Rated-18 "TIYANG!" Biglang pumutok ang panubigan ko. Nakatihaya akong nakaupo sa sofa habang pinapakalma ang sarili. Masakit na rin ang tiyan ko at natatakot ako sa aking kalagayan. "Tiyang! Saan na kayo!" Halos magdadalawang minuto ngunit hindi parin rumiresponde si Abel at Mario sa akin. "Tulong!" Wala na akong nagawa pa. Tuluyan na akong humihingi ng tulong sa maaaring makarinig sa akin. Baka umalis sina Abel kaya wala ang mga ito! "Ate, manganganak ka na po? "Oo buknoy! Ipara mo ako ng taxi." Anak ng kapitbahay namin. Namimilipit ako sa sakit ng tiyan. Bahala na pipilitin ko nalang maglakad. Kailangan mailabas ko ang bata bago pa ito mapahamak sa loob ng sinpupunan ko. Tumakbo si Buknoy papuntang highway. Dahan-dahan akong naglakad at nagpipigil akong umire. Nag-muscle contract

