanong ng isa, "I mean, hindi naman sa pinapaalis kita, yung party kasi is for entertainment company's employees only." "Bodyguard ako ni Eren." Kanya-kanya nanaman silang komento matapos malaman yon. Nakikisabay naman ng ngiti at pekeng tawa si Eren sa kanila kaya gustong pumalatak ni JR. 'Napakaplastik.' Saad nya habang na kay Eren ang paningin. "Kakaiba diba?" Nagmamalaking anya ni Jayson kaya kinantyawan sya ng mga ito. "Kaya pala panay ang kwento mo samin tungkol sa kanya!" Nakangisi pa rin si JR pero kumunot ng konti yung noo nya. Medyo nagtataka kung bakit naike-kwento sya ng lalake sa mga ito. "Siguro nagtataka ka miss." Ngumiti ito, "Eto kasing tropa namen panay daldal tungkol nga sa sinasabi nyang sundalong bodyguard ni Eren na babae, akala namin nagbibiro lang pero heto nga't ayan ka." "Ah," Lumingon sya kay Jayson, "May gusto kasi sya saken." Lahat silang nandoon sa mesa ay natigilan at nagkatinginan, maski si Eren ay tila nagising ang diwa at naka-awang pa ang bibig na tumitig sa katabi. Lumingon sya at tumitig ng diretso kay Jayson, "Diba?" "A-ano ulit?" Utal netong sagot. "May gusto ka saken, hindi ba?" Napanganga na din ito tsaka nagsimulang mamula ang buong mukha. Hindi makapaniwalang tumitig sa babae na confident na nakangisi sa kanya. "A-alam mo pala." Napapahiyang tumawa si Jayson tsaka humugot ng malalim na hininga, "Kung ganong alam mo na, o-okay lang pala kung yayain kitang lumabas paminsan-minsan?" Bumalik sa pandidilat yung mata ni Eren, mabuti nalang at walang nakapansin lalo na't naghiyawan tong mga kasama nila. "A date?" "Oo." Ngumiti na sya ng puno ng confidence, "Pwede ba tayong magdate?" She shrugged, "Hindi papayag si Eren." Gulat sila sa sinabi nyang yon habang si JR naman ay umisod ng konti palapit kay Eren na ngayo'y gulat ding nasa kanya ang tingin. "B-bakit kailangang ipaalam ka pa k-kay Eren?" Ilang syang natawa, sumusulyap sulyap pa sa kanilang dalawa. "May gusto din kasi sya saken." Natigilan nanaman sila at tumingin kay Eren na kukurap-kurap na napaubo pero si Jayson ay napangiwi ng bahagya. "A-ah, g-ganon ba?" Peke syang ngumiti at humarap kay Eren, "Gusto ka lang naman nya pero wala kayong relasyon, siguro naman pwede tayong mag-date kahit walang permiso nya?" "Ayoko." "What?" Gulat netong lingon sa babae, "But why?" Seryoso syang tinitigan ni JR. Hindi nakakatakot pero hindi rin komportable, para kasing may ibig sabihin yung tingin nyang yon. "Sya lang kasi yung gusto ko." Dumikit sya kay Eren at muling kinuha yung kamay neto at pinagsalikop bago iniangat para ipakita sa kanila. "Kay Eren lang ako." Sinabi nya yon nang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Eren kaya lumitaw agad yung kinikilig nyang ngiti. Gusto sanang magkikisay ni Eren pero nanatili nalang syang nakangiti na parang tanga. Wala syang masabi dahil alam nyang kung minsan ay wala talaga sa hulog yung mga banat ni JR sa kanya. Hindi nya tuloy alam kung hanggang kailan sya magpipigil ng kilig, pakiramdam nya kailangan na nyang magbanyo kahit hindi naman talaga. Nadinig na nya yung sagot na hinihintay nya kaya buo na yung buong gabi nya. Naging awkward yung paligid, wala na kasing ibang nakapagsalita at panay tinginan nalang sila, parang nagsesenyasan pa kung sino ang dapat na pumutol ng katahimikan. Hindi nagtagal ay tinawag ng host ang ilan sa mga bisita para umakyat sa stage dahil sa announcements ng mga achievements nga ilang mga artist, kasama doon ang ilang kaibigan ni Jayson pati ito mismo kaya awkward silang nagpaalam sa kanilang dalawa ni JR na aalis na. Prenteng sumandal si JR sa sofa tsaka pagak na tumawa, "Kingina, artista ka talaga." "Bakit?" "Galing mong mamlastik eh." Anya kaya natawa silang pareho. Ngumiti si Eren bago hinalikan yung likurang palad ng kamay ni JR na hawak nya habang ang tingin ay nasa mata ng dalaga. "Gusto kita." "Oo nga." "Gustong-gusto kita." Ngumiwi si JR, "Hindi ka makulet, eh noh?" "I like you..." "Alam ko." "...a lot." Dugtong nya pa na ikinangisi naman ng babae, "Thank you for liking me too." "Korni mo." He chuckled, "Okay lang, gusto mo naman eh." Sabay nanaman silang natawa pero kitang-kita yung kislap ng mata ni Eren habang nakatitig sa kanya nang dumating ang isang waiter at bigla nalang naglapag ng drinks kaya doon napunta yung atensyon nila. "Ah, excuse me, I think you got the wrong table." Anya ni Eren sa waiter pero nginitian lang sya neto. "Pinadala po ni Sir Austin." Takang tinitigan nya ang waiter na nakangiti namang tumuro sa isang direksyon, lumingon si Eren sa paligid para hanapin yung sinasabi netong Sir Austin hanggang sa huminto iyon sa isang lalaking nakangiting kumakaway sa kanya. Maputing singkit na matangkad iyon na may bagsak na buhok, nakapwesto di kalayuan sa kanila, nakatayo at nakapamulsa ang isang kamay. Pamilyar sa kanya ang lalake pero hindi nya ito personal na kilala kaya isang ngiti nalang din ang naisagot nya bago bumalik sa waiter ang paningin nya. "Pinasasabi po ni Sir Austin na magkasama lang daw po kayo sa iisang table, doon po kung saan sya nakapwesto." "Sige sige, pupunta nalang kami don, salamat." Nagngitian sila ng waiter bago bumalik yung tingin ni Eren sa lalaking nagngangalang Austin, may kausap na ito at hindi na nakatingin sa kanila pero nagulat sya nang walang ano-ano'y nagtamang muli ang paningin nila. Lumawak ang ngiti nito na tila umaabot sa mata kaya pilit syang napangiti at tumango bago kunot noong tumitig sa mesa. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni JR matapos makita ang reaksyon nya, tumango lang sya bilang sagot tsaka ininom yung drink na galing sa waiter. Pinagmukha nyang okay yung reaksyon nya kahit na ang totoo ay may gumugulo sa isip nya. Hindi nya alam pero parang nakita na nya ang lalake kung saan. Pamilyar ito pero alam nya sa sarili nyang never nya pa itong nakilala o nakausap. (JR's POV) Inalalayan nya kong tumayo papunta sa table na sinasabi nung waiter. Hindi ko maialis kay Eren yung tingin ko, nginingitian nya lahat ng bumabati sa kanya pero pansin kong kumikibot yung kilay nya. Parang gustong magsalubong nung mga kilay nya, pinipigilan nya lang. Nagising ako mula sa pagkakatitig sa kanya nang bigla nalang may spotlight na tumutok samen na nasundan ng malakas na palakpakan. "The new face of the Highlight magazine for the month of August, Mr. Zerenel Gonzales together with his date for tonight! Please give them a round of applause!" Nalito ako bigla, lalo na noong lumitaw sa malaking background screen yung mukha naming dalawa ni Eren. Yun yung picture na naka-red lacey lingerie ako dahil proxy ako sa dapat na partner ni Eren. Ewan ko, pero imbes na mamangha eh natawa ako sa itsura namen doon. Paano, ang daming litratong kinunan samen pero yung unang-unang kuha pala yung ginawang front cover ng magazine? Yun yung kakasampa ko lang sa kama tapos kinubabawan ko si Eren tsaka hinila yung tali ng collar nya. Nangisi na ko habang pinagmamasdan yung nakangisi ko din mukha doon. Iginiya nya ako patungo doon sa stage, nagbigay daan yung mga bisita samen habang panay ang palakpak at papuri sa kanila hanggang sa tuluyan silang maka-akyat. "Wow! Both of you look so stunning! Congratulations for being the cover for the month of August, young couple!" Sambit ng host pagka-akyat nila. "Thank you." Natatawang sagot ni Eren na nilingon pa ko, chinecheck kung naiinis ba ako o ano pero nginisihan ko lang sya. Aba, ang swerte nya't nakasama nya ko sa isang photoshoot. Hah! Sinusuhulan pa ko ng kuya Josh ko para lang i-model ko yung mga designs nya, samantalang itong lalakeng toh pinartneran ko ng walang bayad! HAHAHA. "May we know the name of this beautiful young lady beside you?" "Of course..." Hindi ko na pinakinggan si Eren o ang kahit na ang host, inilibot ko yung tingin ko sa kumpol ng mga taong handa ng magparty-party mamaya nang matigilan ako. Sinalubong ko yung nagugulat nyang tingin mula sa malayo, maski ako nagulat pero hindi ko ipinahalata. Hindi ko inasahan na sa dami ng lugar at pagkakataon na pwede kaming magkita ulet eh dito pa talaga. Wrong timing. Kahit hindi ko pilitin ay kusang sumeryoso yung ekspreson ng mukha ko imbes na magmukhang gulat habang nakatitig pa rin sa kanya. Nakaramdam ako ng emosyong hindi ko dapat maramdaman ulit lalo na nang makita kong lapitan sya ng isang lalakeng sa tingin kong dahilan kung bakit iniwan nya kong mag-isa sa kasal namin. Hinapit sya neto sa bewang at hinalikan sa pisngi pero hindi naalis sakin yung paningin nya. "Right, JR?" Napalingon ako kay Eren na ngayo'y ngiting-ngiting pinukaw yung atensyon ko, mukhang nahalata nyang wala sa kanila ng host yung interes ko kaya tinanguan nya lang ako bago pumulupot sa bewang ko yung isang braso nya tsaka ako inalalayang maglakad paalis doon. 'Ang gusto ko lang naman ay ang hindi na masaktan pa ang apo ko.' Lumunok ako matapos marinig yung boses ni tanda sa utak ko, tapos ay ibinalik ko yung tingin ko kay Eren na nangingislap yung mata habang masayang nakatitig sa akin. Hinarang nanaman kami ng mga hindi ko kilalang tao, nahihilo at naririndi ako sa sabay-sabay nilang pagsasalita kaya humawak ako sa braso ni Eren. Peke akong ngumiti, "Magsi-CR lang ako." "Oh, okay." Marahan nya kong binitiwan, "Please excuse her." Agad na kong naglakad palayo doon at pumasok sa CR na nakita ko. "Fuck." Napahawak ako agad sa sink habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Bigla nalang kumabog yung puso ko,hindi ko alam kung bakit pero panay ang mabilis na pagtibok non na akala mo nakipagkarerahan ako ng takbuhan kahit na hindi naman. Bumangon agad yung inis at galit na matagal ko ng tinatago pero natatabunan iyon ng kung anong emosyon na pilit kong itinatanggi. Wala akong balak na saktan si Eren. 'Ang gusto ko lang naman ay ang hindi na masaktan pa ang apo ko.' "Hindi ko sya gustong saktan, tanda," Inis kong hinawi yung mahaba kong buhok, sinasamaan ko ng tingin yung sarili ko, "pero sa tingin ko kahit anong pag-iingat ko ay masasaktan pa rin sya." Alam kong para akong tanga dito na kinakausap yung sarili ko pero wala akong magagawa, kung hindi ko gagawin toh baka maisipan ko nalang na layasan tong party na toh, maiiwan ko pa si Eren kung nagkataon. Hindi na ko nagulat nang basta nalang syang pumasok, tulad ng inaasahan ko. Our eyes met from the reflection of the mirror. "J-Jhayrein..." I sighed as I turned around and faced her, wala akong ginawa kundi ang seryosong titigan sya. "Long time no see, Irene."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD