Chapter 43- THE 13TH TARGET SERIES 12: YO RINGFER “Ba-Bakit parang a-ayaw mo yata na magising ako, Han? Nakakadurog naman kayo ng damdamin…” Mas nanlaki ang mga mata ni Tad ng mismong marinig niya sa kabilang linya ang boses ni Blue. “Ynarez?!” Sabay-sabay na napalingon sina Paxton kay Tad na may bahid ng gulat ng sambitin nito ang epilyido ni Blue, agad naman binalik ni Paxton ang tingin niya sa hawak niyang si Omega na inalis ang pagkakahawak niya sa braso nito. “Bakit naman parang gulat na gulat ka Han? Hindi ka ba masaya na gising na ko? Gusto ko ngang magtampo sa inyo dahil ni isa sa Phantoms wala akong nakita pag mulat ng mata ko.” Dahil sa gulat ay ibinaba ni Tad ay ibinaba niya ang cellphone niya at napagpatayan ng tawag si Blue at hindi makapaniwalang tiningnan sina Demon.

