NAKAUPO LANG si YoRi sa kaniyang bintana at malayo ang kaniyang tingin, hindi parin niya ginagamot ang sugat sa kaniyang kamay dahilan upang matuyo ang dugo sa kamao nito. Isa lang ang nasa isipan ni YoRi, si Maya. Simula ng umalis siya ay si Maya lang ang naiisip niya, pero kailangan niyang tiisin at pigilan ang nararamdaman niya para dito. Aware si YoRi na nasaktan niya si Maya sa mga sinabi niya dito, pero pinili niyang tikisin si Maya. Pero labis na nagpasakit kay YoRi ay ang pilitin ang sarili na walang maging reaksyon kahit nalaman niya ang miscarriage ni Maya. Hindi man makita ni Maya, pero may kung anong nawasak sa puso ni YoRi sa kaniyang nalaman, but the hardest thing YoRi felt is to show that he doesn’t care. Pagdating kay Maya nag-iiba siya, pero para sa kapakanan din nito ay

