HINDI MAUNAWAAN ni Maya ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na ‘yun habang patuloy ang halikan nilang dalawa ni YoRi, sa tuwing sinusubukan niyang ilayo ang mga labi niya ay hinahabol naman ‘yun ni YoRi. Hindi naman niya magawang maitulak si YoRi, sa tingin ni Maya ay isa sa rason ay dahil sa nararamdaman niya para dito. Malapit ng maubusan ng hangin si Maya ng kusa ng tumigil si YoRi dahilan ng pagtagpo ng kanilang mga mata, isang inch lang ang layo ng kanilang mga mukha. “Did you came here because you’re worried of me?” malamig na tanong ni YoRi kay Maya na hindi maiiwas ang mga mata sa kaniya. “Gu-Gusto ko lang malaman k-kung a-ayos ka lang, kung kamusta ang kanang braso mo dahil nasaktan ‘yan dahil sa akin.”sambit ni Maya na ikinahinga niya ng maluwag ng lumayo na si YoRi sa kaniya

