"Where there is ANGER, there is always PAIN underneath.-Eckhart Tolle" PAGKARATING ng Phantoms sa Han International Hospital ay malalaking hakbang ang ginagawa ng ilan sa kanila upang makarating agad sa ICU ni Blue. Nahuhuli naman sa paglalakad si YoRi, Devil, Tad at LAY dahil alam nilang ang pagtakbo ng mga kasama nika ay nakakabulahaw sa hallway ng ospital. "For sure kung gising na nga si Ynarez, makakatikim siya ng madaming batok sa mga nagmamadaling Phantoms. He sure rests fvkcing lot bago maisipan na gumising." ani na kumento ni Tad na gusto mang makitakbo kina Demon ay pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang makita siya ng mga staffs niya na nagmamabilis. "If he's really fvcking awake, is it fvcking good for him to stand up and leave his room?" seryosong tanong ni Devil na iki

