Rated-18 "Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Homer, Douglas. Alam namin na umuwi ka it's because sinabi sa amin ng ospital na iyong tinatrabahuan. Hindi mo man lang sinabi sa amin na pamilya mo kami. Supposedly kami ang unang makakaalam sa mga ginagawa mong desisyon." Ramdam na ramdam ko kay Daddy ang disappointment. Kasalanan ko ang lahat ng ito. This is my first time seeing his face na galit sa akin. "Maiwan ko muna po kayo, Tito." Ani ni Homer. "Kuya." Bumaling siya sa akin. "Sige, Homer. Pakisabi kay Tita Vanessa mo na lumapit sa amin." Si Daddy. "Sige po." Mukhang wala na nga akong kawala rito. Napabuntong hininga akong hinanda ang aking sarili. Tinapunan muna ako ng Homer ng nag-aalalang tingin. I know this time, hindi na niya ako matutulungan. Speechless lang ako sa harap ni

