KARARATING lang ni YoRi sa tapat ng bahay ni Taz kung saan nakatanggap siya ng message na hinahanap siya ng Phantoms, agad lumabas si YoRi at dere-deretsong naglakad papasok sa loob ng bahay ni Taz. Nang makarating siya sa sala ay kumpleto niyang nakita ang Phantoms kasama si Blue na naka wheel chair. “What are you doing here?” malamig na tanong ni YoRi kay Blue na malapad na ngiti ang pinakita nito sa kaniya. “Siyempre kailangan narito na ako sa pa meeting ni boss Taz ngayon na gising na ako, ang dami ko na kayang namiss na mga kaganapan simula ng ma-comatose ako. May approval ako ni Doc. Han kaya huwag kang mag-alala sa akin, Ringfer.” Saad ni Blue na nakatanggap ng batok kay Tad. “Anong may approval? Ang sabihin mo namilit kang gago ka, manang-mana ka kay Fritz sa katigasan ng ulo.”

