Rated-18 Kung maaari ay gustong kumpirmahin ni Homer ang babaeng patay na iyon. Hinihintay pa niya ang picture na mai-send sa kanya. Hindi na muna niya pinaalam sa kanyang Kuya Douglas ang nangyari. Ayaw niyang magbigay muna ng konklusyon. Malakas ang kutob niyang hindi si Angel iyon. Habang hinihintay ang picture ay tumawag sa kanya ang pinsang si Peter. Mabilis niya itong sinagot. Malamang alam na nila sa Bohol ang nangyayari ngayon kay Angel. "Hello Pet." Bungad niya rito. "Kuya, inutusan ako ni Lola na tawagan kayo." Ani ni Peter, kalmado ang boses nito ngunit ramdam niyang nag-aalala ang pinsan. "Alam na ba ninyo lahat?" "Actually hindi ko alam dahil kami lang rito sa mansyon, eh. Walang kasama rito si Lola kaya pumunta ako." "Ha?" Bigla niyang naisip ang abuelo, "si Lolo? Sa

