Rated-18 "MERRY CHRISTMAS TIYANG, MANONG MARIO!" Masayang bati ko sa dalawa. Nakakatuwa lang dahil dito na namamalagi si Mario sa bahay. Ito na ang tumutulong sa paggawa ng kakanin. "Para po ito sainyo." Tig-isa sila ng gift. Hindi ko na sana bibigyan si Mario ngunit nahihiya at naaawa ako. Mabait pa naman na ito sa akin. "Maraming salamat, Petra." Ngumisi ng malapad si Mario. "Walang anuman po." Ngumiti ako rito. "Kami rin may regalo saiyo, Petra." Si Abel. Umalis ito at nagtungo sa kwarto nila ni Mario. "Hindi na po sana kayo nag-abala Manong." Giit ko kay Mario. "Ang tiyahin mo ang makulit." Ani nito. Pagbalik ni Abel ay may dala itong box. Hindi iyon kalakihan ngunit napangiti ako. "Ayan, sabay na natin buksan ang mga gift." Excited na wika ni Tiyang! "Teka lang, nabati mo

