KABANATA 5

2276 Words
Rated-18 ******************†************************ "Just go on, Douglas." Wika nong isang lalaki na sobrang gwapo din! Sa tingin ko ay Tito iyon ni Douglas. Nandoon rin si Homer at si Sir Alvin, siyempre kilala ko ito! "Angel this Lola and Lolo, ito naman si Tito Elthon, Tito Alvin at si Daddy. And the Ladies, si Tita Rosette and Tita Louisa." "Magandang umaga po sa inyo ay wait." Tiningnan ko si Douglas. "Anong oras na?" Pabulong kong tanong. "Eleven." Umaga pa, "magandang umaga po." Napabungisngis ako ng tawa. s**t! Nakakahiya. "Kuya, hindi mo ba kami isasali?" Wika nong isang binatilyo na katabi ni Homer. "Angel, ito si Peter, si Eskel and the rest are kiddos." "Maganda umaga." Bati ko ulit. "Na-meet na niya si Veronica at Homer kahapon. And I guess nai-kwento na ni Veronica sainyo." "Siyempre kuya, reporter ito, eh." Lumapit si Veronica sa akin at ngumiti. "Tabi tayo." Aniya at hinila ako palapit sa kina Rosette at Louisa. "Hi, Angel just call me Tita Rosette." Aniya at niyakap ako. "Just call me, Tita Louisa." Niyakap rin ako. Naiilang ako sa kanila dahil ang gaganda nila ng sobra. Napansin kong nakatingin sa akin ang Lolo at Lola ni Douglas kaya napangiti ako. "Magmano ka." Bulong ni Veronica. Tama, s**t! Dapat yon pala ang una kong ginawa. Lumapit ako sa kanilang dalawa na kinakabahan. "Hello Lolo, Lola. Pamano po." Ani ko at ibinigay naman nila ang kanilang mga kamay. " Pasensya na po ha dahil di ako nakapagmano kanina kasi kinakabahan ako." Dagdag ko na nagpangiti sa kanila. "Walang problema, iha." Wika ni Lola. Ano ang pangalan niya. "Ano po ang pangalan ninyo?" "Just call me Lola Veron at Lolo John naman sa husband ko." "Sige po, ang ganda at gwapo niyo parin. Manang-mana sa inyo ang mga apo ninyo." Diko mapigilang sabihin. "Ouch naman Angel, paano naman kaming mga anak nila?" Biglang nagsalita si Sir Alvin. "Aww, siyempre given na iyon." Giit ko pa. Na nagpatawa sa kanila. "Nakakatuwa ang girlfriend mo Douglas. Gusto namin siya." Biglang wika ni Tita Louisa na nag-appear pa kay Tita Rosette. No wonder baka sobrang close nila. Kitang-kita ko kung paano pamulahan si Douglas. Mali yata ang nai-report ni Veronica. Bahagya akong lumapit sa tatlong babae. "Tita Louisa, Tita Rosette, wala po kaming relasyon ni Douglas." Ani ko. "Alam namin iyon Angel." Bulong ni Veronica, "just go with the flow." "Ha?" "Food is ready!" Sigaw nong matanda at may dalawa itong kasamang babae. Dala-dala nila ang ibang pagkain. "Tabi tayo Angel, ha." Ani ni Veronica at hinila ako. Umupo nga ako sa tabi nito at sa kabila naman ay isang bata na sobrang cute. Hindi ko alam ang pangalan nito. "Huli na ba ako?" May isang babaeng dumating at ang ganda rin. Biglang tumayo si Douglas at humalik sa pisngi rito. "Mom." I see. Mommy ni Douglas. "Mommy, Daddy." Ani ng Mommy ni Douglas kina Lolo at Lola. Umupo ito sa tabi ni Tito Andrew. Ang buong akala ko ay hindi niya ako napansin kaya ng tingnan niya ako ay napangiti siya. "You must be Angel?" "Opo." Sagot ko. "I'm Vanessa, call me Tita Vanessa." "Thank you po." Ani ko. Kaharap ko ngayon si Douglas na paminsan-minsan ay tumitingin sa akin. Hindi ko inakala ang sobrang kabaitan ng pamilya nito. Bago kami nagsimulang kumain ay pinag-pray muna nila si Eskel. Napaka-family oriented nila. Nakakainggit ang ganitong pamilya. "So Angel, magkwento ka tungkol sa buhay mo." Biglang wika ni Lola Veron. Bago pa ako nagsalita ay tumingin muna ako kay Douglas. Tumango lang ang ulo niya. "Isa po akong nursing student sa isang University sa Manila kung saan doon nag-aaral si Doc. Douglas. Nagtitinda rin po ako ng kakanin every weekends at araw-araw naman sa University." Ani ko at napatingin ako kag Douglas. Nakangiti ito ngayon. "Believe it or not, parati akong binibigyan ni Angel." Dagdag ni Douglas. Napangiti ako rito, sobrang humble. "Ang sweet naman." Bulong ni Veronica. "Hindi ah." Giit ko. Hindi ko alam na merong ganitong personality si Veronica. Saan kaya niya ito nakuha? Hindi ko alam kung sino ang ina niya. Si Tita Rosette ba o si Tita Louisa. "Angel, anong mga kakanin ang niluluto ninyo?" Biglang tanong ni Tita Louisa. "Lahat na klaseng kakanin po." Sagot ko. "Angel turuan mo kami, nami-miss ko na ang mga kakanin sa Manila." Si Tita Rosette. Pangiti-ngiti lang ako bilang response kanila. "You'll love it." Wika ni Douglas. Haist, kinikilig na naman ako. "Puwede mo bang lutuan kami, Angel?" Si Lola Veron. "Opo, wala pong problema. Kailan po ninyo gusto?" Mabilis kong wika. "Sa Tuesday nalang bago ang balik ninyo sa Manila ni Douglas." Ngumiti ako, "sige po." Nakaka-pressure naman. Pero kaya ko naman iyon, natutunan ko na ang mga kakanin na alam ni Tiyang Abel. Hanggang sa matapos kaming kumain lahat. Hindi ko na magawang makipag-usap kay Douglas dahil hinila ako ni Veronica. Ngayon ay nakasunod ako sa kanya. Iwan ko kung saan niya ako dadalhin. Nagi-enjoy ako sa presensya at bubbly na personality niya. Paglabas namin sa likuran ng mansyon ay napansin ko ang sobrang lawak ng lupain! Ang mas ikininagulat ko ay ang daming kabayo. "Nasubukan mo na bang sumakay ng kabayo, Angel?" Tanong nito sa akin. Napailing lang ako, kanina pa nga ako nakakita ng kabayo personally. "Ganito nalang, dalawa tayo sasakay sa kabayo." Aniya. Bigla akong kinabahan. Baka mahulog kami o baka tumakbo ng mabilis ang kabayo na sasakyan namin. Saan ba kasi ako dadalhin ng babaeng ito? "Saan tayo pupunta?" Sa wakas ay natanong ko. "Oo nga pala ano, hindi ko nasabi, magpunta muna tayo sa amin. Aayusan kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Veronica. s**t, talagang tinutuo ni Douglas ang sinabi niya kahapon. "Dito ka muna maghintay, kukunin ko lang ang kabayo ko." "Sige." Patakbong umalis si Veronica at napatingin lang ako rito. Habang naghihintay sa kanya ay inaliw ko ang aking sarili sa buong paligid. Kahit dito sa likod ng mansyon ay sobrang linis. Hindi ko inakala na may ganitong paraiso sa Bohol. "Yahhh!" Naagaw ang tingin ko na papalapit na ngayo'y si Veronica. Nakasakay na ito sa kabayo at napanganga ako. Sobrang cool niyang tingnan. Para siyang isang latina na sumasakay sa kabayo. Sobrang astig! "Yahh." Sigaw ni Veronica at napahinto niya ang kabayo. Naglalakad na ang puting kabayo nito palapit sa akin. Humakbang ako paatras baka sipain ako ng kabayo niya. Sobrang laki pa naman nito. "Tayo na Angel." Aniya. Napatitig lang ako. Hindi ko alam kung sasakay ba ako o hindi dahil natatakot na ako. "Don't worry ako bahala saiyo." Mukhang bihasa naman si Veronica sa pangangabayo kaya sige na nga. "Paano ako aakyat?" "Ilagay mo dito ang kanang paa mo, humawak sa aking kamay. At ang kaliwa mo naman at itaas mo." Sinunod ko ang sinabi ni Veronica. Ang buong akala ko ay hindi niya ako kayang buhatin pasakay sa kabayo. But damn, sobrang lakas ng babaeng ito. Ngayon ay nakasakay na ako sa likuran ng kabayo. Kinakabahan ako dahil anumang sandali ay puwedeng magwala itong kabayo niya. "Yumakap ka lang sa bewang ko Angel, ha." "Sige, pero huwag mo munang patakbuhin ang kabayo, ha." Giit ko. Tangna, kinakabahan talaga ako. "Okey." Ani ni Veronica, "yumakap ka ng mahigpit Angel." Sinunod ko si Veronica, mahigpit na mahigpit ang yumakap ko sa kanyang bewang. "Ayahh!" Sigaw ni Veronica at ginalaw nito ang reins. Napapikit ang mata ko ng maramdaman kong naglakad ang kabayo. Ang buong akala ko ay ganoon lang kabilis ang takbo namin. Nang nakalayo na kami sa mansyon ay biglang pinatakbo ni Veronica ang kabayo. "Kapit lang Angel!" "Okey." Shit, hindi ko kayang ibuka ang mga mata ko. Feeling ko lumulutang ako sa eri. Nakakatakot! Hindi ko alam na ganito ang pakiramdam kapag first time mong sumakay sa kabayo! Mas malala pa ito kaysa sa airplane. Feeling ko lang! Naramdaman kong hindi na tumatakbo ang kabayo. Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko. Pumasok kami sa isang masukal na daa n. Pero nang makalabas kami sa masukal na bahagi ay napalaglag ang panga ko. Sobrang ganda! May dalawang bahay na sobrang ganda. Ang paligid ay punong-puno ng mga bulaklak! "Ang ganda dito Veronica." Wika ko. "Iyong bahay sa kanang bahagi ay kina Tito Andrew, noon sa mansyon sila nakatira ngunit dahil dalawa na ang anak nila, si Kuya Douglas at Eskel ay nagpatayo na rin sila. Pero si Kuya Douglas doon siya sa mansyon tumitira. Nasanay na, eh. Itong bahay na kaharap natin ay sa amin." Mahabang wika ni Veronica at pinalakad na nito ang kabayo. "Ang yaman niyo pala ano." Naisaboses ko. "Naku, parents ko lang ang mayaman, iyong pera na ginagamit ko ay allowance ko pa iyon. Hindi ako binibigyan ng pera kapag walang importanteng bilhin." Muli ay napahanga na naman ako. So hindi spoiled si Veronica. "Lahat kami ganoon, pati mga pinsan ko ganoon din. Ang Abuelo at Abuela ang nag-utos para raw matuto at lumaking hindi salat sa pera." Dagdag pa nito. "Ang swerte ninyo, may ganoon kayong Lolo at Lola." Ani ko. "Yes, kaya malaki ang respeto namin sa kanila. Baba na tayo." Humawak ako sa kamay ni Veronica para makababa ako at nang nakatapak na ang paa ko sa lupa ay sumunod siya sa akin. Itinali nito ang kabayo sa poste at pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa bahay nila. "Señorita Veronica!" May kung anong sumigaw sa hindi kalayuan ng bahay nina Douglas. May isang lalaki at hinahabaol nito ang malaking baka. "Dito ka muna Angel." Mabilis na tumakbo si Veronica at inambangan nito ang baka. Nanlaki ang mga mata ko. Huwag nitong sabihin ay huhulihin niya ang baka? Bago paman ako napakurap ng aking mga mata ay nagulat ako sa ginawa ni Veronica. Tumalon ito ay napakapit sa leeg ng baka. Natakpan ko ang aking bibig sa biglang gulat. s**t! Anong ginagawa niya. Hindi ako makahuma. Ilang sandali pa'y natumba na nito ang baka! Bwesit na babaeng ito! Wala yata itong kinakatakutan! Nang makalapit ang lalaki kay Veronica at sa baka ay umalis na rin ito. Bumalik si Veronica sa aking kinatatayuan. Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya. "Hoy, ayos ka lang?" Baka nasugatan o nasaktan ang gagang ito. "Wala, chicken lang iyon sa akin." Nakangiting wika nito. Pagkalapit niya sa akin ay naamoy ko siya kaagad. Nangangamoy baka na ito. "Gaga ka, what if kung nabalian ka ng buto." Hindi ako maka-get over. "Ano ka ba sanay na ako doon no, ang tawag doon Rodeo." Hindi ko alam kung ano ang Rodeo pero isa lang ang alam ko. Hanep ang babaeng ito. "Gusto mong magtumba ng baka?" Nakangiting tanong niya. Mabilis akong napailing, "huwag na baka doon pa ako mamatay." Ani ko na nagpatawa rito. "Nakakatuwa ka talaga Angel, no wonder kaya ka nagustuhan ni Kuya Douglas." "Nagustuhan?" Balik ko. Wala ngang feelings sa akin ang lalaking iyon. "Oo, kitang-kita ko sa mga mata ni Kuya." "Haist, huwag na nating pag-usapan iyon." Ani ko. Baka mas lalo pa akong mainlove kay Douglas nito. "Ikaw ang bahala, tara na pasok na tayo." Sumunod lang ako rito. Nang nasa loob na kami ng kanilang bahay ay napa-wow ako. Sobrang linis at ang luwag. Malaki rin ang bahay! "Upo ka lang rito dahil magbibihis ako, kukunin ko na rin ang mga gamit." Umupo lang ako gaya ng sinabi ni Veronica. Napatingin ako isang family picture. "Si Tita Rosette pala ang ina nina Veronica at Daddy nila si Sir Elthon." Ani ko. Namana ni Veronica ang maputi at makinis na balat ni Tita Rosette. Pati na rin ang labi nito. At kay Homer naman ay mas malaki ang nakuha niya sa Daddy nito. Ang isang bata, ito iyong katabi ko kanina. Sobrang liit pa nito sa picture pero ngayon ang laki na. Kung may word man akong i-describe sa mga Montecilio, iyon ay ang salitang pinagpala! Nasa kanila na lahat! Pagkaraan ng halos sampung minuto ay nakabalik na si Veronica. May kung anong mga gamit na dala ito. Nakapagpalit na rin siya ng damit. "Alam mo, babagay saiyo itong mga beauty product na ito." Ani ni Veronica. Agad namang nagliwanag ang mukha ko. Baka dito lang ako magiging maganda. "Nakakahiya naman." Ani ko. Hindi ako sanay na tumanggap na kahit na anong bagay mula sa ibang tao. "Wala iyon, masasayang ang mga ito kung hindi gagamitin." Aniya, "alam mo sobrang layo ninyo ni Bella." Dagdag ni Veronica na ikina-gitla ko. So kilala rin nito si Bella. "Bella?" Nagkunwari akong walang alam, ganoon naman kasi, ex lang iyon ni Douglas at iyon lang ang alam ko. "I thought kilala mo iyong wicked witch na iyon." Napatitig ako kay Veronica. Sa tono ng pananalita niya ay hindi nito gusto si Bella. "Kwentuhan mo ako tungkol sa kanya." Giit ko. Napahinto si ito sa ginagawa nito. Mukhang hindi niya inaasahang na maging intresado ako kay Bella. "Huwag na baka multohin ako non." Nagulat na naman ako, patay na ang ex-girlfriend ni Douglas? "Hindi naman totoo ang mga multo, eh." Giit ko. Ngayon ay si Veronica naman ang napatitig sa akin, "okey, habang ina-apply ko saiyo ang mga product na ito, magku-kwento ako." Napangiti ako at excited na rin at the same time! Lovelotz???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD