Take her home… TAHIMIK AT walang imik si Maya sa kinauupuan niya sa harapan ng van na labag sa loob nila Paxton bilhin para lang makapunta sa barn ni YoRi. Sa tabi ng driver seat siya nakaupo sa tabi ni Lu na nagmamaneho habang sa back seat ay sina Sergio, ToV at Paxton. Walang kibo si Maya sa kinauupuan niya dahil tumatakbo sa isipan niya si YoRi, sinabi nito na gusto siya nito pero pakiramdam niya nasabi lang nito dahil sa mga kaibigan nito, ramdam ni Maya ay pamimigat ng kaniyang dibdib. “Akala ko ayaw siyang pauwin ni Ringfer, pero bakit pinahahatid siya sa atin Santos?” tanong ni Paxton na bahagyang lumapit sa upuan ni Lu upang masilip ang bahagyang nakayuko at nananahimik na si Maya sa kinauupuan nito. “You know Ringfer, pabago-bago ang utak ng isang ‘yun. Huwag kang mailang sa am

