KABANATA 3

2266 Words
Rated-18 ******************†************************ "Ha? Ahaha, naku Doc wala akong sinabi, ha." Palusot ko kahit hindi na talaga iyon uubra. Uggh! Bakit ko ba iyon nasabi rito? Sobrang nakakahiya at masiyado na akong obvious kay Douglas. "Never mind, anyway, bukas ng umaga ang flight natin." Aniya. Agad nanlaki ang mata ko. Hindi pa ako nakapag-impake at hindi ko pa nasabihan sina Mama na uuwi ko. "Hindi ba puwedeng sunday?" Baka namang puwede iyon. "Kung sunday pa tayo uuwi parang two days lang tayo nandoon." Napaisip ako. Sabagay, yong araw namin habang nandoon kami sa Bohol ay malilimitahan. "Tama ka." Wika ko. Ang dapat ko nalang gawin ay i-text sina Mama na uuwi ako at mag-impake nalang ng madalian. "Just bring little clothes. Hindi ka naman one week o month doon. Babalik rin tayo kaagad. And beside I have a surprise for you." Natitigan ko bigla si Douglas. Surprise? Ano naman iyon? "Anong surprise?" "Basta you'll know about it when we arrive there... I suggest, sa amin ka nalang muna matulog." Mas lalo akong napatitig kay Douglas with matching ekis ng kilay. "Aasawahin na kaya niya ako? Tapos maghoney moon agad?" Mahina kong sambit. Hindi naman yata nito naririnig. "Ang mabuti pa'y samahan mo muna ako papuntang mall." Wika ni Douglas at tumayo ito. Jusko! Baka ito na ang hudyat ng pagkahulog niya sa akin! s**t, effective yata itong mga kakanin! Kahit hindi ko sinabing papayag ba ako o hindi ay nauna nang umalis si Douglas. Nagmamadali akong tumayo at hinabol ito. Mamayang hapon pa naman ang klase ko kaya puwede pa akong gumala. Ang swerte ko! Si Douglas pa! Nagtungo siya sa parking lot at sumunod ako. s**t! Sasakay pa ako sa kotse niya. Bago pa ito sumakay sa kotse niya ay tumingin ito sa akin. "Dito ka sa harapan ng kotse." Ani nito at hinubad ang lab gown. Naka-white t-shirt nalang siya. Bigla akong napalunok ng laway nang makita ang dalawang u***g niyang bumakat sa damit. Medyo manipis iyon at pinapawisan siya. "Hey, tara na." Nagising ako sa aking pagpapantasya nang mapansin niyang nakatayo lang ako at titig na titig sa dibdib niya. Nagmamadali akong kumilos at sumakay sa harapan ng kotse. Pag-upo ko palang ay naamoy ko na ang mabangong scent ng kanyang kotse. Parang mint. Kinuha ko ang aking bag at inilagay iyon sa aking harapan. Sumakay na rin si Douglas, pinaandar nito ang kotse at nilakasan ang aircon. Tahimik lang ako na hindi mapakali. Iwan ko ba, wala naman kaming gagawin pero kinakabahan ako. "Punta muna tayo sa condo ko." Ani nito na mas lalo pang nagpakaba sa aking dibdib. Hindi ako kumibo. s**t! Bakit ganito. Para akong timang, kahit ano na ang pumapasok sa aking isip! "Hey, are you okey?" "Ha?" Napatingin ako sa kanya, "oo, malamig lang ang aircon." Rason ko. "Ha? Malamig ba? Pinapawisan ka nga." Bigla kong hinawakan ang aking noo at leeg. s**t! Basang-basa ako. "Tell me ano ang iniisip mo?" Tanong niya at nagmaneho na ito palabas ng University. "Wala, huwag mo akong pansinin." Hindi ko talaga maialis sa aking isipan na baka may gawin sa akin si Douglas. "Don't worry, mabilis lang tayo." Mabilis? Parang lugi naman yata ako doon? Gusto kong mas i-feel at matagalan! Napairap ako sa aking iniisip. s**t mali itong iniisip ko! Baka may kukunin lang ito sa condo niya. "Ano gagawin natin sa condo mo?" Kinakabahan kong tanong. "Ikaw anong gusto mo?" Patay! Ito na nga ba ang sinabi ko, eh! s**t! Baka mawala na itong virginity ko! Malibog ako pero hindi pa ako handang isuko ang Bataan! "Magpalit ka ng damit mo, pinapawisan ka." Ani ko nalang at tumingin sa kanyang dibdib. Napalunok na naman ako ng laway, parang mina-magnet ang mga mata ko sa dalawang u***g niya. "Iyon nga ang gagawin ko. May pasok ka pa mamaya?" "Oo, alas tres pa naman." Para akong baliw na sumagot dahil sa u***g niya ako tumitingin. "Baka matunaw ang mga n*****s ko niyan." Wika ni Douglas na ikinigulat ko. Napaupo ako ng tuwid at nagkunwaring may hinahanap sa aking bag. Parang nilamangan ko pa ang pagiging adik! Nakakahiya na itong inaakto ko. "By the way, baka may gusto kang bilhin na pasalubong?" "Naku, wala, sayang lang sa pera." Ani ko habang nagkukunwaring kinaralkal ang loob ng aking bag. Wala na yata akong mukhang ihaharap kay Douglas. "Ako na ang bibili." Napahinto ako sa paghalungkat at tiningnan ang gwapong mukha ni Douglas. "Huwag na, sobrang nakakahiya na." Giit ko. Sa pagkakataong iyon ay pasimple ko nang tiningnan ang n*****s niya. "Gusto kong bumili para sa family mo." Parang may kung anong pumitik ng malakas sa puso ko. Bakit ang sobrang bait ng lalaking ito? Ibang-iba ito sa mga mayayaman. "Ganito nalang para hindi ka mag-alala. Lahat na bibilhin ko sa mall ay may kapalit." Aniya. Bumalik na naman ang kaba sa aking puso. Baka one night stand ang kapalit niyon! "Anong kapalit?" "Help me clean my condo once a week." Nakahinga ako ng maluwag. Tangna! Ako lang yata itong nagkakandarapa sa pag-iisip ng kalibogan! "Sige payag ako, what will be the exact date?" "Dipende sa vacant mo? Free ako every afternoon onwards. Weekend naman free din but I suggest huwag ang weekends dahil minsan umuuwi ako sa Bohol and ikaw tumutulong sa pagtitinda." Napaisip ako kung ano ang vacant ko. Tama nga si Douglas, hindi ako puwede basta weekends. "Wednesday nalang. Until 2 pm lang ang pasok ko kaya puwede akong makatulong saiyo." Ngumiting wika ko. Mukhang maganda ngang tutulong ako sa paglilinis para hindi ako magkaroon ng utang na loob rito. "Okey, every wednesday ay hihintayin kong matapos ang class mo para sabay na tayo sa condo. Ngumiti ako at tumango bilang tugon. Mabuti iyon para libre pamasahe na. "Nandito na tayo." Agad nag-park si Douglas. Sabay kaming lumabas sa kotse niya. Pagtingin ko sa building ay sobrang laki. Nakita ko na ito minsan pero hindi ko alam na dito pala siya nakatira. "Tara." Aniya at sumunod ako. Excited akong makita ang loob ng condo niya. First time ko ring makapasok sa isang condo! Hanggang sa tevee o social media lang ako nakakapanood ng isang condo unit. Pagpasok namin sa loob ay ang daming pinto. Siguro iba-iba ang nagmamay-ari rito. Pumunta kami sa ikalawang palapag at pumasok sa isang pinto. "Ito ang condo mo?" Iginala ko ang loob. Sobrang linis, ang mga curtains ay blue and black so medyo dark sa loob. At ang linis na ng loob. May lilinisin pa ba kami rito? "Sigurado ka bang kailangan patong linisin? Sobrang linis na, eh." Ani ko. Hindi ko parin maalis ang tingin sa palibot ng condo nito. "Ayoko sa mga alikabok dahil may allergy ako." "Ahh, I see." So linising tao pala itong si Douglas. Nakakatuwa naman, kasi iyong ibang lalaki ang kakalat! "Dito ka muna, ha. Magpapalit lang ako." Wika ni Douglas at mabilis niya akong tinalikuran. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang ss pumasok siya sa isang silid. I guess room niya iyon. Habang hinintay ko si Douglas ay ginala ko ang tingin sa paligid. Walang anong mga paintings. Nang tingnan ko ang mesa ay may napansin akong frame. Maliit lang iyon kaya hindi ko makita masiyado kung sino ang nasa frame. Lumapit ako para tingnan ito. Pagkalapit ko ay napatitig ako. Ang ganda niya, girlfriend siguro ito ni Douglas. Pero wala naman akong nakikitang babae kasama nito. Kapatid kaya? O nangibang bansa lang? Ganoon paman ay napatitig ako, sobrang ganda naman niya talaga. "Hmmm." Napatayo ako ng tuwid nang biglang dumating si Douglas. "Ang ganda niya, sino siya?" "She's Bella, my ex-girlfriend." Aww! Parang may kung ano akong naramdaman. Tiningan ko ulit ang picture, mukhang may taste nga naman si Douglas. Kaya siguro di niya napapansin na gusto ko siya dahil parang joke lang ako. "Ba-bagay kayo?" Nautal kong wika. "Thank You, tara na." Nauna akong humakbang palabas. Hindi pa siguro naka-move on si Douglas kaya nandoon pa iyon. Sa bagay sino ba naman ang makakalimot sa babaeng iyon, sobrang ganda! Hanggang nasa kotse na kami ay tahimik ako. Diko mawala sa isipan ang pagkadismaya at selos kay Bella. Kung ihahambing kami parang walang-wala ako. "Tahimik ka?" "Ha? Wala, huwag mo akong isipin, excited lang ako umuwi." Nginitian ko ng matamis si Douglas para hindi nito mapansin ang lungkot ko. "Alam mo you're good at prentending but you can't hide it out from me." Bigla akong napalunok ng laway. English na iyon pero sobrang naiintindihan ko. Napabuntong hininga ako, sabihin ko na nga, "kasi sobrang ganda ni Bella, pinangarap ko rin ang ganoong kagandahan." Pagsasabi ko ng totoo. Ang buong akala ko ay sisimangot si Douglas o magagalit pero napangiti lang ito. "Maganda ka naman, sobrang ganda mo pa nga, eh. Hayaan mo, when we got there sa Bohol I will introduce you sa mga Tita ko at kay Kuya Alvin." Nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko ang Tito Alvin niya! Well, hindi personally, nakilala ko lang ito dahil sa mga beauty products nila. Ang kaso hindi ako makabili dahil sobrang mahal! "Talaga?" Naisatinig ko nalang. Tatanggi pa ba ako? "Yes, that's a promise." Ngumiti siya ng napakatamis. "Naku, salamat Douglas." Diko mapigilang kabahan at siyempre excited na ako! ****** Pagdating namin sa mall ay agad kaming dumiritso sa grocery store. May pinabibili daw sa kanya ang Tito Elthon niya. Sunod lang ako ng sunod kay Douglas. Hindi ko makita kong ano ang mga pinamili niya dahil nasa likod lang niya ako. "Wala ka bang gustong bilhin?" Humarap siya sa akin. "Wala, huwag mo akong intindihin." Narinig kong napabuntong hininga si Douglas at nagpatuloy ito sa pagkuha ng kahit na ano. Hanggang sa natapos kami. Nagulat ako dahil ang dami niyang binili. Dalawang supot iyon ng paper bag na malaki. "Ito saiyo, ibigay mo ito sa family mo." Itinuro ni Douglas ang isang paper bag. "Ang dami naman niyan. Nakakahiya." "No worries." Ngumiti siya ng matamis. Wala na rin akong nagawa dahil nabayaran niya na rin. Pagkatapos namin sa grocery ay pumasok kami sa isang restaurant. Mamahalin doon at halatang sobrang classy. "Douglas, sigurado ka ba rito?" Nag-aalala kong tanong. "Yes." "Sobrang mahal rito." "Haha." Tumawa siya ng bahagya, "no worries." Ani nito. Pinabayaan ko lang siya at umupo na kami sa table na good for two. May waiter na lumapit sa amin kaya agad nang nag-order si Douglas. "What's yours?" Tanong niya sa akin. Tiningnan ko ang menu. Takti! Sobrang mahal ng price! Kahit na magtinda ako ng kakanin ng isang buong linggo ay kukulangin iyon! "Ikaw nalang, sobrang mahal." Ani ko. Ngumiti siya sa akin at ito na nga ang nag-order ng mga foods. Sa totoo lang diko talaga alam ang mga dish na iyon! "20 mins. Ma'am, Sir." Ani nong waiter at umalis na ito. "Oy, nahihiya na ako saiyo, puwede namang sa karenderya tayo kakain." Giit ko. Sobrang low class ko talaga! "Huwag kang mag-alala kapag na short tayo, maghuhugas nalang tayo ng pinggan." Pananakot niya sa akin. "Sos, baka hindi ka nga marunong." Ani ko. Sa yaman nito mukhang malabong naghuhugas ito ng pinggan. "Haha." Tumawa na naman siya, mas lalong lumitaw kung gaano ito kasarap, esti! Kagwapo! "Di'ba tama ako." Giit ko. "Hmm, you'll see." Wika nito. "Kuya Douglas?!" Sabay kaming napatingin ni Douglas nang may sumigaw sa pangalan niya. Nagitla ko ang aking pag-upo dahil tela nakakita ako ng dalawang artista! Tumakbo ang babae palapit kay Douglas at yumakap ito. Iyong lalaki naman ay yumakap saglit. Napatitig ako sa dalawa. Mukhang may hawig sila kay Douglas. "What are you doing here?" "May dinalaw lang kami ni Homer." Nakikinig lang ako sa kanila. Even the way sila magsalita ay parang may lebel talaga sa lipunan. Ang sa tingin koy hindi nagkakalayo ang edad ko sa kanila. "Kuya, baka puwede mong ipakilala sa amin kung sino ang kasama mo." Wika nong gwapong lalaki. Napatitig na rin sa akin ang babae. Sobrang ganda! "Oo nga kuya." Narinig kong napabuntong hininga si Douglas, mukhang na pressure ito. "Homer, Veronica this is Angel and Angel mga pinsan ko. Magkapatid sila." "Hi, Angel. Nice meeting you." Naunang bumati si Veronica sa akin at nagbeso siya sa akin. Ang bango at lambot ng pisngi niya. "Nice meeting you, Veronica." Nahihiyang wika ko. "Nice meeting you, Angel." Inilahad ni Homer ang kamay niya sa akin. "Nice meeting you, Homer." Nagkipagkamay ako. Medyo nagulat ako dahil ang lambot ng palad ni Homer. Halatang mayaman at hindi yata ang mga ito naglalaba! "Ikaw kuya, ha. Finally, after four years. Here you are dating again." Kinikilig na wika ni Veronica. "And you have a good taste." Dagdag ni Homer. Kitang-kita ko kay Douglas kung paano ito pinamulahan ng mukha. At ganoon din ako. Jusko, hindi naman date ito. "Naku, kaibigan lang kami ni Doc Douglas." Ani ko. Pero iwan ko kung naniwala ba itong dalawa. "Anyway, hindi na namin kayo gagambalain dahil babalik na kami sa Bohol." Ani ni Veronica. "Mag-ingat kayong dalawa." Bilin ni Douglas nang makaalis na ang dalawang pinsan nito. Hanggang sa dumating na ang order namin. Bigla akong nagutom, s**t! First time kong kumain ng ginto! Lovelotz???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD