SA PAVILLION ng north bound, magkakasama ang Phantoms at underboss ni Taz sa malawak nilang meeting room upang pag-usapan ang dalawang mission na nakaatas sa kanila. Una, ang pagbabantay kay Misha Irinah Wright, at ang pangalawa ay ang paghahanap kay Saulo Tieves. Sa pabilog na mesa ay mga nakaupo na at nakapuwesto ang lahat at tanging si Taz nalang ang hinihintay nila dahil nagkaroon lang ito ng emergency meet-up sa mga board members ng kumpanya nito na hininga ang presensya ng kanilang C.E.O. Magkakasama ang Phantoms at underboss sa meeting room nila, pero kanina pa napapansin nina Demon ang katahimikan sa loob. Nakikiramdam siya sa paligid pero kahit mga magugulo sa kanila ay trip itikom ang bibig ng mga ito na ikinatayo ni Demon sa kinauupuan nito. “Okay, anong meron? Langya, nakakab

