Chapter 19

5450 Words
Chapter 19 (Third Person's POV) ITINULAK pabukas ng dalawang lalakeng crew sa magkabilang gilid ang double glass doors ng restaurant na kakainan nila. Nakangiti ang mga ito sa kanilang dalawa nang makapasok sila ngunit napalitan iyon ng pagtataka dahil imbes na batiin sila pabalik ay lalo lang dumilim yung mukha ni Eren nang makalampas sa kanila. Kaya naman nang sumunod si JR ay nginisihan nya ang dalawa at kinindatan na naging dahilan ng pagpula ng mga pisngi nito bago sya sumabay ng lakad kay Eren. Pareho silang may bitbit na paperbags, laman non yung tinake out nilang pang-family set na mga pagkain kahit silang dalawa lang naman ang kakain non. Ganon. Ganoon sila katakaw. "Ayusin mo yung mukha mo oy." Utos neto sa lalake matapos makita ang kunot na kunot netong noo, "Kung makasimangot ka akala mo bitbit mo buong mundo." Tila batang ngumuso si Eren, "I'm pissed." Anya sa nagsusumbong na tinig. She grinned from ear to ear after hearing that, "Ah, ayos lang yan, huhupa din yan." Suminghal si Eren dala ng pagkairita nang tapikin ng babae yung puson nya. Naiirita talaga sya, seryoso. Pramis. As in legit na legit, mas legit pa sa kilay nung cashier sa isang grocery store. Wala namang ibang ginawa si JR kundi ang ngumisi. She knew the reason behind her husband's darkened face. He's horny. They we're about to do 'that' in her Wrangler jeep when a loud ringtone of his phone interupted, sinagot ni Eren and then boom, sinigaw-sigawan nanaman sya ng tatang dahil ang tagal daw nila and because of that, napilitan silang ihinto yung milagrong gagawin palang sana tsaka sila nagmadali na nagtungo sa restaurant. Napapabuntong hininga nalang tuloy si Eren pero madilim pa rin ang mukha habang naglalakad sila. He wants to kiss her senseless. He wants to lick, suck and bit her soft skin, sniff her fragrant manly scent coming from her neck and shoulders, taste and touch every part of her body. Yes. He's becoming a pervert eversince that day that they did it but he's not forcing JR to do it with him, of course he's also considering his wife's decision. If she said no then it's a no, cuddle nalang kung cuddle. Kung bakit ba naman kasi head-over-heels sya masyado sa babaeng toh na wala namang ibang ginawa noon kundi ang mambabae din. Sa dami ng babaeng magugustuhan nya, ito pang babae din ang gusto! Umiling nalang sya tsaka umismid sa naisip na yon. Ano pang magagawa nya? Wala. Wala na talaga. His childish and playful side is slowly being replaced by an aggressive and wild beast but of course, his hunger for desire and lust is exclusive only for his one and only wife, Jhayrein. "Eren! Here!" Tawag sa kanya ng boses ng babae na kalalabas lang mula sa isang pinto. Tulad ng utos ni JR kanina ay ngumiti nga sya para walang makakita ng pagkakasimangot nya at naglakad patungo sa direksyon ni Yvette. Ngayon ay si JR na ang nagdidilim ang mukha, pati paningin nandidilim na at konti nalang ay pipitik na yung init ng ulo nya. Keganda kasi ng ngiti ng lalake habang kausap na yung Yvette na yon. "What took you so long? Kanina ka pa nila hinihintay." Mukhang nagpalit din ng damit ang babae. Nakabulaklaking bestida na kasi ito at may suot na crop blazer. "Ah, medyo traffic kasi on the way here." Bumaba yung paningin ni JR sa kamay ni Yvette na humawak sa braso ni Eren. 'Dalawa.' Bulong ni JR sa isip nya habang naroon ang tingin. Wala sa sariling dinilaan nya ang sariling labi habang nagsisimulang maningkit yung mga mata nya. "Tara na sa loob." Hinatak nito si Eren papasok sa loob ng mismong kainan. "Hah." Buga nya ng hangin habang nakaismid, "Hanep talaga." Pirming naging blanko yung mukha nya tsaka sumunod sa dalawa. She c****d an eyebrow after noticing the vacant seat beside Yvette, gusto nyang matawa dahil alam nyang para kay Eren yon. Agad na nagsitayuan ang mga taong nasa mahabang mesa at binati si Eren habang tahimik naman syang nagtungo sa bakanteng upuan sa tabi ni July na taka at kunot ang noong pinagmasdan sya. "Mamsh? Nagpalit ka ng outfit?" Tukoy neto sa suot nya ngayong itim na spaghetti strapped sando na pinatungan na nya nung military camouflage jacket, highwaist tattered jeans at syempre hindi mawawala yung favorite type of shoes nya, ang leather boots nya. Pinasadahan nya ng tingin ang sarili bago bumalik ang tingin kay July. "Yeah. Natapunan ako ng coke kanina." "Aaaahhhh." Kinurot sya neto sa bewang habang humahagikgik, "Malamok ba on the way here?" Agad na nagsalubong yung kilay ni JR dahil doon, naguguluhan sa tinuran ni July pero nang pasimpleng ituro ng binabae ang sariling leeg ay doon lang nya narealize kung anong 'Lamok' ang tinatanong neto. "Ah." Ngumisi sya tsaka ipinatong yung paperbags sa mesa, "Baket? Halata ba?" "Gaga! Malamang! Amputi mo kaya! Kahit na naka-jacket ka eh kita pa rin! Kaloka ka ah?" Lalo lang tumaas yung sulok ng labi nya tsaka napatingin kay Eren na ngayo'y nakatingin din sa kanya, particularly sa leeg nya. Walang imik naman na papalit-palit yung tingin ni tatang sa kanilang dalawa ng hindi nila namamalayan. "Sige, maupo na kayo." Nakangiting anunsyo ng manager ni Yvette. Namangha ang lahat ng ipaghila sya ni Eren ng upuan at inalalayang maupo, ikinapula iyon ng pisngi ni Yvette. "Thank you." Ngumiti sya, "Welcome." Pasimpleng tumingin si Yvette kay JR at mas ginandahan ang ngiti, yung tipo ng ngiting nagsasabing 'I won.', tinaasan lang naman sya ng kilay ni JR. Kinantyawan silang dalawa dahil sa nakakakilig nilang ngitian ngunit humupa din iyon ng magtungo ang lalake sa kinatatayuan ni JR. Hinawakan sya neto sa braso bago ipinaghila ng upuan at marahang inalalayan paupo. "Ayos lang ba kung doon ako uupo?" Mahinang tanong neto sa kanya, kinunkonsulta yung opinyon nya kung papayag ba syang maupo ito sa tabi ni Yvette. "Sige lang." Kibit balikat nyang pagpayag habang nakangisi pa rin, "Tabihan mo na yung partner mo..." '...baka umiyak eh.' Humalakhak sya sa isip nya dahil sa gusto nyang idugtong pero di nya ginawa. Tawang-tawa na sya dahil sa dismayadong mukha ni Yvette. Sumunod naman agad si Eren sa sinabi nya at naupo sa tabi ni Yvette. Nginitian nya ang mga tao sa mesa nila na nanahimik matapos makita at marinig yon kaya muling nag-ingay ang mga ito habang nag-umpisa na silang magsikain. Totoo ngang nireserve ang buong restau para sa kanilang lahat dahil sila-sila lang ang naroon. Madami sila sa mahabang table na iyon. Kasama din kasi ang direktor at ang ilan pang staffs, ang PA at manager ni Yvette pati na din ang mga co-actors and actresses na may mga minor role sa pelikula. Hindi na nya binilang kung ilan silang lahat basta ang alam nya ay magkatapat sila ng upuan ni Yvette. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga kung ano-anong bagay, hindi naman nakisabay si JR sa usapan dahil wala naman syang alam pagdating sa showbusiness, mataman lang syang nakikinig sa mga usapan, minsan ay nangingisi dahil sa mga jokes ng mga ito. Halos lahat ng pinag-uusapan nila ay tungkol sa mga current issues all about entertainment industry, minsan ay nasasali ang loveteam ni Eren at Yvette dahil sa pagiging mabenta nila sa masa pero hindi naman nabibitter si JR, actually natatawa pa nga sya habang pinakikinggan yung mga papuri ng mga ito dahil pwedeng-pwede daw talaga sila maski sa totoong buhay. Napakaganda daw ng takbo ng ship ng magpartner. Nangingisi sya. Kung alam lang nila kung ano yung totoo tiyak na lulubog yang 'ship' na sinasabi nila at hinding-hindi na aangat ulit. "Eren, eto oh. Isa toh sa best dishes nila dito." "Talaga?" Tumango si Yvette at pasimpleng umangkla sa braso ni Eren habang sinusubuan ng ulam na inialok nya. "Oo nga, it tastes good." Sang ayon ni Eren tsaka nakangiting kumuha pa gamit ang sariling kutsara. Hindi man lang nya napapansin yung masamang tingin ni JR sa kanila samantalang sinadya ni Yvette na ngumiti mismo nang magkatinginan sila. 'Tatlo.' JR made a wacky face before rolling her eyes, 'Bi-bingo na talaga saken toh eh.' "Bakit nga pala umorder pa kayo ng fastfood?" One of them asked. "Ah, ito talaga kasi ang lunch namin dapat kaso inaya kami ni Yvette kaya dinala nalang namin dito." Ngumiti ang co-actor nila na si Jayson na syang gumaganap na bestfriend ni Eren sa pelikula, "Hello, I'm Jayson." Pakilala nya. Hindi sumagot si JR at panay lang ang subo ng fries, kung hindi pa sya siniko ni July ay hindi sya mapapalingon dito. Magkatabi lang kasi sila, bale si Eren ang katapat ni Jayson. "Oh?" Maangas nyang tanong dito na ikinagulat ng lalake. "G-gusto ko lang sanang makipagkilala sayo." "Baket?" "W-wala naman. Gusto ko lang." "Ah, ge." Bumalik sya sa pagkain ng fries. "Uhm. Madalas kitang nakikita sa set na nanonood pero hindi kita na aabutan para kausapin." "Ah." "Oo," Sabay tango at ngiti, "Ilang taon ka na pala?" "Bente nuebe." "Wow, hindi halata sayo. Akala ko mga nasa 23 or 25 ka lang." She just shrugged before sipping the straw in her drink. Nakangiti namang nagpatuloy si Jayson sa pagkausap sa kanya na tipid naman nyang sinasagot dahil nasa pagkain ang atensyon nya. Kanina pa nakatingin si Eren sa kanila, kunot ang noo at umiigting ang panga kay Jayson na ngiting-ngiti habang na kay JR ang tingin. Inasar-asar ng mga kasama nila si Jayson kay JR dahil ito ang unang pagkakataon na kinausap neto ang babae. "Heto ang fried squid oh, tikman mo. Masarap yan." Alok nya sa babae. Tumulis tuloy yung nguso ni Eren kasabay ng pagkakasalubong ng kilay, nag-cross arms pa na parang batang naiinis, ni hindi man lang nya napansin si Yvette na kanina pa sya tinatanong. Iniaabot ng lalake kay JR ang pinggan na naglalaman ng mga putol-putol na pritong pusit o simpleng calamares na madalas na bilhin ni JR kapag nagchi-chill out sya sa matataong lugar. Pasimpleng umismid si JR. "Ayoko." Ikinagulat ng lahat yung diretsong sagot nya, walang pasakalye, diretsong tanggi. Bumalik tuloy yung ngiti ni Eren na nakagat pa yung tinidor nasa bibig, kulang nalang ay pumalakpak sya sa tuwa ng marinig yon. "H-hah?" Imbes na sumagot si JR ay kinuha nya ang pinggan mula kay Jayson tsaka iniumang kay Eren, "Oh, paborito mo.", halatang walang interes kay Jayson. Natanga silang lahat dahil doon. Para kasing nag-uutos ito at mas natanga sila nang mabilis pa sa alas kwatrong kinuha iyon ni Eren. "Thank you!" Ngiti nya tsaka tumusok ng isa at kinain. "A-ah, ha ha ha." Kinamot ni Jayson yung ulo nya, "Hindi ka pala mahilig sa squid." "Hinde eh." "Saan ka pala mahilig?" She grinned, "Sa siopao." "Talaga?" His eyes glittered in amusement, "Anong palaman naman ang gusto mo?" "Asadong dila ng taong tanong ng tanong." Sabay dahan-dahan nyang binalingan ng tingin si Jayson nang may matalim na tingin. Their smiles faded and replaced with disgust and confusion. Ganoon din si tatang na tumaas ang kilay at si July na maduwal-duwal sa sinabi nya pero tumawa lang si JR at umiling-iling habang tinatapik pa ang balikat ni Jayson. Ngumuso naman si Eren. "Biro lang." Nagkatinginan silang lahat dahil doon. Medyo nawirduhan sa kanya, inaanalisa kung nasaan yung joke doon. "Hahahahaha grabe talaga mamsh, super funny ka naman pala!" Sabay hampas kay JR ng beri light dahil kung nilakasan nya ay alam nyang sapak ang babalik sa kanya. Nakisabay nalang ng alanganing tawa si Jayson at bumalik sa pagkain. Ganon din ang iba pa. "By the way, Eren." Pukaw ng manager ni Yvette na si Laiza para mawala yung awkward na hangin sa ere, mas bata ng kaunti kay tatang ang ginang, "Why don't you introduce this gorgeous woman to us?" Tukoy neto sa kanya. Dahil don ay nabitin yung akmang pagsubo nya ng fries at natuon ang atensyon ng lahat sa kanya. Gusto nyang pumalatak kaso baka pagsabihan sya ni tatang kaya awkward syang ngumiti habang si Eren naman ay excited na nagsalita. "Her name is Jhayrein Arriane Gon---" "Herrera." Agad nyang putol sa sinasabi ni Eren na mukhang hindi namalayan ang sasabihin, "I'm Jhayrein Arriane Herrera. Nice to meet you all." Walang kangiti-ngiti nyang pakilala. Nakagat ni Eren ang sariling labi, "Right. Herrera." Nawala saglit sa isip nya na wala dapat makaalam ng tungkol sa kanila, kinabahan din sya, "She's my bodyguard." Kumislap ang mga mata ni Jayson sa narinig. JR knows that this Jayson guy is attracted to her kaya natawa sya. Hindi naman daw kasi kataka-taka yon. Umani iyon ng bulong-bulungan ng pagkamangha at kuryusidad, nag-umpisa tuloy ang mga ito magtanong-tanong tungkol sa kanya na confident naman nyang sinagot. Minsan ay napapangisi sya kapag napupuri sya ng mga ito. "Wag ka sanang mao-offend sa itatanong ko, Eren." Biglang sabat ng batikang direktor, "I just want to ask why did you hire a woman for a bodyguard? Just curious, kasi mostly ng mga celebrity may bodyguards na malalaki ang katawan at expert sa mga fighting skills. Bihira ang may bodyguard na babae." He chuckled because of that, "She may not look like it but she can take out all of our stuntmen in just a snap of her finger." "Really? Hindi halata." "Yes." "So what does she do for a living? I mean yung career nya talaga." Anya ni Jayson habang na kay JR ulit yung tingin. "She's an army soldier." Namamangha silang napangiti dahil doon at tumingin sa kanya habang tumawa lang naman si Eren. "Interesting." Tumatango-tangong anya ni Jayson. "I know right." Pantay na umangat yung mga kilay ni JR habang na kay Eren ang tingin. He talks as if she's the most interesting topic. Kitang-kita nya kung paano kumislap yung mga mata nito habang nagsasalita. Wala sa sariling napangiti sya. He's so proud of her. "Nasa army ka pala." Sumandal sa sya sa kinauupuan nya at pinagkrus ang mga braso sa ilalim ng dibdib, "Yeah." Sagot nya sa matabang na tanong ni Yvette. Ngumiti ng matamis yung babae sa kanya, "So anong posisyon mo sa army?" Lahat sila ay nabaling ang tingin sa kanya, hinihintay ang sagot nya. Sumulyap sya ng tingin kay Eren na nakanguso na ngayon, nagtataka kung bakit parang interesado si Yvette sa kanya. Bumuntong hininga sya, "Bakit mo naman tinatanong?" "Wala naman, curious lang ako." Umismid sya, "Mukhang interesado ka saken ah." Sabay ngisi, "Change of heart, Miss Yvette?" "Asa." Irap neto sabay ngiwi, "I just want to know since madalas ka na naming nakakasama, masama ba kung gusto ka naming makilala pa ng husto?" Ilang segundo nyang pinakatitigan ang babae habang nasa kagat-kagat ang ibabang labi kaya ngumiti nalang si Yvette. "De bale na, if you don't want to say it then it's fine with us." "Liutenant Colonel." Her smile faded, "Pardon?" "Isa akong Liutenant Colonel." Pag-uulit nya, tila antok na antok sa kausap. Yvette blinked before sighing, now she's back in smiling pero bakas ang hindi paniniwala kay JR habang lalo namang namangha si Jayson. "Imposible." She uttered. JR shrugged before taking a sip on her drink. Wala syang pakielam kung maniwala ito o hindi. Ang atensyon ng lahat ay nasa kanya ngayon, hinihintay ang sunod nyang sasabihin. Mataman din syang pinanonood ni tatang, si July na bahagyang nakangiti, si Yvette na nakasimangot na, si Jayson na namamangha kagaya ng lahat at si Eren na nag-aalalang nakatingin sa asawa. Humawak si Eren kay Yvette, "She's telling the truth, she's a Liutenant Colonel." "Wow. That's awesome." Jayson smiled at her pero bumaling lang sya sa kinakain nya kanina. Yvette squinted her eyes, "You're too young to be a Liutenant Colonel." "Because I'm too good to be a simple soldier." "You can't be in that position." "Who says? You?" "Just an opinion." Pagak tuloy na tumawa si JR, "Anong alam mo sa militar?" She asked sarcastically. "I'm just saying na parang hindi ka bagay na maging isang Liutenant Colonel. Parang you lack some experience kasi." "Alam mo? Heto piso." Binato nya ito ng piso galing sa bulsa nya na nasalo naman ng babae at taka syang tinignan. "What for?" "Bumili ka ng kausap mo." Inis na binato pabalik ni Yvette sa kanya yung piso na walang kisap mata nyang nasalo, "I don't know how you got that position of yours pero hindi talaga fit sayo." Nawala ang kalmado nyang ekspresyon at napalitan ng seryoso kaya agad na nag-alala si Eren. Kilala nya si JR, baka kapag napikon ito ay basta nalang netong itaob ang mesa kay Yvette. "Yvette..." Pigil ni Eren pero itinaas ni JR yung kamay nya at nakabukas ang palad na nakaharap kay Eren, tila sinasabing hayaan nya lang na magsalita si Yvette. "I entered the military school when I was sixteen. I've been into war right after finishing my training from Royal Military Academy Sandhurst. I know how to use different kinds of guns, different kinds of bombs, different kinds of knives and different kinds of armoured fighting vehicles. I'm skilled, intelligent and strong enough for my age that's why I am the Liutenant Colonel." Tumabingi yung ulo nya na para bang pinag-aaralan yung mukha ni Yvette, "Bibigyan kita ng karapatan na sabihin yung opinyon mo tungkol sa trabaho ko kung mahihigitan mo lahat ng mga nagawa ko." Bumuga ng hangin si Yvette, "Kilala ko kung sino ang Liutenant Colonel sa Philippine Army kaya imposibleng ikaw yon." "Sino bang tanga bukod sayo ang nagsabi na taga-Philippine Army ako?" Sarkastiko nyang anya na ikinatigil ni Yvette. Tumahimik silang lahat habang nakangiwi namang tumuwid ng upo si JR. Crossed legs and arms while still eyeing her. "The only female soldier who got this kind of high rank at such a young age, giving me the responsibility to lead the approximately six hundred fifty soldiers under my command, been into several countries like Syria, Yemen, Cuba, Iraq, Iran and many more, experienced being shot, stabbed, poisoned, nearly died while fighting those rebels and terrorists and personally appointed by her majesty, Queen Elizabeth which is also our commander in chief." Dumako yung malapusang mga mata ni JR kay Yvette, naningkit iyon. "It is I, the one and only," She smirked, "Liutenant-colonel Jhayrein Arriane Herrera from Her Majesty's Armed forces." (JR's POV) "Parang engot lang amputa." Bulong ko habang naghuhugas ako ng kamay. Hindi na naalis yung pagkakasimangot ko hanggang sa matapos ako sa paghuhugas ng kamay at nagtungo sa lalagyan ng hand dryer. Napapangiwi ako sa tuwing naaalala ko yung nangyare kanina habang kumakain kami. Kinginang punggok na yon, ang dami-daming dada! Hindi nga masakit sa tenga pero nakakairita sya. Padabog kong hinatak yung rolyo ng tisyu at nagpunas ng kamay. Sa sobrang badtrip ko sa kanya ay napilitan akong magpaalam para mag-CR, kung hindi ko kasi gagawin yun eh baka magkapalit sila ng mukha nung sahig kapag nagkataong napikon ako at maibalibag sya. Bakit ba panay na ang kapit at dikit non kay Eren? Hawak ng hawak akala mo ngayon lang nakakita ng braso sa personal. Binato ko sa basurahan yung tisyu at akmang lalabas na nang makita ko syang kapapasok lang sa pinto kaya sumimangot ako. Galeng. "Anong relasyon mo kay Eren?" That surprised me a little bit pero hindi ko nalang pinahalata. Wow, straightforward talaga. "You're not ready to know." "Believe me, I am born ready." Palaban at hindi malanding saad nya, "Gusto kong malaman kung bakit ganoon nalang ang reaksyon at kilos mo towards sa kanya? You're just his bodyguard." "I am not 'just' his bodyguard." "Then tell me! Para alam ko kung paano kita lalabanan!" "Whoa, whoa, whoa, calm down babe." Nginisihan ko sya bago hinatak yung bewang nya dahilan para magkadikit yung mga katawan namin, "You're too beautiful to fight someone like me." I can feel her breast on mine. Damn, Cup B, malaki-laki, pwede na din. She's also eyeing me upward, well, mas matangkad ako sa kanya eh. Yvette is a bottom. I'm sure of it. She blushed, making the corner of my lips to tugged up higher. Atleast, she's still like other women out there. Konting puri, namumula. Ugh, women. "B-bitawan mo nga ako!" She gently pushed me away tsaka niyakap ang sarili. Face still blushing. Ibang klase talaga yung tapang ng babaeng toh, Si Yvette yung tipo ng babaeng matapang na may laban, yung tipong may sense kaaway hindi yung puro kalmot at sugod lang. Hindi katulad nong Leah ba yon!? Yung anak ng CEO something!? Basta, that woman that shrieks like a fuckin banshee last time. I leaned on the sink while still facing her with a smirk on my face, my arms are crossed under my chest. I admit, I'm still irritated but I can't deny the fact that she looks like a teenage girl to me. "Talagang gustong-gusto mo si Eren, ano?" Sumama yung tingin nya saken, "Of course. He's a gentleman. Who wouldn't adore a guy like him?" "How sweet." I let out a cocky smile, "But that won't work on me. Kung gusto mong makuha si Eren eh paghirapan mo munang kunin saken." "Talaga!" Para syang batang nag-aalburoto kaya natawa ako, "I'll make him fall in love with me!" Then she blushed again. Aww, adorable. "Pagplanuhan mo munang maigi kung pano mo aagawin saken yung tofu boy na yon." "Alam ko!" I chuckled before standing up and pat her head, "Sundalo ang kakalabanin mo, Mariano." Masama ang mukha na tinapik nya yung kamay ko kaya nakangiti akong tinalikuran sya para sana lumabas na nang muli syang nagsalita na nagpatigil saken. "You don't deserve to have Eren, sasaktan mo lang sya." Hindi makapaniwalang umawang yung labi ko at ramdam kong nagpantig yung tenga ko sa sinabi nya. I felt my hands trembling as it clenched into a tight fist. Pakiramdam ko umakyat lahat yung dugo sa ulo kaya tumingala ako bago nameywang. "Ulitin mo nga yung sinabi mo." I stretched my neck. "A-ang sabi ko h-hindi mo deserve si Eren dahil sasaktan mo lang sya---" "At ikaw deserve nya?" Tanong ko habang nakatalikod pa ren. Ayokong humarap, baka di ako makapagpigil at makipag-face to face sya bigla sa salamin. "I'm sweet and caring, while Eren is a gentleman. Isa pa ay baka nga gusto nya na rin ako dahil hinahayaan nya lang ako na hawakan sya at---" "Hoy," Humarap ako sa kanya habang pinaglalaruan ng daliri ko yung ibabang labi ko, "Isa pang hawak mo kay Eren at paliliparin ko na yang tonsils mo sa ere." Imbes na matakot ay mas tinapangan nya yung mukha nya. "Hindi ako natatakot sayo." I saw her took some steps backward right after seeing my pissed off face kaya inilang hakbang ko yung pagitan namin tsaka ko sya kinorner sa lababo. Now I'm leaning on her, preventing her from escaping by resting my palm on the sink in both of her sides. "Hindi ka takot saken?" She cleared her throat and nodded, "Yes. I'm not afraid of you." "It's okay. Hindi naman kita pinipilit na matakot saken." I grinned while tilting my head, "May gawin man ako o wala ay alam kong natatakot ka pa ren." My grin faded and replaced by my darkened face. Ilang segundo pa kong nakipagtitigan bago ako umalis sa pagkakakorner sa kanya at tuluyang naglakad palabas ng CR habang nakapamulsa. *** LUMIPAS ang maghapon nang masama pa rin ang mood ko, kahit noong matapos ang tanghalian at bumalik sa building na pinagte-tapingan nila ay hindi nawala yung inis na nararamdaman ko. Dala-dala ko yon hanggang sa makauwi kami. I can't help but to think those exact words that she said to me. 'You don't deserve to have Eren, sasaktan mo lang sya.' Kumuyom yung kamao ko. Why does everybody think that I'm going to hurt Eren!? Mukha ba akong sanggano na ewan!? Tsk. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na gawin yon, tsaka paano ko sasaktan yong lalakeng yon!? Baka nga sa kutos ko palang umiyak na yon eh! Pinagpipindot ko yung remote para maghanap ng matinong channel pero wala halos lumalabas na magandang palabas. Lalo lang akong naiirita. Sya ang dapat na lumayo saken dahil totoo yung sinabi ko, kapag hinawakan nya ulit si Eren ay talagang kakaltukan ko yung ngala-ngala nya hanggang sa magsiliparan yung tonsils nya palayo. Magsama sila nung Jayson na yon. Panay pa-cute saken amputa. Kaumay. Kaurat. I'm fuckin jealous, I just don't want to admit it because I'm still not ready. Hindi ko sya pwedeng magustuhan basta-basta nang may gusto pa akong iba dahil talagang masasaktan lang sya. "Lalalalalalala~" Irita akong napapikit nang marinig yung tinig na yon, kainis. Dagdag sa sakit ng ulo ko! Gabi na ang ingay-ingay pa rin! "Hoy! Ang ingay mo!" Sigaw ko mula sa kamang kinauupuan ko. "Kumakanta lang ako!" Sigaw nya pabalik mula naman sa banyo. "Alam ko! Naririnig ko dahil may punyetang tenga ako!" Inis kong pinatay yung TV at padabog na nilapag sa katabing side table tsaka sumandal sa headboard. I glared at him when he took a peek from the bathroom door and stared at me in bafflement. "Galit ka?" I bet he's pouting right now because of his childish tone. Imbes na sumagot ay inirapan ko lang sya, "Bilisan mo dyan." "Why?" "Basta bilisan mo." "Pero hindi pa ko tapos sa ginagawa ko." "Tae ka Eren kaya nga bilisan mo diba?" Binalingan ko sya ng masamang tingin, "Ano na!?" He blinked a couple of times bago tuluyang umalis sa pagkakasilip sa pinto ng banyo. Narinig kong natigil yung paglagaslas ng tubig galing sa lababo at maya-maya ay lumabas na sya bitbit ang isang brush at kung anong lalagyan. Nawala yung ngiwi ko at napalitan ng ngisi nang makita ang suot nyang maikling pink boxer shorts at pink oversized t-shirt. Ewan ko lang ah pero parang kumekembot-kembot yung pwet nya habang naglalakad palapit saken. Tignan mo tong lalakeng toh, ang tambok ng pwetan. Nakakagigil. "Tokwa ano ba kasi yun?" Sumampa sya sa kama namin at humarap saken tsaka ako pinasadahan ng tingin, "Ang ikli na nga ng suot mo ang init pa rin ng ulo mo." My lips turned into a thin line when he poke both of my bare legs. Oversized pink shirt at black boyleg panty lang kasi ang suot ko. Sa kanya naman ako lumingon, I c****d an eyebrow when I saw that black sticky face mask again covering his whole damn face. Suot din nya yung makapal na pink polkadots headband na may malaking ribbon sa tuktok kaya nakataas din yung bangs nya. Then my eyes ran down to the things that he's holding and grimaced. Lalagyan pala nung itim na sticky liquid facemask yung hawak nya. "Ano nanaman yang nasa mukha mo?" He smiled, "Facemask!" "Bakit ba lagay ka ng lagay nyan sa mukha mo?" Pumalatak ako, "Para kang ewan." "Uy hindi ah! Once a week lang akong naglalagay ng facemask para matanggal yung excess oil sa open pores ng mukha ko." "Oil mo mukha mo." Eren pouted but then smiled after several seconds, inangat nya yung lalagyan non kasama yung brush tsaka pinakita saken. "Gusto mo bang lagyan kita?" "Gusto mo bang sapakin kita?" I asked too but in a sarcastic tone that made him pouted again with puppy eyes. I stared at him before letting out a sigh. I can't resist that cute pout and puppy eyes, no one can resist that. "Ge na," Senyas ko, "Manipis lang ah?" Lumitaw yung nagkikinangan nyang mga ngipin dala ng pagkakangiti. "O-okay!" Dali-dali syang bumaba ulit sa kama namin at may kinuha sa drawer na nasa tukador, tumaas yung kilay ko nang makitang isa pang makapal na headband yon pero kulay puti naman at imbes na ribbon ay tenga ng pusa ang nasa taas. "Wag mong sabihing ipapasuot mo saken yan?" He blissfully nodded, "Yup!" I squinted my eyes at him, "Hindi ako nagsusuot nyan." "Dali naaaa~" "Ang usapan face mask lang." "Pero dapat mag-headband ka para hindi tumabing yung buhok mo kapag nilagyan na kita ng facemask." "No." "Dali na JR~" I tsked, "A-yo-ko." Pinag-ekis ko yung mga braso ko, "Dude, never akong nag-headband. Simula gradeschool hanggang sa gumradweyt ako hindi ako nagsuot nyan." "Baby---" "Akin na nga yan!" Singhal ko tsaka padarag na inagaw mula sa kanya yung headband at isinuot sa sarili ko, "May first time naman sa lahat eh." Tumawa sya kaya sinamaan ko sya ng tingin pero hindi rin nagtagal dahil pinisil nya yung pisngi ko. "Ang cute cute mo!" "Oo alam ko!" Pakiramdam ko nag-blush ako dahil doon, tae talaga. Kumuha sya ng wet wipes at pinunasan yung mukha ko tapos ay nakangiti nya yung hinipan para matuyo habang nakatitig lang naman ako sa kanya. This guy looks stupidly cute. Nguso ng nguso, parang laging nanghihingi ng kiss. He looks adorable while starting brushing the sticky liquid face mask on my face. Ngiting-ngiti sya habang pa-brush brush nung itim na likidong yon, tumitikwas pa ang hinliliit ampota. Parang bading lang. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din sya, ngayon hinihipan-hipan nya na ulit yung mukha ko para matuyo naman yung facemask nang may maalala ako bigla. "Paborito mo pala ang calamares." "Opo." Hinipan nya yung malapit sa baba ko. "Bakit hindi ko alam?" He pouted, "Hindi ka naman nagtatanong ih." "Eh bakit hindi mo i-kwento?" "Ih malay ko ba kung interesado ka sa ike-kwento ko?" "Sabagay." Sabay kaming natahimik dahil doon habang panay pa rin yung hipan nya. Tae, di ako sanay ng tahimik lang kaya nagsalita ako ulit. "Himala hindi ka horny ngayon?" His eyes widen and the top of his ears reddened, "Grabe ka ah! Bakit parang pinaparating mo na sobrang hilig ko?" "Ay, hindi ba?" "Hindi naman ah!" "Parang oo eh." "Hinde!" "Ah kaya pala humihirit ka kanina sa jeep ko." Humalakhak ako nang mamula ng husto yung tuktok ng mga tenga nya, hindi ko makita kung nagba-blush sya eh. "JR!" Sya naman ang ngumiwi, "Salbahe ka." Inakbayan ko sya at ginulo yung buhok nya pero nagkikisay sya bigla habang tumatawa. "J-jhayrein! N-nakikiliti ako! Hahahahahaha! Nakikiliti ako!" I looked at him amused. Aba't tignan mo nga naman at may kiliti pala sa leeg toh? Hindi ko alam yon ah. Imbes na huminto ay mas sinundot-sundot ko yung leeg nya kaya mas lumakas yung tawa nya na sinabayan ko din ng halakhak lalo na nang magkakakawag sya doon. I tickled him until he was breathless, tumigil lang ako nang makita kong hinihingal na sya habang nakahiga sa mga hita ko. I smiled as I comb his soft hair by the use of my fingers. "Hoy." "B-bakit?" He asked while looking at me, still breathing heavily. "Akin ka diba?" He frozed for a second before finally smiled and hugged my waist. "As long as you want me to be yours." Di ko napigilan yung ngising kumawala sa labi ko habang patuloy na sinusuklay yung buhok nya. Just a little bit more, Eren. What I need is a clarification from myself. I need to make sure first. "JR." "Oh?" "Gusto mo ng pedicure?" (Third Person's POV) ISANG malakas na sigaw mula kay Eren ang gumising kay JR mula sa mahimbing na tulog. "Eren!?" Dinamba sya ng matinding kaba nang makitang wala si Eren sa tabi nya. "J-jhayrein!" Matapos marinig yung pagtawag ni Eren sa kanya mula sa labas ay agad nyang hinugot yung baril na nakadikit sa ilalim ng sidetable at mabilis syang tumalon paalis ng kama tsaka tumakbo palabas ng kwarto. Nagtungo sya sa hagdan ngunit imbes na tumakbo pababa ay walang takot syang nagpadulas sa railings non hanggang sa makababa sya. Right after she land on the floor, JR hurriedly ran unto Eren's location. There, she saw him froze while standing in front of the door as if he saw something terrifying. "What the f**k happened!?" She asked as she pull Eren's hand and hid him behind her while pointing her gun outside. He's pale and trembling as he pointed out his index finger outside the door. "B-bisita mo ba sila?" Nilingon nya ang nasa harapan at agad na kumunot yung noo nya. Five armed men are outside, wearing the same camouflage suit that she has with duffel bags on their right side. They are standing straight while looking slightly upwards and left hand on the side, the right hand giving her a salute as their faces turned red. "We are here to pick you up Liutenant colonel Gonzales. This is a personal order from her majesty."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD